Ikalabing limang Kabanata

95 10 3
                                    

          Gabi na ng matapos ang practice nila. Matiyagang nag-aantay mag isa si Luke sa Mendiola. Madilim na, at marami na ang sumasakay pauwi, ngunit hindi pa magawa ng binata na sumakay ng jeep. Ilang saglit pa ay dumating na ang kanyang hinihintay.

          “Sorry! Nagtagal pa kasi kami dun sa props! May pinag-usapan pa!”

          Dahilan ni Bella, na hingal na hingal, mukhang tinakbo ang kalayuan ng kanilang school sa lugar na iyon. Tinignan laman siya ni Luke at agad namang nagpanic itong si Bella.

          “Uy! Sorry na talaga! Hindi ko naman sadyang pag-antayin ka ng matagal eh! Sorry na!”

          Napaka-sweet ng boses ni Bella habang humihingi ng tawad. Ngumiti na lamang si Luke at nagsabing…

          “Joke lang! Hindi ako galit.”

          “Sorry talaga…”

          Inilagay na lamang ni Luke ang kanyang daliri sa mga labi ni Bella. Hindi na ito nagsalita habang si Luke naman ay…

          “Gusto mo ng milkshake?”

          Agad tumungo ang dalaga, at nilapitan nila ang katabing bilihan ng milkshake.

          Palakad na sila habang nag-aantay ng jeep na masasakyan. Nakatingin lamang si Bella kay Luke habang iniinom ang milkshare na inilibre sa kanya ng binata. Napansin naman ito ni Luke at nagtanong…

          “Oh, anong meron?”

          Na-flustered si Bella. Agad niyang ginamit ang kanyang handbag para takpan ang kanyang mukha.

          “K-k-kasi, ang lapad pala ng noo mo.”

          Nagdilim ang mukha ni Luke, nabadtrip sa sinabi ng dalaga. Umirap na lamang siya at nagwikang…

          “So, pati ikaw makikisali sa kapatiran ng mga tagasamba ng aking pangi-“

          HINDI! Hindi sa ganun!”

          Inalis ni Bella ang bag na ginagamit niyang panakip sa kanyang mukha. Medyo nilapit niya ang kanyang mukha kay Luke at nagwikang…

          “I actually find it really cute!”

          Sambit ni Bella. Nakatingin sila sa isa’t isa. Mata sa mata, nadarama ni Bella ang mabilis na pagpintig ng kanyang dibdib. Unti unti’y nagkukulay kamatis na siya. Habang si Luke ay nilalabasan ng malapot na pawis. Hindi niya mawari kung bakit siya nagkaka-ganoon. Matapos ang ilang segundo, na-realize nila ang kanilang sitwasyon at iniwas ang mukha sa kanilang kasama.

          “Th-t-thank you.”

          Nauutal na sambit ni Luke. Nagulat na lamang siya ng yakapin siya ni Bella. Malamig man ang simoy ng hangin, hindi niya inaasahan na sa dami ng tao sa mga oras na iyon, yayakapin siya ng isang napakagandang dilag. Ilang tao man ang nakatingin sa kanila, hindi na lamang niya ito pinansin.

          “A-a-ayaw mo pa bang maging t-tayo?”

          Nauutal na tanong ni Bella. Hindi man sumagot agad si Luke, gumanti na lamang siya ng yakap. Hinagkan nila ang isa’t isa sa harap ng maraming tao.

          “G-gusto mo na bang…”

          Iniharap ni Bella ang kanyang mukha sa binatang kanyang kayakap. Para bang inaantay ang mga salitang nais sabihin nito.

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon