IMBES na magpahinga maghapon, paglilinis ng buong unit ang inatupag ni Avis. Umalis din kaagad si Caleb pagkahatid sa kanya, ni wala man lang good bye kiss!
"Hmm, I need to buy groceries, new set of curtains, pillowcase and bed sheets. Ano pa ba?" Tanong niya sa sarili habang naglilista ng mga dapat bilhin sa cellphone niya.
She was also thinking of renovating the whole unit, pero kailangan muna niyang tanungin si Caleb about sa balak niya. It's true that they both pay for this unit, pero kalahati ng binayad niya noon, naibalik ni Caleb sa kanya. That brute was giving her a money before even if it's not necessary! Telling her to buy this and that, kesyo deserve daw niya 'yon!
"Looks like I also need to get a new rice cooker and..." Iginala niya ang mata sa buong kusina at inilista na ang mga kailangan pa niyang bilhin.
After listing all the things she need to buy, naligo lang siya sandali at pumunta sa pinakamalapit na mall. Nag taxi lang siya dahil nasa parking lot parin sa Hospital ang sasakyan niya, her old car that needed to be replaced.
Thanks to Caleb, kahit ginawa siyang fbuddy ni gago, may naitulong pa rin ito sa kanya kahit papaano.
Now, she can save all her money to buy her dream car. When in fact, she can just call her mother and father and asked for money. Pero mas masarap pa rin talaga sa pakiramdam kung bibilhin niya ang gustong sasakyan sa sariling dugo at pawis niya.
Simpleng denim short at hanging blouse na pinaresan ng sandals ang suot ni Avis. Nang makarating siya sa mall agad siyang dumeretso sa mga appliances bago mag grocery. She was looking for a electric kettle when her phone rang, agad niyang sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Caleb.
"Yes?"
[Where are you?] Tanong nito agad. She smiled at the sales lady and handed the electric kettle she choose. [Wala ka sa unit.] He added.
"Nasa mall ako, namimili ng mga gamit sa bahay. I need a new appliances and groceries, tapos uuwi na ako. Bakit mo natanong? Nasa unit ka ba?" She asked while looking for a good quality rice cooker this time.
[Tell me your exact location, pupunta ako.] He said and ended the call.
Kumunot ang noo niya sa lalaki. What's up with him? He clearly said before leaving this morning that he'll only go to the unit if he's up to sex. Does that mean he wants to do it?
Avis sighed before texting Caleb her exact location, habang hinihintay si Caleb namili na siya ng iba pang appliances na kaya niyang buhatin at ibang gamit sa kusina like plates, mugs, spoon and fork, knife and such. Saktong tapos na siyang mamili nang dumating si Caleb, he's wearing a simple pambahay na damit.
Nakapamulsa itong naglakas papunta sa kanya. "Why didn't you ask for help?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya at kinuha ang cart sa kanya at ito na mismo ang nagtulak palabas.
"Wait! Bibili pa ako ng groceries!" Pigil niya kay Caleb.
"Tomorrow. Pinapasundo ka ni Mama, sa bahay ka na daw mag dinner. And Papa wants to see you." Anito sa malamig na boses at walang emosyon ang mukha.
Avis gulped. Nag-iisip na ng madadahilan para hindi siya makasama, ang tagal niyang nawala, for sure present lahat ng mga kamag anak nito. Negative thoughts were running inside his head, what if hindi pa rin siya welcome doon?
Handa na siyang magpalusot kay Caleb pero nang makita mismo ang mama nito na naghihintay sa kanila sa labas ng mall, nawalan na siya ng pag-asa. It's now or never. Avis calmed herself and talk to Caleb's mother. Lahat ng tanong nito, sinasagot niya.
