Chapter 39

1.2K 64 3
                                    

Labis ang kabang nararamdaman ni Primo ng biglang tumalon si Hurricane sa sasakyan. Sunod-sunod ang ginawa niyang mura ng makita itong muntikan ng mahulog.

Mas nadagdagan ang kaba niya ng malapit na ang kotse sa putol na tulay. 

"H-hurricane!" sigaw niya. 

Gusto niyang lumipat sa kabilang sasakyan pero hindi siya maka-kuha ng tiyempo. 

Maingay ang ginawang pag-preno ni Hurricane sa sasakyan. Pakiramdam niya mauubusan siya ng oxygen ng makitang patuloy pa rin ito sa pag-andar kahit lumalaban ang gulong nito sa semento.

Itinigil niya ang motorsiklo at mabilis na nagtungo sa kotse ng tumigil iyon. 

"Hurricane!"

Binuksan niya ang pinto at hinila ito palabas. Namumutla ito ng tumingin sa ibaba ng putol na tulay. 

"W-were safe!" Umiiyak nitong sabi.

Bahagya pa siyang nagulat ng yumakap ito sa kanya. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito kaya mahigpit din niya itong niyakap. 

"Yeah, you're safe. Thanks God, you're safe," Bulong niya habang marahang hinahaplos ang likuran nito.

Hindi niya rin maipaliwanag ang kabang nararamdaman sa nangyari. Parang unti-unting umaalis ang kanyang kaluluwa habang nakikita ang pakikipagsapalaran nito para lang itigil ang sasakyan. 

"Wait!" Humiwalay ito ng yakap sa kanya at nagtungo sa likuran ng sasakyan.

"Oh my God! Rucan!" Umiiyak nitong sabi. 

Nasaktan siya ng makita niya ang labis na pagmamahal sa itsura nito. Doon pa lang alam niyang talo na siya. Napakaswerte ng lalaking iyon sapagkat minahal siya ng babaeng minamahal niya. 

"Mommy!"

Tumindig ang balahibo ni Primo ng marinig ang munting tinig na 'yon. Nagulat siya ng kinuha ni Hurricane ang bata sa likod ng sasakyan. 

"Rucan, my baby! I thought I'm going to lose you!" Umiiyak nitong sabi habang yakap ang bata. 

Hindi alam ni Primo kung ano ang nararamdaman. All this time akala niya asawa nito ang gustong iligtas ni Hurricane. Nang makita niyang isa iyong bata, nauunawaan niya na handa nitong ibuwis ang buhay mailigtas lang ang anak. 

'She's a wonderful mother.' sambit niya sa isip na may konting ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang pag-uusap ng mag-ina.

Nakita ni Primo ang sunod-sunod na pagtigil ng sasakyan sa kinaroroonan nila. Lumabas doon ang kanyang mga kasama. Naroon din si Abaddon kasama ang hindi pamilyar na lalaki. Mabilis 'yung lumapit sa mag-ina at niyakap ang dalawa. 

Umiwas ng tingin si Primo at pilit itinuon ang atensyon sa papalapit na mga kasama. Ayaw niyang marinig ang sobrang pag-aalala ng lalaki pero hindi niya maiwasan sapagkat malapit lang ito sa kanya. 

"I'm sorry. I just want to surprise you by bringing him here. I didn't know its going to happen. I'm so sorry. Please don't be mad. I'll do everything just forgive me."

"You made a great mess, Froze! Why did you leave without bodyguards?" Sumbat nito sa lalaki. 

"I was thinking that it might caused trouble if I bring some," 

"But you had the biggest trouble! You know our lives are always at risk. You're careless!" 

"Mommy, please don't be mad with-" 

"Supremo." Hindi narinig ni Primo ang sinabi ng bata ng tawagin siya ni Abaddon. 

Lumingon siya sa lalaki sakto namang lapit ng kanyang mga kasama sa direksyon niya. 

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon