Ikatlong Kabanata

136 13 0
                                    

“Tada!”

Muwestra ni Mary Jane habang ipinapakita ang sandamakmak na switches sa kanilang harapan. Kausap niya si Ryan at kasama niya sa pagpapaliwanag si Gabriela.

“This will be our workplace.”

Dagdag ni Gabriela, at inisa isa ni Mary Jane ang mga switches at buttons sa kanilang harapan.

“This is for the centre outside lights. That is the side spots switch, this is the centre inside and this is the...” 

Patuloy na paliwanag ni Mary Jane. Habang taimtim na mang nakatingin si Ryan. Hindi mawari kung nakikinig ba siya o sadyang pinagmamasdan lamang niya ang dalagang kumakausap sa kanya. Nang matapos sa pagpapaliwanag si Mary Jane.

“Nakuha mo?”

Nagulat na lamang si Ryan. Masikip lamang ang kanilang ‘workplace’ kaya sadyang magkalapit sila sa isa’t isa.

“Uhmm, yeah, I guess. Baka hindi lang ako maging familiar agad.”

Simpleng tugon ni Ryan, napangiti na lamang siya na nakahawa naman sa kanyang mga kausap.

“Don’t worry, kahit naman marami yang mga switches na yan, hati-hati naman tayo dyan.”

Sambit ni Gabriela. 

“We will tell you naman kung anong switches lang ang bubuksan mo eh. Mapa-familarize mo rin sila. Just always wait for my cue.”

Wika ni Mary Jane mula sa kanyang nakangiting mga labi. Agad namula si Ryan ngunit sa kadiliman ng backstage ay hindi naman ito nahalata.

“Oh, I forgot to mention, madadaanan tayo ng ibang props, so we have to compress every time na dadaanan yung mga gamit nila.”

Paalala ni Mary Jane, napatingin si Ryan sa paligid, nasa daanan nga naman sila patungo sa stage. Napansin ng dalaga ang pagkalito ng binata sa kadiliman ng lugar at nagwika.

“Basta, dahil kasi napakalapit natin sa pasukan patungo sa stage, nadadaanan talaga nila tayo dito. Kaya kailangan nating mag-compress pag dadaanan na yung mga props.”

Sambit ni Mary Jane. Hindi na nakaisip ng itatanong o sasabihin si Ryan. Kinuha muna ng dalaga ang kanyang pamaypay at naglakad palayo sa mga kasama ng...

“Mary Jane!”

Tawag ni Ryan at humarap sa kanya ang tinawag.

“Please don’t call me Mary Jane, MJ na lang!”

Nakangiting sambit ng dalaga. Pulang pula na ang mukha ni Ryan, sa kadiliman ng backstage.

“Okay, MJ.”

Mahinang sambit ni Ryan, sumagot ng matamis na ngiti si MJ at tsaka nagtuloy-tuloy ang dalaga patungo sa kadiliman ng backstage. Habang si Ryan ay nagmimistulang kamatis ang mukha. Habang kinikilig pa ang binata, nawala na sa kanyang paningin ang dalaga. 

“Ryan, okay ka lang?”

Kumakaway sa harap nang nakatulalang si Ryan si Gabriela. Agad nagising sa katotohanan si Ryan. Humarap siya kay Gabriela, na mukhang nag-aalala sa kanya. Hinawakan ni Gabriela ang kanyang braso at nagwikang...

“Anong nangyayari sayo?  Nilalagnat ka na ata, ang init mo kasi eh.”

Hindi maipinta ang mukha ni Ryan. Dinama niya ang sarili kung mainit nga siya. Ngunit wala naman siyang nadadama. Agad namang kinuha ni Gabriela ang kanyang bag at naglabas ng gamot. 

“Siguro, kinakabahan lang ako.”

Sinundan niya ito nang pilit at nahihiyang tawa. Ngunit hindi ito pinansin ni Gabriela.

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon