Ikalawang Kabanata

149 15 3
                                    

"Round 1, Fight!"

"Kaya nga, sabe ko sayo, sumali ka na rin sa play, maraming plus grade na ibibigay, lugi ka pa dun?"

Wika ni Ryan habang kinokontrol ang kanyang Xiaoyu. Simula't sapul na naglaro siya ng Tekken, si Xiaoyu na ang kinahiligan niya.

"Naku, hindi naman sa ayaw ko, talagang hindi lang ako papayagan."

Wika naman ni Gerald habang ginagamit ang kanyang Lili. Marunong si Gerald ngunit si Ryan ang nagsisilbing tutor ni Gerald sa Tekken.

"Baket kasi hindi ka papayagan? Ano yun? Babae?"

Sabat ni Luke habang taimtim na nanonood sa dalawa habang naglalaro, naroon din si Jaja sa tabi ni Ryan. Na pinapanood si Lili sa screen.

"Ling Xiaoyu Wins"

"Grabe, ilang beses pa ba bago kita matalong muli?"

Sambit ni Gerald at tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

"Hoy, pa mercy ka ah!"

Dinuro ni Jaja si Ryan. Si Luke naman ay taimtim lamang na nakatitig kay Lili.

"Hoy! Kapangalan lang yan nun, hindi sya yan!"

Saway ni Gerald dahil parang maglalaway na itong si Luke. Wala naman talagang pagkakahawig si Lili na bestfriend niya at si Lili na nasa Tekken, sadyang magkapangalan lamang sila. Ngunit, 'tila parang ewan itong si Luke na nakatitig lamang kay Lili.

"Ling Xiaoyu Wins!"

"Ano ba! Hindi ganyan gamitin si Lili!"

Bulalas ni Luke, napatingin na lamang sa kanya ang mga tao sa paligid.

"Oh, edi ikaw na maglaro, hindi pala ganun eh!"

Bulyaw ni Jaja at saka siya umalis sa kinauupuan at agad umupo itong si Luke.

"Watch and Learn! Natuto ako from the expert!"

"Sige lang, lagi naman pre!"

"Ling Xiaoyu!, Lili!"

Sa kanilang paglalaro, todo bigay si Luke habang cool na cool lamang sa pagkokontrol itong si Ryan. Tuloy tuloy lamang ang mga combo hanggang sa...

"Perfect"

Banggit ng arcade machine.

"Ling Xiaoyu wins!"

"Grabe ang daya naman!"

Bulalas ni Luke at tinawanan lamang siya nina Jaja at Gerald.

"Grabe kayo! Hindi na ko maglalaro niyan kahit kailan!"

Sabay walk-out nitong si Luke. Iniwan agad nila Ryan ang arcade at ibinigay na lamang sa ilang batang nakatanghod sa kanila ang laro.

"Ano ka ba! Di mo kagaad makukuha yung combos ni Lili kung hindi ka magsisimula sa pinakamadali."

Sambit ni Ryan. Ngunit frustrated pa rin itong si Luke.

"Grabe ka naman talaga, Lalaking airport! Simpleng bagay, galit ka kaagad! Bakit hindi kasing lapad ng noo mo yang pasensya mo!? Ganyan ka ba talaga!?"

Asar ni Jaja sa kaibigan, agad inayos ni Luke ang kanyang bangs na nakatakip sa kanyang noo. Humarap siya nang seryoso kay Jaja at nagwika.

"Ah, basta, hindi na ko maglalaro niyan, kahit kailan!"

Humarang si Ryan sa dadaanan ni Luke.

"Nangako ka sa bestfriend mo na kailangan gumaling ka na sa Tekken pag naglaban ulit kayo!"

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon