SHE'S BEEN working at Carson Hospital for months now. Pero wala pa rin nangyayari sa plano niya. Avis really wanted to get close to him, pero hindi naman siya nito binibigyan ng pagkakataon.
Caleb was a busy person. Attending his patient's in the morning, meeting different people in the afternoon and dealing with the paper's he needed to sign in the evening. Kung paano niya nalaman ang lahat ng ginagawa nito? It was all thanks to her secretary. Hindi niya alam kung paano naging malapit sa isa't isa ang secretary niya at secretary ni Caleb.
Sana all.
Avis massaged the bridge of her nose. Thinking what will be her next move, pinapatawag lang siya nito if one of his friends girlfriend or wife needed an Ob to check their vagina or monthly check up para sa ipinagbubuntis ng mga ito. Halos hindi siya makapag focus sa trabaho niya dahil kapag nandito ang mga kaibigan niya sa loob ng clinic niya, siguradong present din si Caleb at nagpapahinga lang sa may gilid.
"Julian? May pasyente pa ba ako?" She asked while massaging her own shoulder.
Avis can feel her muscles aching. Ilang buntis ba ang pinaanak niya ngayong araw? She love her work but it's draining her energy. Lalo na at hindi pa niya nakikita ang mukha ni Caleb sa buong araw, ang lagi niyang nakakasalubong ay ang kapatid nito na walang ibang ginawa kundi ang sungitan siya!
Well, it's not as if she's expecting him to be nice, either.
"Wala ng naka schedule for check ups, Doc. Pwede ka na pong magpahinga, gisingin nalang kita kapag may manganganak kang pasyente." Julian said and she just nod.
"Juls, paki order na din ako ng Takoyaki. Salamat." Bilin niya at tinalikuran na ito.
Ayaw na ayaw niyang humihiga sa hospital bed, kaya nagpasadya siyang magpalagay ng sofa. She grab her personal throw pillow and laid her back on the sofa, she was about to close her eyes when someone barge in inside her clinic.
She groaned and lazily get up. "Ano na naman?" Pagod na tanong niya nang makita si Caliber.
"Kailangan ko ng Ob sa O.R, ikaw na lang ang Ob na nandito. Fix yourself, sasama ka sa akin." He said and left her.
She immediately run towards the Operating room, nakasalubong niya pa si Caleb na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. In this field that she choose, hindi pwede ang bagal bagal. Tsaka na siya magpapaganda pagkatapos nito.
Agad siyang in-assist ng mga nurse at pinagpalit ng scrub suit. Nang makapasok na siya sa loob ng operating room, mabilisan lang siyang sinabihan ni Caliber sa sitwasyon ng pasyente. She's just nodding her head, sanay na siya sa biglaang tawag, at extra sa operating room.
Caliber was too careful with his patient, kalkulado ang bawat galaw nito. He looks different when he's inside the operating room.
"Not good," she whispered. "Doc—" Caliber cut her off.
"30 seconds. You'll perform cs." Anito sa mababang boses. He's surprisingly calm.
May problema sa puso ang pasyente nito at buntis pa. Sa bawat segundo na lumilipas mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Avis, the baby will suffer.
"Done. Do your job, I'll assist you." Caliber said.
Agad siyang kumilos at pumwesto sa tabi ng babae. She sighed and uttered a short prayer for success. She's always calm when it comes to this. Hindi niya hinahayaan na pangunahan siya ng kaba, hindi 'yon makakabuti sa kanya at para sa pasyente niya.
Kapag nanganganak ang isang babae, totoo ang sinasabi ng mga nakakatanda. Nakabaon na ang isang paa nito sa hukay. No one will knows what will happen inside the delivery room.