Chapter 16

1K 66 8
                                    

Masakit na katawan at nanunuyong lalamunan ang naramdaman ni Hurricane ng magising. Kaagad siyang bumangon ng makita ang hindi pamilyar na silid, kaya't naramdaman niya ang labis na kirot sa kanyang balikat at likuran.

"Hindi ka dapat basta bumabangon. Mahina pa ang katawan mo at sariwa ang mga sugat."

Napatingin siya sa taong kapapasok lang sa silid.

"Lassy?" Gulat niyang tanong. Hindi ito ang inaasahan niyang makita pagkagising niya.

"Huwag kang magulat diyan, as if naman gusto kitang bantayan." Nakairap nitong sagot bago ilagay ang dala nitong basin na may puting towel sa mesang malapit sa kanya.

"What happened?" Naguguluhan niyang tanong.

Nagcross-arm ito sa harapan niya habang nakataas ang kilay.

"Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang katangahan mo?" Matalim nitong sabi.

"What?" Nagpantig naman ang tainga niya sa sinabi ng walang preno nitong bibig.

"Isusuot mo lang ang lock ng harness sa kabilang dulo, bakit ibinuhol mo naman ng todo? Nang dahil do'n kailangan ka pang tulungan ni Primo."

Biglang pumasok sa isip ni Hurricane si Primo.

"May nangyari ba kay Primo?" Nag-aalala niyang tanong.

Aminin man niya o hindi, may kasalanan pa rin siya kapag may nangyaring masama kay Primo. Mas higit na kaguluhan ang magiging hatid noon kumpara sa maaaring gulo sa pagitan ng pamilya niya at Mafia. Alam niyang kayang solusyunan iyon ng kanyang mga magulang pero hinayaan nilang harapin niya ang kinasangkutang problema. Ngunit ngayon, kapag may nangyaring masama kay Primo o makuha ng kalaban, mawawalan ng pagkakaisa ang Mafia at magkakagulo. Muling madadamay ang mga inosente.

"Baliw ka talaga." Muli siyang napatingin kay Lassy, "Hindi mo ba naalala na nabaril ka sa likod dahil hindi kaagad naalis ang buhol ng harness sa katawan mo?"

Muli niyang naalala ang nangyari. Natuod siya at hindi makakilos ng maramdaman ang labi ni Primo sa kanyang tiyan. The sensation she's feeling at that time makes her froze kaya't hindi niya napansin ang kalaban sa likuran at natamaan siya.

"Oh my gracious!" Sambit niya at tinakpan ang kanyang mukha. Ayaw niyang makita ni Lassy ang kanyang itsura dahil ngayon ramdam niya ang pamumula n'on.

"Ewan ko sa'yo!" Muli nitong sabi kaya umangat ang kanyang paningin. Nakita pa niya ang pagtaas nito ng kilay sa kanya bago umirap. "Kailangan ko ng linisin ang sugat mo at palitan ng benda," Sabi nito at kinuha ang binitawan nitong basin.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" Nagtataka niyang tanong. Ang alam niya galit ito sa kanya.

"Sino ang gusto mong gumawa nito? Si Onix? Si Orio? Si Ryz? Si Manzo o si Primo? Ako lang ang babae sa grupo kaya wala akong choice," Parang masama pa ang loob nito sa gagawin.

Una nitong inalis ang benda sa kanyang balikat. Napangiwi siya kahit marahan naman ito sa ginagawa.

"Nasaan tayo?" Muli niyang tanong.

"Hindi ko alam. Dito lang tayo dinala ng dalawang lalaki na nakasalubong namin. Sabi niya mas ligtas dito para makabawi ka rin ng lakas," Mahinahon nitong sagot.

Akala niya magtataray na naman ito.

"Ilang araw na akong natutulog?"

"Dalawang araw na,"

"What? Ouch!" Daing niya ng kumirot ang sugat niya.

"Pwede ka kasing magulat ng hindi gumagalaw," Sermon nito sa kanya.

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon