Ikalabing siyam na Kabanata

88 10 1
                                    

          Umaga. Nasa klase sina Ryan at Luke habang hinihintay si Darla, ang kanilang prof. Tantya kasi nila, dahil once in a blue moon lang magturo si Darla, kailangan, once in a blue moon din silang pumasok. Sa pagkakataong iyon, nadarama nila ang aura ni Darla sa kanilang natatanging paaralan.

          “Halika na nga! Wala naman si Darla!”

          Wika ni Luke, inip na inip na sya, sumenyas na lamang si Ryan sa ilang kakilala niya sa klase na “Wala eh, wala naman ata talaga sya!” Ngunit bago sila makalabas ng classroom…

          “Okay class, sorry kung na-late ako.”

          Wika ni Darla, nagulat ang dalawang binata. Fifteen minutes na lang ang natitira! Tapos darating pa siya? Aba’y magaling…

          “Oh, Luke, Ryan, bat nandito pa kayo?”

          Tanong nito, agad naghanda ang dalawa. Kapag narinig kasi nila ang mga katagang “Drop na kayo” handa silang umatake: Ala-Tekken Style ngunit…

          “Diba, mamaya na yung play niyo? Bat nandito pa kayo?”

          Nagliwanag ang mukha ng dalawa. Kahit pala mahilig lumiban si Darla, updated siya sa mga pangyayari. Dahil sa sinabi, considered excuse na sila sa klase nito, at agad nilang kinuha ang kanilang bag at lumayas sa classroom. Sabay nilang narating ang teatro kung saan sinalubong sila ni MJ at Mira.

          “Ryan, mga characters pa lang pala dito, di pa tayo kasali!”

          Wika ni MJ. Lumapit si Ryan at Luke sa dalawang dalaga.

          “Hoy, pumasok ka na dun! Magpalagay na sila ng make-up.”

          Utos ni Mira kay Luke na agad pumasok dahil inutusan siya ng kanyang tinuturing na Ate. Tsaka naman dumating si Morris at nagwikang…

          “Hey, what are you doing here?”

          “Nothing, since I am already finished with my make-up, what business should I still attend over there?”

          “Well, I will be there in a short moment.”

          Umirap na lamang si Mira kay Morris. Ilang sandali pa ay dumating si Francis.

          “Ang ganda naman pala!”

          “Tigil tigilan mo ako!”

          Wika ni Mira at umirap rin kay Francis. Lumapit din si Morris at kinausap ang chubby na binata.

          “Say, do you want to switch places with me in the play?”

          Diretsahang tanong ni Morris kay Francis. Nagulat na lamang si Mira habang bigla namang tumawa gamit ang napaka-cute nitong halakhak si Francis.

          “If you wanted to switch places, you should have said it earlier!”

          “Why are you so agitated? It was a joke!”

          Wika ni Morris, at humarap si Mira kay Francis. Tumawa naman ang dalawang lalaki habang inis na inis si Mira.

          “I hate you!”

          Sigaw nito kay Morris at hinila si Francis papalayo. Naiwan naman si Morris na nagtatanong…

          “Why only me?”

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon