Ikalabing Tatlong Kabanata

95 10 1
                                    

“Chloe?”

          Tanong ni Gerald, at humarap ang dalagang nahulog sa jeep kay Gerald. Morena at napakasimpleng tignan ng dalaga. Napaka-sweet at inosente ng kanyang mukha na ngayo’y nababalot ng sakit na nadarama. Sa kabila ng nararamdaman, pinilit ng dalagang ngumiti at bumati ng

          “Hi-“

          Napalitan agad ulit ang ngiti ng dalaga nang napakasakit na ekspresyon.

          “Mukhang nabalian ka ng kaliwang galanggalangan!”

          Wika ni Ryan na agad nagpakunot ng noo ni Jaja.

          “Anong galanggalangan!? Alien word ba…”

          “Nabalian sya ng wrist!”

          Sigaw ni Gerald at lumapit kay Chloe. Hinawakan niya ang braso nito at sinuri ang wrist ng dalaga. Mukhang matinde nga ang bali nito…

          “Kailangan siyang madala sa ospital!”

          Deklara nito na agad pumara ng taxi, walang kaano ano’y tumunog ang cellphone ni Ryan at Gerald.

          “Badtrip nga naman! Bakit ngayon pa!?”

          Sigaw ni Gerald ng mabasa ang text. Habang si Ryan naman ay…

          “Ay shet! Di ba sya nagbibiro!?”

          Nagitla si Ryan sa nabasa, agad silang sumakay sa taxi…

          “Boss, saan po tayo?”

          “UST Hospital po!”

          Sagot ni Ryan, at nagulat ang dalawa sa sinabi ng kaibigan at sabay na nagwikang…

          “Gago! Mahal dun!? Bakit doon?”

          “Basta doon tayo!”

          Humarurot ang taxi. Nakasakay si Ryan at Jaja sa tabi ng driver habang si Gerald ay katabi si Chloe, nagtetext lamang si Gerald habang nakasandal sa kanya ang dalaga habang iniinda pa rin ang sakit.

          “Pa, Di ako makakapunta dyan.”

          Text ni Gerald at agad pinindot ang ‘send’. Pagkatapos noon ay inilagay niya ang cellphone sa kanyang bag at hinarap si Chloe…

          “Ano ba kasing nangyari?”

          Nag-aalalang tanong ni Gerald, humarap sa kanya si Chloe at nagwikang…

          “So ayon, nagpara na dapat ako, kaso bumagal lang yung jeep tapos hindi pa ako nakakababa… naiwan pa yung isang paa ko sa jeep, humarurot sya bigla…”

          Naputol ang paliwanag ni Chloe nang sumakit bigla ang kanyang wrist. Agad inalo ni Gerald ang dalaga ay nagwikang…

          “Hush, okay na, naintindihan ko na.”

          Putol ng binata, pero ang isa niyang kamay ay naging kamao na…

          “Dapat pala kinuha namin yung plaka nung jeep, pag nakita ko yung walang-hiyang yun…”

          “Uy, grabe ka naman, baka di lang niya ako narinig kaya ganun.”

          Sabat ni Chloe, napatingin na lamang si Gerald sa katabing dalaga at nagwikang…

Behind the ProsceniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon