Chapter 34

1K 53 4
                                    

Inabala ni Primo ang sarili sa pagtatrabaho pagkatapos ng kanilang pag-uusap ni Hurricane. Gusto niyang mawala sa kanyang isipan ang sinabi nitong isang pagkakamali ang gabing iyon. Kailanman hindi niya naisip na maririnig iyon mula rito. 

"Boss, break time muna tayo!" Sigaw sa kanya ng isang trabahador. 

Huminga siya ng malalim bago bitawan ang hawak na shovel na ginagamit niya sa paghahalo ng semento. Ilang oras na niya iyong ginagawa simula ng umalis siya sa likuran ng simbahan. Tumutulong na rin siya sa construction para mapabilis ang paggawa. Marami naman silang manpower at lahat ay kapareho niya ng kultura kaya inaasahan niyang matatapos ito sa loob ng dalawang buwan.

Pumunta siya sa sinisilungan ng mga manggagawa at inalis ang suot na safety white headgear. Tantiya niya na sa 3:00 pm na rin ngayon. 

"Boss, tubig?" Alok sa kanya ni Kario na tinanggap naman niya. 

"Thank you," 

Marahan siyang uminom ng tubig habang nakikinig sa masayang kwentuhan ng mga manggagawa.

"Pagkatapos kaya natin dito, saang bansa naman tayo pupunta?" Tanong ng isa na halos kaedad lang niya. 

Tanging si Kario lang ang kilala niya sa mga ito sapagkat ang lalaki ang katulong niya sa paghahalo ng semento simula kanina. 

"Alam nyo ba kaya gustong-gusto ko ang trabaho natin dahil napakabait ni Ma'am Hurricane. Biruin mo, hindi niya tayo iniiwan." Pagmamalaki ng isa. 

"At nakakarating tayo sa iba't-ibang bansa!" Segunda ng isa. 

"Malaki ang pasasalamat ko kay Ma'am Hurricane. Umangat ang pamumuhay ng pamilya ko dahil sa ibinigay niyang trabaho."

"Akala ko talaga tuluyan na tayong mawawalan ng trabaho noong mag-sarado ang Construction company kung saan tayo nagtatrabaho dati. Salamat talaga at dumating si Ma'am Hurricane. Hindi niya lang tayo kinupkop, binigyan pa niya tayo ng trabaho."

"Para na rin tayong nag tour sa buong mundo. Ilang bansa na ba ang narating natin sa loob ng dalawang taon?" 

"Hindi ko na mabilang," 

Base na naririnig ni Primo, labis ang paghanga ng mga ito kay Hurricane na hindi niya ipinagtaka. Matagal na niyang hinahangaan ang personalidad ng babae kaya siguro nahulog ang loob niya rito. Kahanga-hanga ang paninindigan nito sa sarili at sa alam nitong makakabuti sa nakakarami. 

"Boss, paano mo nakilala si Ma'am Hurricane?" Nabaling ang tingin niya kay Kario ng tanungin siya nito. 

"We met here," sagot niya. 

Makahulugan naman itong ngumiti. 

"Parang magkakilala na kayo dati e," 

"How do you say so?"

Lumapit naman sa kanyang inuupuan ang lalaki.

"Ganito kasi Boss," Mahina lang ang boses nito kaya lumapit na rin ang ibang manggagawa sa kanila. "Kaninang umaga napansin namin ang pag-uusap nyo ni Ma'am Hurricane, tapos hinalikan mo pa siya. Imposibleng wala kayong koneksyon, 'di ba?" Sumang-ayon naman ang iba rito. 

"It's not what you think," Komento na lang niya bago umiwas dito ng tingin.

"Nakapagtataka naman. Hindi namin nakikitang ganoon siya sa kanyang boyfriend kahit palagi silang magkasama,"

Napatiim-bagang si Primo sa sinabi ni Kario. Maybe that boyfriend of her is actually her husband. That possibility lost his confidence to get Hurricane back. Masakit ipamukha sa kanya ang katotohanan na hindi na maaaring maging sila, na wala talagang pag-asa. 

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon