Ikalabing Walong Kabanata

74 9 1
                                    

          “Yes! Bukas na yung actual play!!”

         Bulalas ni Jaja. Nagulat naman sina Ryan, Luke at Gerald na nasa tabi lamang niya sa Blue Table. Ang oras ay 4:30pm, at nakatambay lamang sila doon, at walang ginagawa habang nag-aantay ng next class.

          “Wala ka namang kinalaman dun! Bat na-eexcite ka!?”

          Sagot ni Luke, tiningnan lamang siya ni Jaja ng masama.

          “Bakit!? Masama bang ma-excite!? Manonood din naman kami eh!”

          Singit ni Gerald sa usapan ng dalawa. Tsaka naman nagsalita si Jaja…

          “Wala eh! Ganyan yang si Pangi-noo…”

          “Oo na! Sige na! Umattend kayo kung gusto niyo! Dalawa lang naman kayo sa mga audience dun! Wala akong paki!”

          Sambit ni Luke, habang wala namang nakinig sa kanyang pinagsasabi. Tumayo siya para sana umupo sa lamesa nang makita niyang paparating ang isang dalaga. Agad siyang tumakbo at sinalubong ang dalaga bago pa ito makarating sa kanilang lamesa. Tumalikod at lumakad sila palayo sa tatlong kaibigan ni Luke. Nanood lamang ang tatlo sa mga aksyon ni Luke.

          “Sino ba yung babae?”

          Tanong ni Jaja, na nakatingin lamang kay Luke at sa kasama nito.

          “Actually, nakikita na namin sya noon pa na ka-holding hands ang isang girl, I wonder baka sya yun.”

          Wika ni Gerald, habang si Ryan naman…

          “Obviously, close sila niyang girl na yan, baka girlfriend na nga niya yan eh!”

          Wika ni Ryan, napatingin lamang sa kanya ang dalawa, matapos nun ay nagtinginan si Gerald at Jaja, na para bang nagpaplano ng kung ano, habang nadarama na ni Ryan ang mga susunod na mangyayari.

          “Sya lang ba yung naghahanap ng girlfriend?”

          Panimula ni Jaja, kinuha ni Ryan ang kanyang bag na nakapatong sa Blue table, ngunit inagaw ito ni Gerald at inilapag muli sa mesa.

          “Yung nangyari noong isang araw, kala mo ba hindi namin malalaman yun!?”

          Naghahanap pa rin ng dadaanan si Ryan, ngunit, kahit saan siya tumingin ‘tila hindi siya makakawala sa mga kaibigan niyang ito. Kaya painosente siyang nagtanong…

          “Ughh! Ano ba kasi yun?”

          “Ulul! Wag mo kaming lokohin! Magkasama kayo ni Besty ko noong nakaraang araw! Umamin ka!”

          “N-napag-utusan kasi kami!”

          “Nako, Ryan!”

“Teka guys! Nakiki-asar ako pero wala akong alam dito? Sino ba dun sa mga ‘besties’ mo yung kasama niya?”

          Napatanong si Jaja, wala siyang idea sa mga pangyayari at gusto lamang niyang mang-asar.

          “Mamaya, sasabihin ko sayo!”

          “NGAYON NA!”

Dahil sa nawalan ng pokus si Jaja, Nakahanap ng butas si Ryan sa dalawa at nakalabas. Babantayan pa sana ni Jaja ang bag nito para hindi makuha ngunit huli na ang lahat.

          “May klase pa ako!”

          “Ang aga pa! Ganyan ka na ba ka-dedicated kay Prof. Jenny!?”

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon