Bangag ako nung pumasok sa school. Pagkabasa ko kasi ng txt ni Jacob hindi na ‘ko nakatulog ng tuluyan. Kainis.
Kung tinatanong n’yo kung ano yung nireply ko sa kanya… wala. Hindi ko siya nireplyan.
Ang totoo niyan gusto ko sanang sabihin: “Jacob! Sobrang na-miss din kta! Pasensya ka na ha kung sinusungitan kita kanina. Nagtampo kasi ako akala ko kasi talaga nakalimutan mo na ‘ko. Ako kasi kahit kelan di kita nakalimutan. Madami talaga tayong dapat pag-usapan lalo na tungkol sa’ting dalawa. Mamaya sabay tayo umuwi.” Kaya lang nung ise-send ko na na-realize ko na ang landi ko kaya binura ko lahat ng tinype ko. Mga 30 minutes din akong nag-isip ano ba ang dapat kong sabihin. Nung nag-come up na ako sa simpleng “Na-miss din kita. See you later!” nung ise-send ko na sabi ng phone ko “send failed”. Nun ko lang naalala na wala pala akong load. Ha-ha. Epic fail.
“Huy!” Napasigaw ako nang biglang may humampas sa lamesa.
Nagtawanan sina Luke at Niccolo na nakaupo sa harap ko. Nasa canteen kami at hinihintay sina Jez at Doreen at ngayon pati na din si Jacob. Tuwing umaga naghihintayan kami dito sa canteen para sabay sabay na pumunta sa building namin. Oh di ba ang clingy lang? Eh si Doreen pa ba? Siya may gusto niyan eh. Sina Luke at Niccolo pala ibang section pero same building lang.
“Ano ba? Bakit ba kayo nanggugulat?”
“Eh ba’t tulala ka? At ang laki ng eyebags mo?” tanong ni Luke.
“Ikaw ha? Sa’n ka galing kagabi ha?” tanong naman ni Niccolo na parang may pagbibintang. “At bakit naman hindi ka nag-aaya?”
“Eh? Para namang ugali kong gabihin sa lansangan?”
“Sabagay. Boring ka nga palang tao ‘no? So kung wala kang pinuntahan kagabi edi nagdra-drugs ka? Bakit naman hindi ka nagshe-share?”
“Hindi ako nagdra-drugs. Kasi kung adik ako eh ano pang tawag sa’yo?”
“Gwapo, mayaman, matalino plus may Doreen pa. In one word perfect.”
“Seen.”
“Parang alam ko na kung bakit,” sabi ni Luke na nakangiti. Sa grupo namin si Luke yung laging tamang hinala. As in tama talaga lagi yung hinala niya. Tuwing lingo kasi suma-sideline siyang manghuhula sa Quiapo. Yung huli ko pong sinabi ay imbento lang.
“Lagi mo naman alam eh. May bago ba dun? Alam mo ingat ka, yung madaming alam bigla na lang yan bumubulagta.”
“Sige nga dude bakit?” tanong ni Niccolo.
“Edi in love.”
“Oh? Kanino naman? Dun sa ex bestfriend o dun sa childhood sweetheart pa din?”
“Kay destiny.”
“Destiny? Sino namang destiny?”
“Jacob!” Tawag ni Luke sa likod sabay kaway. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Gaya pa rin ng dati.
Paglingon ko sa likod, si Jacob naglalakad papunta sa table namin… at may kaakbay siyang babae.
Yung babaeng ‘to lagi kong nakikita na iba-ibang lalaki yung kaakbay. Akalain mo nakita ko na naman siyang may kaakbay na lalaki at si Jacob pa.
“Hi guys!” Ngayon ko lang nalaman na nagsasalita pala ang basura.
“Hello,” nakangiting bati ni Luke. “Pero sino ka naman?”
“I’m Jodi, Jacob’s girl-“
“Ah sige na pasok ka na sa classroom n’yo baka ma-late ka pa eh. Bye!” sabi ni Jacob sabay bitaw dun sa girl at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The Fourth Time
Romance"Paano mo ba malalaman kapag RIGHT TIME na?" Kung natanong mo na 'to, para sa'yo ang kwentong ito.