Chapter::12
•|Antonette POV|•
Napangiti na lang ako habang pinag mamasdan si, Dash at Kaithlyn na masayang nag uusap.
Simula nang dumating si, Kaithlyn sa buhay ni, Dash napansin ko ang malaking pagbabago nito sa
magandang paraan..I'm really thankful to, Kaithlyn dahil sakanya mas naging masaya ang araw araw namin,Ang mga ngiti niyang nakakahawa ang pagiging positibo nito sa buhay...
"Tignan mo yung dalawa may sarili na namang mundo."medyo napa igtag ako sa gulat dahil sa biglang pag sasalita ni, Schylr sa tabi pero agad ding naka bawi..
"Ganun kasi pag ang taong mahal mo ang kausap mo parang kayong dalawa lang."
"Yeah!Masaya ako para sakanila kahit na hindi pa nila ganun katagal kakilala ang isa't Isa pero nagawa nilang mahalin ang bawat isa't isa."turan nito na tulad ko ay naka tingin rin kila, Kaithlyn
"Hindi man ganun ka tagal na nakilala nila ang isa't isa pero ang puso nila oo."wika ko rito
"Swerte nila nahanap agad ng puso nila ang mamahalin at minamahal sila."
"Darating din yung taong para sayo. wag kang mag alala bata ka pa naman."naka ngiting saad ko saka tinapik tapik siya sa balikat
Nilingon ako nito "Sa totoo lang dumating na siya pero hindi ko alam kung dapat ko bang isakripisyo kung anong meron kami ngayon." may bahid na lungkot nitong wika, ibubuka ko sana ang bibig ko para sagutin siya kaso may tumawag sa amin
"Antonette! Kenzo!"sabay kaming napalingon sa kinaroroonan nila Kaithlyn, ngumiti ako rito saka kumaway pa balik sakanya
Nakita kong hinawakan nito sa kamay si,Dash saka hinila patayo bago sila sabay na mag kahawak ang kamay na lumapit sa amin
"Anong ginagawa niyo rito?Bakit Hindi kayo lumapit sa amin?" takang tanong ni, Kaithlyn ng tuluyan na itong maka lapit sa pwesto namin
"Nakakahiya naman kung iistorbohin namin ang sarili niyong mundo." pabirong sagot ni, Schylr napa labi si, Kaithlyn rito
"Nakakainis ka kamo,Kenzo kasalanan ko bang duwag at torpe ka."naka simangot na saad nito
"Hahahaha."Hindi ko napigilang mapa tawa dahil sa tinuran ni, Kaithlyn rito Lalo na ng mapansin ko ang pamumula ni,Schylr dahil sa hiya
"Wala daw personalan , Kaith."pamang asar na pag tatanggol ko kay, Schylr
"Oops.."wika nito saka umaktong gulat habang naka takip ang kamay nito sa bibig niya "Hindi ko alam."pa inosenteng wika nito saka sinabayan pa ng nag papaawang mukha
Napansin ko ang pag galaw ng balikat ni, Dash tanda na nag pipigil ito ng tawa, Kaithlyn look cute she look like nawawalang bata at walang kaaalam alam sa paligid niya
"Ano yan pag tutulungan niyo Ako ganun?" may panunumbat na tanong ni, Schylr saamin "Wala akong aasahan dyan kay, Dash dahil alam kong mas pipiliin niyang kampihan si, Kaithlyn."tila samang sama ang loob nitong wika na ikinatawa namin
"You're judging me easily."lungkot na lungkot na wika ni, Dash ngunit may mapang larong ngisi sa mga labi at may kapilyuhan sa mga mata..
"Kaya nga Hindi ganun si,Dash noh." pigil ang ngiting pag tatanggol ni, Kaithlyn kay Dash
"Judgemental ka kasi." pang aasar ko rito,na niningkit ang mga matang isa isa kaming tinitignan
"Sabi na eh pinag tutulungan niyo akong tatlo."madramang wika nito "Mga peyk preds talaga kayo." wika nito habang pekeng pinupunusan ang imaginary tears sa mga mata niya
"Hahaha para kang babae,Schylr." tatawa tawang asar ko rito
"Aww... bawas pogi points kana."natatawang wika ni, Kaithlyn rito saka tinapik tapik sa balikat si,Schylr "Ayos lang yan pwede mo naman sigurong bawiin yung bawas pogi points mo sa Ibang paraan."pag papalubag loob nito
"Minsan talaga hindi ko ma gets mga sinasabi mo."naka kunot noong wika ni,Schylr "Kayo lang ata nag kakaintindi sa sinabi niyo."naka simangot na dagdag nito
"Torpe ka kasi tapos slow pa."prangkang tugon ni, Kaithlyn rito natikom ko ang bibig ko para hindi pumalakpak sa tawa..
"Minsan talaga sarap mong gawing diniguan."straight face na wika ni,Schylr
"Hindi ka nga marunong mag luto eh."nang aasar na wika ko rito
"Ikaw kaya gawin kong dinuguan,Kenzo?" may ngiting tanong ni, Dash rito. napa kamot batok si Schylr habang naka ngiwing naka tingin sa dalawa
"Hilig niyong ngumiti habang nag babanta noh? scary."tanong nito saka pabulong lang na sinabi nito sa huli
"Ganun para hindi masyadong matakot yung pinag babantaan."Kaithlyn, wiggled her eyebrows
"Hahahaha."pilit ang tawang turan ni,Schylr habang Ako naman ay napangiwi na lang, parang mas nakakatakot kung naka ngiti ka habang nag babanta diba?
"Nasaan nga pala si,Sy at Brazen?"biglang tanong ni, Kaithlyn pag iiba nito sa topic
"Pinatawag sila ni,Mr.Willia."sagot ko rito nagtaka naman Ang dalawa
"Bakit daw?"tanong ni,Dash
"Walang sinabi eh basta pinatawag lang sila."sagot ni, Schylr sa tanong ni, Dash tumango naman ang dalawa
"Mas mabuti siguro kung tanungin natin mamaya yung dalawa."
"Kung hahayaan sila ni,Mr.William na ipaalam sa atin."kibit balikat na wika ni,Schylr
"Bakit naman ayaw ipaalam sa atin ni,Mr.William?"takang tanong ni, Kaithlyn rito
"Ngayon lang kasi nangyari toh,yung silang dalawa lang ang pinatawag madalas kasi ay kaming buong royalty." sagot ni,Schylr
"Baka confidential lang sakanilang dalawa yun." paliwanag ko
"Bakit ang layo sa sinabi ni,Mr.William na pamilya ang Academia sa nangyayari at sa paraan ng pag trato sa isa't isa."iiling iling na wika nito, inakbayan siya ni,Dash saka pasimpleng hinalikan sa noo na ikinangiti ko
"May mga bagay o tao talagang hindi natin kontrolado at may mga pangyayaring wala tayong kontrol."wika ni,Dash rito parang batang tumingin si, Kaithlyn kay Dash
"I just want to have family." malungkot na wika nito
"We're your family, Kaithlyn always remember,okay?"may ngiting wika ni,Dash rito
"Tama si,Dash pamilya mo kami pamilya na turing namin sayo."sang ayon ko rito
"Really Family intended!"tatangong tangong turan ni,Schylr
"Being part of Royalty is not that bad after all. "naka ngiting wika nito "Family. I'll do everything to keep this family I have."may pag papangakong wika nito
"Yes! We'll do everything to keep this family."naka ngiting pag sang ayon ko rito
"Thank you! Thank you for accepting me and considering me as a part of your family kahit na hindi niyo pa ako gaano kakilala."namamasa ang mga mata dahil sa namumuong luhang wika ni, Kaithlyn
"Nararamdaman naming mabuti kang tao kaya hinding hindi kami mag dadalawang isip na tanggapin ka."turan ni, Schylr saka naka ngiting ginulo ang buhok ni, Kaithlyn
"Tama si, Schylr kahit sila, Sy at Brazen nararamdamdamang mabuti kang tao kaya tinggap ka nila sa groupo." dagdag ko sa sinabi ni,Schylr
"And I love you, my heart beats fast only for you." masuyong wika ni, Dash rito saka hirap si, Kaithlyn na ngayon ay umiiyak na sa dibdib ni, Dash "Mahal kita, Kaithlyn mahal na mahal kita hanggang walang hanggang kahit pa sa kabilang buhay pa yan. Ikaw at Ikaw lang wala ng iba."
BINABASA MO ANG
From Another World(🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao na may alam sa totoo nitong mundo Hindi lingid sa kaalaman nitong naiiba siya, may mga bagay siyang...