Chapter 19

1K 63 2
                                    

Nahirapan si Hurricane ng bigla siyang umilalim sa alon. Sumigid din ang labis na kirot sa kanyang  mga sugat ng nabasa ang kanyang katawan. Kumampay siya pataas kahit bumabangga siya sa gilid ng barko. Nang lumitaw siya sa tubig, nahahampas naman siya ng mga alon kaya't nahirapan siyang makita ang jet ski. Pinilit niyang labanan ang hampas ng alon hanggang makita niya ang nakalutang na sasakyan. Kahit nahihirapan, ginawa niya ang kanyang makakaya para lang makarating sa kinaroroonan niyon.

Plano niyang iligaw ang atensyon ng mga kalaban para tuluyang makalayo ang mga bangka. Alam niyang mahihirapan siya sa gagawin, ngunit hindi niya masasabing kaya niya kung hindi niya susubukan. It's too early to quit.

Matagumpay niyang nakuha ang jetski at mabilis iyong pinaandar patungo sa nakataob na bangka. Ngunit isang putok ang umagaw sa kanyang atensyon. Nahihirapan niyang iliko ang sasakyan paharap. Seryoso niyang inangat ang sukbit na baril at sinalubong ng putok ang paparating na missile. Sumabog iyon ng tamaan ng kanyang bala. Malakas na alon ang muli niyang sinalubong dahil sa pagsabog. Sinagad niya ang manibela ng Jet Ski at pinaangat sa alon habang sinasalubong ng putok ang mga paparating na missiles. 

Muli niyang niliko ang sasakyan patungo sa nakataob na bangka. Nahihirapan ang mga itong ibalik ang bangka dahil sa alon mula sa barko. 

"Babe!" Sigaw ng isang lalaki sa kanya. 

Nalukot ang mukha ni Hurricane ng mamukhaan ito, it's Casseus. Na sa ganito na silang sitwasyon pero nagawa pa rin nitong tawagin siya ng ganoon. 

Inilapit niya ang jetski sa kinaroroonan nito. Napansin niyang isa-isa nitong pinapa-kapit sa nakataob na bangka ang mga sakay niyon. Nanghihina itong kumapit sa kanyang sasakyan. Inabot naman niya ang kamay dito para alalayan itong makasakay. 

"T-thank you," Humihingal nitong sabi. 

Sisikuhin na sana niya ang lalaki ng payakap itong sumandal sa kanyang likuran, pero naramdaman niya ang paghahabol nito ng hininga dahil sa pagod.

"Rest for a while, saka natin itihaya ang bangka." Sambit niya sa lalaki. Ipinuwesto niya sa likuran ng bangka ang sasakyan para makita niya kung may magpapakawala na naman ng putok sa direksyon nila.

Malayo naman ang agwat ng ibang bangka sa kanila pero mas malapit ang tatlong sumabog. Nakita niyang umaapoy pa ang kapiraso ng bangka bago ito tuluyang lumubog sa tubig.

"Thanks goodness I didn't die or I won't be here now," Bulong nito at niyakap pa ang kamay sa kanyang baywang.

"Move your hands or you will die now," Seryoso niyang banta.

Mabilis naman itong dumistansya sa kanya.

"Kumilos ka na habang tahimik pa ang paligid," Muli niyang sabi habang pilit tinitingnan ang direksyon ng nagpapaputok kanina. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, ngunit tila walang gumagalaw doon ngayon.

"Yes Ma'am!" Hyper nitong sagot.

Mas inilapit niya ang jet ski sa bangka at pinatay ang makina. Lumusong siya sa tubig kasunod si Casseus.

"Kung sinuman ang may natitira pang lakas, tulungan nyo kami para ibalik patihaya ang bangka." Sambit niya sa mga nakahawak sa gilid ng sasakyan.

Mayroon namang tumango, pero 'yung iba ay hindi talaga makakilos. Inilipat na lang nila ang iba sa jetski para doon humawak.

"In count of three, push to the up." Pagbibigay niya ng instruction, "Three... Up!" Nakanganga naman sa kanya ang mga kasama. "What?" Singhal niya. Nag-iwas naman ng tingin ang iba pero umiiling na nakatingin sa kanya si Casseus.

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon