Ikalabing isang kabanata

116 11 3
                                    

Pagkalapit ni Ryan sa dalaga, agad niyang nakita ang masamang kondisyon nito. Pinipilit ring magsalita ni MJ ngunit puros usal lamang ang naririnig niya rito.

"B-b-bag.."

Pagkarinig sa linyang iyon, agad kinuha ni Ryan ang bag ni MJ, kinalkal niya ang kung ano mang kailangan niyang ibigay sa naghihingalong dalaga ng makita niya ang nais ipakuha nito.

Agad kinuha ni Ryan ang inhaler at inilagay sa bibig si MJ. Unti-unti'y, nahimasmasan ang dalaga. Kumuha si Ryan ng ligaw na bangko sa tabi tabi at pinaupo si MJ.

"Aatakihin lang siya ulit pag di niyo sya inalis dito."

Wika ni Lili na iniwan na rin ang laro para malaman ang mga pangyayari. Dahil na rin sa tinuran, pinasan ni Ryan si MJ, nagulat si Gerald at nagwikang..

"Pre, gusto mo ako na magb..."

"Ako na."

Sagot ni Ryan. Humarap na lamang si Ryan kay Lili at nagwikang...

"Sorry, next time na lang yung rematch mo."

"Okay lang yun, babawi na lang ako sayo next time."

Nilaro ni Lili ang larong iniwan ni Ryan, habang nagtuloy tuloy silang lumabas ng arcade shop. Sinundan na lamang sila ni Gerald na biglang tumunog ang cellphone nito.

Pagkalabas ng arcade shop, agad silang kinalabit ni Gerald at nagwikang...

"Sorry guys! Pinapauwi na ako ng Tatay ko! Ikaw na ang bahala kay MJ."

Sambit ni Gerald, natigilan ang binatang si Ryan na parang natulala sa sinabi ng kaibigan, hindi siya makapag react dahil pasan pasan lamang niya ang dalaga.

"Ingat ka besty!"

Matamlay na paalam ni MJ, hinimas naman ng binata ang ulo ng dalaga at nagwikang...

"Ay, Sorry talaga ah! Di ko alam na may hika ka pala, dapat pala hindi na ako nag sugge..."

Pinutol ni MJ ang sasabihin ng kaibigan nang hawakan niya ang kamay nito sa ulo niya. Ngumiti na lamang ang dalaga na nagpakalma kay Gerald.

"Kung alam lang namin talaga..."

"Shh, tama na, okay lang yun guys."

Sagot ni MJ. Hindi alam ni Gerald at Ryan kung paano puputulin pa ang usapang iyon kaya pinara na lamang ni Gerald ang isang jeepney na papuntang Divisoria. Pagkasakay niya, dumungaw siya sa bintana ng jeep at nagbiling...

"Ingatan mo yang bestfriend ko!"

Hindi alam ni Ryan ang isasagot sa kaibigan. Humarurot ang jeep na walang naisagot si Ryan sa bilin ng kaibigan, naramdaman na lang niya na hinihila ni MJ ang manggas ng kanyang polo-shirt.

"Okay na ko Ryan, pwede mo na akong ibaba."

Wika ni MJ at dahan dahang ibinaba ni Ryan ang dalaga.

"Sure ka bang okay ka lang?"

Nag-aalalang tanong ni Ryan, ngumiti na lamang si MJ, nahawa na lamang si Ryan sa ipinakitang ekspresyon ng dalaga. Humarap ang binata sa dadaanan nilang pabalik na kung susumahin, ay baka makapag-trigger ulit ng asthma ng dalaga. Dagdag pa ang nakakapasong init ng alas-tres kwatenta'y singkong araw.

"Mag tricycle na lang tayo papunta sa sakayan mo."

Wika ni Ryan at tsaka pumito sa kalapit lamang na pila ng mga tricycle. Sumang-ayon na rin si MJ para sa sarili niyang kapakanan. Nang makalapit ang tricycle, naunang sumakay si MJ at nag amba si Ryan na sumakay sa likod ng driver ng mapansin ito ng dalaga.

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon