Chapter 9

1K 72 2
                                    

Tuluyang pumatak ang luha ni Lassy ng hindi na niya natatanaw si Primo. Napasabunot naman ni Onix ang sariling buhok dahil sa kaba. Tulala namang nakatingin sa gumuhong lugar sina Orio, Ryz at Manzo. Imposibleng makaligtas ang sinuman na naipit sa loob at hindi nila matanggap na isa si Supremo sa mga iyon.

"Congratulations players, you made it until here!" Muling narinig ang boses ni Captain Jack sa lugar.

Mas lalong nawalan ng pag-asa ang team ni Primo.

"So far we have..." Napatigil sa pagsasalita si Captain Jack ng marinig nila ang malakas na tunog mula sa loob ng gumuhong lugar. Kasunod ang paglabas ni Primo sa maliit na espasyo.

Masaya si Lassy ng makita ang lalaki. Lalapit na sana siya rito pero nakita niya ang malakas na paghila ni Primo sa kadena at ang pagsalo nito sa babae bago sabay na bumagsak sa sahig.

"Primo!" Magkakasabay na sumalubong ang apat sa kanilang pinuno.

Natigilan naman si Lassy dahil sa nasaksihan. Hindi niya iyon inaasahan. Hindi niya inaasahan na makikita ng harapan na may yakap na ibang babae si Primo. Simula pagkabata, ngayon lang nagkaroon ng ibang babae na malapit kay Primo maliban sa kanya, pero hindi ito nagagawa sa kanya ng lalaki. Wala siyang karapatan dito ngunit hindi niya maiwasan na mainggit. Espesyal sa kanya ang lalaki pero hindi niya iyon nararamdaman dito. Isang kababata at kakilala lang ang turing nito sa kanya tulad ng iba pang miyembro ng Mafia. 

"Oh... may humabol pa!" Muling sabi ni Captain Jack. "So far, forty two players na lang ang natitira including that two." Tukoy nito kina Primo at Hurricane. 

"Now, let's count your scores." Saglit na tumahimik si Captain Jack bago muling nagsalita. "Mayroon thirty flags ang bawat quarter at ito ang nakuha ng bawat team before the destruction. Yellow team was eliminated with the total of 13 collected and 9 destroyed flags though, wala naman natira sa members nila. Green team with 11 collected and  6 destroyed flags with 5 remaining members. Red team with 9 collected and 8 destroyed with 10 remaining members."

"Rainbow team, 5 collected and 58 destroyed flags with 19 members. And... Let's congratulate the blue team as the winner for today's game with 2 collected and 1 destroyed flags. May eight members pa silang natitira kaya tell me, what prizes do you want."

"Please... I want to go home!" Umiiyak na pagmamakaawa ng isang miyembro mula sa blue team.

"Me too. I want to quit. Please bring us home!" Segunda ng isa.

"Going home is not an option unless the game was ended." Nanlumo ang mga ito sa narinig, "But, you can request your loved ones to be here." Muling nabuhayan ang iba.

"I want my Dad!" Mabilis na hiling ng isang babae.

"Sure, Ms. Delila. Anything else?"

Kanya-kanyang sagot ang mga miyembro ng nanalong team hanggang natapos ang pagsasabi ng kahilingan ng mga nanalong kalahok.

"That's all for today. Your lunch is ready in Central Resto. You can go back to your quarter after your meal and take a rest. See you tomorrow, players."

...

...

...

"Ms. Hurricane, are you okay?" May bahid ng pag-aalala ang boses ni Onix ng tanungin si Hurricane.

Nananatiling nakaupo si Hurricane habang nakatayo naman sa katabi niya si Primo. Namamanhid ang kanyang kaliwang binti kaya hindi kaagad siya makatayo. Masyadong malaki ang bakal na kanyang sinipa at napwersa ang kanyang paa. Ngayon nararamdaman niya ang impact n'on.

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon