Chapter::15
•|Ryxia Chouette POV|•
"Ano ba talagang gusto niyong gawin sa akin?"malumanay nitong tanong, katakatakang hindi manlang ito makitaan nang takot
"Just wait."naka ngising saad ni Seika rito
Napailing iling na lang ako habang tahimik silang pinapanood nandito kami ngayon sa pinaka likod nang academia
Walang madalas pumunta rito Lalo na ang nga mahihina at mahigpit na pinag babawal ang pag punta rito dahil may kaakibat na kaparusahan kung sino man ang susuway..
Hindi ko nga alam kung Ano ba talagang gustong gawin ni Seika kay Kaithlyn bakit niya naisipang dalhin rito talagang wala siyang takot na maparusahan
Tyaka hindi manlang siya nag dalawang isip tsk nakakalimutan niya atang Isang Sovereigns ang kinakanti niya ngayon..
"Sa tingin mo tama tong ginagawa natin,Seika?Pano kung maparusahan tayo?"may takot at pag aalangang tanong ni Ava rito
"Bakit naman Ako matatakot? As if naman kaya nila tayong parusahan." masungit na wika nito
"Pano kung may maka alam nang ginagawa natin?"
"Bakit ba masyado kayong praning?Bakit hindi mo gayahin si Ryxia Chouette?Tahimik lang sa isang tabi habang nanonood sa ginagawa ko."
"Because that's her power!"katwiran ni Ava rito ,right I need to stay calm dahil naka connecta sa emosyon ko ang panahon.
"Reason Ava!kung ayaw mong gawin manahimik kana lang baka nakakalimutan mong Ako parin ang 'Leader'."may diing wika nito
"Ayaw ko lang naman mapahamak tayo dahil sa ginagawa natin eh."
"Wala namang nakakaalam."
"Sa ngayon wala pa.Kilala mo si Dash, Seika wala yong sinasanto kung ang mahal na nito sa buhay ang sinaktan."
"Ava!Ava!Ava kanino kaba talaga kakampi?"naiiritang tanong nito "Hindi bat isa ka sa nag suggest nito?Baka nakakalimutan mo nang dahil sakanya mas lalong hindi na papasayo si Dash."
"A-ano bang sinasabi mo dyan."nauutal na tanong nito, Hindi lingid sa kaalaman ko may gusto si,Ava kay,Dash. Na ang dating pag tingin nito kay, Domenic ay nabaling kay, Dash
"Haha Anong tingin mo sakin Ava tanga? Para hindi malaman kung anong ginawa mo? Pasalamat ka at hindi siya nag susumbong."
Napailing na lang ako bago sila iwan dun bahala silang magtalo talo Wala akong pakialam sakanila.
"Hi!"nakangting bati sakin ni Kaithlyn nang mapansin ako nito,napatitig lang Ako rito kasalukuyan siyang naka tali sa upuan hindi siya basta basta makakatakas dahil may mahikang ginamit si Seika sa taling ginamit na panali sakanya.
"Bakit nagagawa mo pa din ngumiti?"takang tanong ko rito
"Bakit bawal ba?"takang balik na tanong nito
"Kaya mas lalo silang nagagalit sayo eh."turan ko rito
"Ngumiti man Ako o Hindi galit pa din naman sila sa akin ah." turan nito na ikinatigil ko, Bakit pakiramdam ko may iba pang kahulugan ang sinabi nito?
"Kahit naman anong gawin ko hinding hindi nila ako matatanggap."mahinang saad nito
"Sarili ko ngang magulang nagawa akong ipapatay eh."mapait ang ngiting wika nito
"Tapos yung mga tumayong magulang ko nawala sila nang dahil sa akin."malungkot nitong wika habang nakatitig sa akin, habang nakatitig sa mga mata niya ay tila nararamdaman ko na din ang lungkot niya
BINABASA MO ANG
From Another World(🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao na may alam sa totoo nitong mundo Hindi lingid sa kaalaman nitong naiiba siya, may mga bagay siyang...