"What should we do now?" Tanong ni Ryz ng lumabas si Hurricane sa silid ni Primo.
"Kung totoong patay na si Nox, magiging priority na natin ang pagbawi sa singsing," Malungkot na sabi ni Orio. Sa isiping iyon, hindi niya maiwasang malungkot sapagkat sa ilang araw nilang kasama si Rica, napalapit na ito sa kanya. Nararamdaman niyang hindi ito masamang tao.
"Maniniwala ba kayo sa babaeng 'yon? Hindi natin siya kilala. Paano kung nililinlang lang niya tayo?" Komento naman ni Onix.
"Maaaring may punto siya." Seryosong pahayag naman ni Manzo, "Alam niya kung sino tayo at ang sadya natin dito."
"Hindi tayo pwedeng makampante." Seryosong sabi ni Onix. "We need to make sure kung totoo ang sinasabi ng babae kanina."
"Rica knows her," Maikling pahayag ni Lassy. Makikita na rin ang kaseryosohan sa itsura nito.
Seryosong usapin ang tungkol kay Nox kaya bawat isa'y umiisip ng maaaring gawin.
"No doubt, she knows the girl inside the cage." Pahayag ni Primo. "If she killed Nox, that girl would be dangerous. We just need to clarify that thing and get the evidence to be presented in the Mafia council. But, if she was behind stealing the diamond ring, we need to be careful. We can't trust her but there's no reason for her to lie." Mahabang paliwanag ni Primo.
"Then, what's the next move?" Umaasang tanong ni Lassy. Pakiramdam niya ikasasaya niya ang susunod na sasabihin ni Primo.
"Get the evidence about Nox' death, get the ring and leave the ship." Matigas na utos ni Primo.
Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ni Lassy. Ngayon nakakasigurado na siyang hindi makakawala sa kanyang mga kamay ang diamond ring thief.
...
...
...
Tatlong araw ng hindi sumipot si Hurricane sa bawat laro matapos ang huling laro na dinaluhan niya. Bago pa magsimula ang araw kinabukasan, umalis na siya. Sinimulan na niya ang pagsisiyasat sa loob ng barko. Akala niya mga players lang ang narito at ang tinatawag na Meisters na siyang nangangasiwa sa laro, pero ng marating niya ang sunod na deck doon niya nakita ang ibang pasahero. Mga normal passengers na nakukuha pang magsaya hindi alintana ang nangyayaring patayan sa ilalim ng deck na ito.
Nahirapan siyang lumusot sa mga nagbabantay makarating lang dito. Ngunit isa siyang trained fighter kaya nagawa niyang makalusot ng walang kahirap-hirap.
Maaaring hinahanap na rin siya ng pamunuan sa laro dahil sa kanyang biglang pagkawala. Inaasahan na niya iyon lalo pa't nararamdaman niya ang pagmamasid mula sa mga lalaking nagkalat sa kinaroroonan niyang bar.
Yes. Na sa bar siya ngayon at pansamantalang nagrerelax, pero alam niyang malabong mangyari iyon habang na sa barko siya.
Inisang lagok niya ang inorder na alak at tumayo.
"Thank you for the drink," Nakangiti niyang sabi sa bartender. Ito ang sumagot sa kanyang inumin na hindi niya tinanggihan.
"Your welcome Miss," Nakangiti rin nitong sagot.
Inayos muna niya ang suot na leather jacket na pinaresan ng isang white tube bago naglakad palabas ng bar. Sinadya niyang ilantad ang maliit at maputing tiyan. Suot din niya ang isang leather pants and black boots. Maayos namang naka-ponytail ang kanyang buhok. Pinulupot niya sa braso ang kapiraso ng kadenang suot para hindi iyon maging sagabal sa kanyang lakad.
Naramdaman niya ang pagsunod ng ilang yabag sa kanyang hulihan. Prente lang siyang naglalakad at hindi nagpapahalata pero sinadya niyang dumaan sa walang tao. Doon naramdaman niya ang mabilis na paglapit sa kanya ng mga sumusunod.
BINABASA MO ANG
Devil's GAME
ActionLet the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous but dangerous princess. She was trained to be a fighter for her protection. She's an achiever and always wins every competition. She was admir...