062

238 16 3
                                    

IMESSAGE

Unregistered Number
Sat, Mar 31, 4:17 PM

Tingin mo ba karapat-dapat sayo maging masaya?

Hindi! Hinding-hindi! Inutil kang anak!

Ikaw ang dahilan bakit namatay si Alora! Ikaw ang pumatay sa kapatid mo! Hindi mo siya, sila, naligtas!

Kasalanan mo kung bakit nangyari sa kanila 'yon! Sa kan'ya!

Kahit magtago ka pa diyan sa Tita Charisse mo, kahit taguan mo pa ako, hindi mo matatakbuhan lahat ng mga kasalanan mo samin!

Ikaw ang dahilan bakit nasira at nagkawatak-watak tayo!

Sana ipinalaglag na lang kita!

Sana hindi ka na lang nabuhay!

Sana namatay ka na lang!

Wala kang kwentang anak!

Wala kang silbi, wala kang dulot!

Kinakahiya kong kadugo kita! Na akong nagluwal sayo! Na naghirap ako ng siyam na buwan para magka-anak na tulad mo!

Bakit ba hindi mo harapin lahat ng responsibilidad mo sa ginawa mo kay Alora?!

Tapos malaman-laman ko, bumubuntot ka na naman kay Cashmere? Hijo de puta! Sus mariano aatakihin ako sa puso sayo!

Pati lahat ng mga santo, magagalit sa pinaggagagawa mong bata ka!

Hindi ka ba nakokonsensya ha?! Wala ka bang ganoon?! Pagkatapos ng ginawa mo sa kan'ya noon, may gana ka pang lumapit sa kanya?! May mukha ka pa bang maihaharap sa pamilya nila?!

WALA KA BANG HIYA

What happened before is all your fault! Not even once are you allowed to forget that memory! That tragedy! Ever, you useless trash!

You blocked this number.

TWITTER

graham balls 🔒 @graymontz · 5m
just when I thought I could be happy, the world suddenly slaps me back to reality

graham balls 🔒 @graymontz · 3m
I fucking know it's my fault, you don't have to rub it in over and over and over again as if you didn't make me realize that for almost eight years :)
This tweet has been deleted.

graham balls 🔒 @graymontz · 1m
bawal bang maging masaya haha

Never Our FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon