Chapter 2: HOW COULD I FORGET THIS BOY?

139 5 3
                                    

Ako si Angelina Salazar, 15 years old. Pero Geline na lang for short.

Kung ide-describe ko ang physical appearance ko… Tsssss… Pwede ‘wag na lang? Haha. Pero sige, itra-try ko.

Sa tingin ko, hindi ako maganda. Pero hindi ko din sinasabi na pangit ako. Dahil hindi ito Diary Ng Panget na may gwapong mayaman at matalino na model ng Bench na biglang mai-in love sa’kin. Si Cross ay guni-guni lang. Walang ganun sa tunay na buhay.

Basta sa tingin ko yung itsura ko sakto lang. Kuntento naman ako. Haha. Hindi lang talaga ako yung iniisip n’yo na pang-leading lady. Hindi ako gustuhin o ligawin. Hindi ako pang-bida, pang-extra lang. Hindi ako pang-campus sweetheart, commoner lang. Hindi ako… Teka nga? Bakit ba parang dina-down ko na ata yung sarili ko ah.

Ide-describe ko na nga lang ng specific yung itsura ko. Yung buhok ko, kulot na kinky, parang buhok ni Melai Cantiveros dati nung PBB housemate pa siya. Actually, pina-rebond ko na ‘to last school year eh, kaso medyo bumabalik na sa dati. Buhaghag na ulit kaya lagi na naman akong naka-ponytail. Yung noo ko, malapad. Nag-bangs ako dati para matakpan naman pero yun nga, kumulot na naman yung buhok ko. Yung kilay ko medyo makapal kasi di ako marunong mag-ahit. Yung mga mata ko, singkit. Chinita ako parang si Kim Chui. Naks, chumi-chinita princess. Haha. Tapos nakasalamin ako. Malabo na mga mata ko grade school pa lang. Yung kulay ko, morena parang si Kathryn Bernardo. Haha. Pagbigyan n’yo na ako dito. Ultimate crush ko kasi si Daniel Padilla. Yung height ko, it’s confidential. Basta ang wish ko sana naman pagdating ko ng college kahit 5 flat man lang maabot ko okay na sa’kin (cross finger).

First day of class dito ngayon sa Travis Anderson High School. Third year highschool na ako at scholar nga pala ako ditto. At kung di ako scholar malabang makapag-aral ako sa exclusive school na ‘to. Mahirap lang kasi kami eh. Tatlo kaming magkakapatid. Yung sumunod sa’kin, 13 at 10 years old. Yung mama ko naglalako ng kakanin, serbidora sa isang canteen at naglalabandera. Suma-side line din siya sa pagpe-pedicure at paggupit ng buhok. Super woman kasi ang mama ko at yung papa ko… wala na siya. Sumakabilang BAHAY na. Oo, you heard it right. Sumakabilang BAHAY, hindi sumakabilang BUHAY. Iniwan niya kami at sumama sa ibang babae nung 13 years old ako. Iniwan niya kami pati ang responsibilidad niya sa’min.

Haist. Yung life story ko pang-MMK talaga yan eh. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para magkwento ako sa pamilya ko. Darating tayo diyan pero sa ngayon yan na lang muna.

Yung dalawa kong kapatid sa public lang nag-aaral, ako lang yung naka-private. Actually, nung grade school ako sa private school din ako nag-aaral eh. Pinag-aral kasi ako nung boss ng tatay ko sa trabaho. Driver siya dati nun. Kaya lang namatay yun nung grade 7 ako kaya natigil na. at yan din yung time na iniwan kami ng tatay ko.

Tapos etong Travis Anderson High, ni-refer ‘to sa’min ng isang pinaglalabahan ni mama na teacher dito. Ako kasi yung class valedictorian namin nung grade school kaya sabi ng teacher nay un, si teacher Amy, mag-apply daw ako ng scholarship dito. At ayun, pumasa naman ako.

Gusto ko sana mag-working student. Tumulong kay mama mag-lako ng kakanin, mamasukan din na serbidora sa karinderya ni Aling Nena o bantay ng computer shop nina Mang Baldo o kaya mag-apply bilang librarian dito sa school o kahit ano basta legal siyempre. Basta makatulong ako kay mama sa gastos sa bahay. Kaya lang ayaw niya. Mag-concentrate daw ako sa pag-aaral ko, kaya niya naman daw. Ayaw daw niya na kaming magkakapatid ay mahirapan at hindi ma-enjoy yung pagiging bata namin dahil pinagtratrabaho niya kami. Gusto daw niya kaming magkaroon ng normal na buhay. Pangteleserye lang ang mga linyahan ni mama ‘no?

Pero nitong nakaraang bakasyon may nag-offer sa’kin na mag-tutor. Grade 3 student yung itu-tutor ko. Ako naman interesado talaga kasi yun nga, gusto ko talagang makatulong kay mama. Alam ko kasi hirap na siya ayaw niya lang ipakita sa’min. Isa pa, pangarap ko talagang maging teacher. And I love kids! Education nga yung balak kong kunin na course sa college eh.

Going back, pinilit ko si mama tungkol dun. Sabi ko sa kanya pagbigyan na niya ako kasi gusto ko talaga yung gagawin ko kasi nga pangarap kong maging teacher. Tsaka tuwing weekend lang naman yun. Nung una ayaw talaga pumayag pero nakuha ko din siya sa lambing. Haha.

Teka lang? Parang ang dami ko na atang nakwento ah? 7:00AM yung pasok naming, 7:20 na wala pa din yung adviser namin. Kaya etong mga kaklase ko… haist… hindi ko alam kung riot ang meron dito o nasa palengke ako eh. Eto ngang dalawa sa tabi ko akala mo kung mag-usap nasa magkabilang classroom eh magkatabi lang naman sila. Nagtitilian pa, sarap sabunutan eh. Kung di ko lang bestfriends ‘tong dalawang ‘to matagal na talaga eh. Paano, pinag-uusapan nila si James Reid. Crush na crush kasi nila yun eh. Gwapo naman talaga yun tsaka talented pa pero loyal kasi ako kay DJ. Maka-DJ akala mo kilala ng personal eh. Haha. Hmmmm. Tsaka may naaalala kasi ako sa kanya. May kamuka at kapangalan siya. Pero never mind na lang.

Kasagsagan ng pag-iingay nila, dumating yung adviser naming, si Mrs. Feliciano. Natahimik bigla ang lahat. Pero may kasama pa siya. Estudyante, lalaki at tingin ko ka-year level ko siya. Medyo payat, matangkad, mga nasa 5’9” siguro. Moreno tapos bad boy look. Ang gwapo niya, in fairness. Artistahin. Yung buhok niya parang yung hair style ni Daniel Padilla sa Princess and I. Mas magulo nga lang yung buhok ng isang ‘to. Actually, tingin ko nga magkasing-katawan at magkasing-kulay nga sila eh. Papasa na nga ‘tong kalokalike ni Daniel eh. Yung polo niya nakabukas tapos black T-shirt pa yung pangloob niya tapos naka-sneakers pa. Medyo bad boy, Daniel Padilla nga ang peg. Pero kahit ganyan siya manamit hindi siya mukang dugyot tulad ng iba… bagay kasi eh. Ang astig niya nga eh. Ay? Ako na natu-turn on sa guy na ‘to. Haha. Ang harot, first day pa lang.

Nakakunot yung noo niya pagpasok ng classroom tapos hindi niya kami tinitignan. Suplado ata ‘to ah. Samantala, kaming lahat sa kanya lang nakatingin. Yung mga girls nga may bahagyang pagtili pa eh tapos nagbubulungan.

Habang tinititigan ko siya, napansin ko na parang pamilyar ang muka niya…

Pinakilala siya sa’min ni Mrs. Feliciano. “Good morning class. Sorry for being late on our first meeting. I just have to assist our transferee here.” Tumuon siya sa transferee. “Jacob, introduce yourself to your classmates.”

Nawala yung pagkunot ng noo niya at ngumiti siya ng malaki. Yung kaninang mukang suplado naging friendly na ngayon ang aura. “Hi, classmates. I’m Daniel Jacob Benavidez, 15 years old. I’m nice, funny and friendly, so I hope you guys would like me.”

Tugs. Tugs. Tugs.

Ow. Em. Gee.

Sa tingin ko nagha-hyperventilate na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Yung ganitong feeling na para akong aatakihin sa puso nung narinig ko siyang magsalita. Una ko ‘tong naramdaman 7 years ago.

Daniel Jacob Benavidez. How could I forget this boy?

The Fourth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon