Ika dalawangpung kabanata

92 10 2
                                    

          “Hoy! Diba first year kayo?”

          Mataray na tanong ni Jaja sa barkada ng mga lalaki na nakaupo sa harap ng stage. Pinanlakihan siya ng mata ng mga ito.

          “Oo, baket?”

          Matapang na sagot ng isa sa mga ito, tiningnan ni Jaja ang lalaki, mata sa mata, at nagwikang…

          “Anong gusto mo? Away o gulo?”

          Tumayo ang mga first year at nagwikang…

          “Pano pag gulo?”

          Sasapak na sana ang mga first year ng biglang dumating ang mga bouncer at ushers na hinila ang mga first year palabas, nakangiti na lamang si Jaja at nagwikang…

          “Ano, gulo pa?”

          Asar nito at lumapit na sa kanya si Gerald, na pinalakpakan si Jaja.

          “Maangas, kala talaga nila lalaki ka at naghamon pa ng suntukan sayo!”

          Puri nito at iwinagayway ni Jaja ang kanyang kulot na buhok.

          “Ako pa! Kahit naman sapakin nila ako, sila pa masasaktan, anong sinabi ng kamao nila sa brace ko!”

          Wika nito at ngumiti para lamang makita ni Gerald ang kanyang brace.

          “’Di ko alam kung brace ba yan or mouthpiece eh!”

          Asar ng binata, at umupo sila sa mga nabakanteng upuan.

          “Kulang pang isa dito sa tabi ko.”

          Wika ni Jaja at kinuha ni Gerald ang kanyang cellphone para mag text ngunit…

          “Kasama ni Chloe yung mga friends niya.”

          Singit ng isang pamilyar na boses, pagharap nila, nakita nila si Alliyah na mukhang hinihingal hingal pa.

          “T-tsaka di rin siya manonood, ginagawa nila yung…”

          “Alam ko na yan! Sige na, umupo ka na!”

          Putol ni Gerald sa sinasabi ng dalaga. Agad agad at ubod ng galak na umupo si Alliyah sa bakanteng upuan. Pagkaupo ay biglang nagdilim ang lahat, nakarinig sila ng anunsyo na magsisimula na ang play, umupo na rin ang iba pang nasa audience.

          “1, 2, 3, GO!”

          Bulong ni MJ at agad binuksan ng mga lights men ang mga ilaw. Nagliwanag ang entablado, puno ng liwanag at musika habang ang mga karakter ay umaarte sa harap ng mga manonood. Dahil napakalapit nina Ryan at MJ sa entrance sa entablado, nakikita nila ang mga pangyayari sa stage at sa backstage.

          “Maya maya pa papasok si Gabriela sa eksena.”

          Wika ni MJ na umupo muna sa sahig, makakasagabal kasi sa mga dadaang props kung may upuan sila. Dahil ilang beses na nilang napanood ang palabas, alam nila ang halos lahat ng linya at mas alam nila kung kailangan na ba nilang patayin at buksan ang mga ilaw.

          Umupo na rin si Ryan para samahan ang dalaga.

          “Sabihin mo lang kung…”

          “Okay lang ako. Nakapagpahinga lang ako tsaka maganda pa naman pakiramdam ko. Nangangawit lang ako.”

          Sagot ni MJ na may napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi gaya ng dati, may kaunting liwanag sa kanilang kinalalagyan. Ito ay dahil sa mga karagdagang pailaw na kanilang nahiram. Humarap si Ryan sa dalaga at nagwikang…

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon