AVA

95 3 0
                                    

•|Ava POV|•

Hindi ko maiwasang makaramdam nang Kaba sa unang araw ko rito sa Mystical Regal Academy..

Hindi ko maiwasang mamangha ng makita kung gaano kadami ang studyanteng pakalat kalat..

Napansin ko rin ang mga nag tataasang mga puno halatang malawak at malaki ang Mystical..

Dahil naaliw ako sa pag tingin tingin sa paligid hindi ko napansing may makakabanggan na pala ako..

"Aww!!" Hindi ko mapigilang daig ng mapa upo ako dahil sa lakas ng impak

"Miss,are you okay? pasensya na kung hindi kita napansing." rinig kong Turan ng isang lalaki naramdaman ko rin ang kamay nitong umalalay sakin para makatayo ng maayos...

"Sorry hindi--" natigil ako sa pag sasalita ng masilayan ko ang mukha nito Hindi lang pala siya boses gwapo dahil gwapo talaga siya..

"Okay ka lang ba,Miss? Pasensya na talaga dahil hindi kita napansin." turan nito na nag pabalik sa diwa ko

"A-ayos lang,sorry din." nahihiyang paumanhin ko rito " Ako nga pala si,Ava."pakilala ko rito saka nag lahad ng kamay na agad naman niyang tinanggap

" I'm, Domenic also you can call me,Dom or D."turan nito saka binitawan ang kamay ko hindi ko maiwasang makaramdam nang pag hihinayang dahil rito

"Nice meeting you,D mauuna na ako sayo."

"Nice to meet you too,Ava see you around!" turan nito tumango na lang Ako rito bago siya talikuran...

Hindi ko maiwasang mapa ngiti tuwing naalala kung gaano kalambot ang kamay nito,kung paano ito ngumiti...

Lagi lagi ko itong nakikita at minsan ay nakakasalubong ngunit hindi Ako nito napapansin dahil laging nasa kasakasama nitong babae ang kanyang attention...

Hindi ko maiwasang masaktan at malungkot dahil rito dahil siya ang kauna unahang lalaking nagustuhan ko ngunit may iba na pala itong gusto...

Simula nung nalaman kong may iba itong gusto ay iniiwasan ko na ito sa tuwing makakasalubong ko ito ng daan ay iiwasan ko kahit na ako lang naman ang may alam na iniiwasan ko siya kasi Wala naman siyang pakialam....

Akala ko noon hindi na Ako mag kakagusto ulit sa iba pero mali ako dahil sa pangalawang pag kakataon may naka kuha na naman ng attention ko...

"Sino siya?" tanong ko kila,Seika habang nakatingin sakanya may mga kasama ito ngunit hindi ko mga kilala

"Huh?Sino?"takang tanong ni,Ryxia ng hindi ata nito nakuha ang tanong ko

"Sino ba dyan ang tinutukoy mo?" tanong ni,Seika

" Yung lalaking naka ngiti katabi ng lalaking tumatawa." sagot ko rito

"Ah si, Dashiell Arlo Barker yan sa Class A1 ka groupo niya sila,Brazen ng Sovereigns." sagot ni,Seika

"Sovereigns?Ang laging nangungunang groupo sa buong Academia?"paninigurado ko sabay naman tumango ang dalawa

"Hay,Ava wag mo nang subukang magkagusto dyan dahil mas matigas pa sa bato ang puso niyan."turan ni,Seika kaya napalingon ako rito

" Pano mo naman nasabing gusto ko siya? Tinanong ko lang ang pangalan niya dahil ngayon ko lang siya nakita-sila nakita."malumanay na wika ko

" Ah basta kung may balak kang magustuhan siya wag mo ng ituloy masasaktan ka lang."

" Wag mo ring balaking umamin sakanya dahil ipapahiya ka lang niyan,madami nang umamin at lahat sila ay pinahiya at umiiyak na tumatakbo palayo sakanya."pag papatuloy ni, Ryxia rito tipid akong ngumiti sakanila saka muling bumaling ang tingin sakanya

" Wag kayong mag alala dahil hindi ko gagawin yun..."

" Mabuti kung ganun nag aalala lang kami para sayo."turan ni,Seika tumango rito si, Ryxia bilang sangayon...

Tulad nang sinabi nila hindi ko tinangkang umamin o lumapit sakanya lagi ko lang siyang tinatanaw mula sa malayo...

Dahil sa lagi kong pagsunod rito tuwing may bakanteng oras Ako ay nakita ko kung pano niya ipahiya ang mga babaeng imaamin sakanya...

Instead na matern off ako dahil sa mga nakikita ko ay mas natutuwa pa Ako dahil sa kaalamang walang kayang makakuha ng attention niya at sapat na sa akin ang kaalamang yun...

Ilang taon na ang lumilipas simula nung mahalin ko si,Dash mula sa malayo at sa taong lumipas na yun ay mas mahuhulog pa ako sakanya....

"Ang ganda nung Transferee.." ngiting ngiting wika ni, Ryxia

" So kaya ka umalis ay para tinignan kung sino si, Kaithlyn?" hindi maka paniwalang tanong ko rito

"What? Curious ako kung anong meron siya at agad na nakuha ang loob ni,Dash at ng Sovereigns." tugon nito na ikinainis ko

Hindi ko man personal na nakakasalahuma ang, Kaithlyn na yun pero naiinis na ako sakanya,Ano bang meron sakanya at agad na nakuha ang loob ni,Dash samantalang hindi pa naman siya nag tatagal...

" Pahirapan niyo si, Kaithlyn Ezra Jones hanggang sa mag sisi siyang nag aral rito sa Mystical Regal Academy." utos ko rito habang titig na titig sa mga mata niya at ginamit ito ng kapangyarihan ko

" At Kung mahuhuli kayo at maparusahan wag na wag niyong idadawit ang pangalan ko mariwanag ba?"

"Oo!" sabay sabay na sagot nila na ikina ngiti ko

"Kung ganun ano pang hinihintay niyo?Simulan niyo na."utos ko sabay sabay silang tumango bago sila umalis..

Nakasunod lang ang tingin ko sakanila. Napa ngiti ako nang makita kung paano sinadyang ibuhos rito ang sa tingin ko ay mainit init pang kape, dahilan upang mabitawan ang hawak hawak nito..

Mas lumawak ang pag kaka ngiti ko ng makitang sinadyang patirin ito dahilan kung bakit nadapa ito at nasakto ang kamay nito sa mga bubog..

"Kaawa awang, Kaithlyn wala manlang tumulong sakanya.." natutuwang bulong ko sa hangin bago nilisan ang lugar bago pa may maka pansin sa akin...

"Saan ka galing?" gulat akong napalingon kay,Seika dahil sa biglang pag sulpot nito

"Dyan lang sa tabi tabi." naka ngiting pag sisinungaling ko, tumango tango ito at hindi na muling nag tanong

"Ikaw saan ka galing at bigla ka na lang sumusulpot?"

"Sa Cafeteria." sagot nito habang naka titig sa mga mata ko dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kaba nakita niya ba ang ginawa ko?pero sinigurado kong walang nakatingin ng gamitin ko ang kapangyarihan ko...

"Ano namang gagawin mo duon? Bakit hindi ka sa amin nagpasama?"pasimpleng tanong ko rito

" Hindi rin naman Ako tumuloy. may mga studyante kasing pinag tutulungan pa ang isang studyante." turan nito, naka hinga Ako ng maluwag ng wala itong nabanggit na nakita ako nito....

"Mabuting hindi ka tumuloy baka madamay ka pa." turan ko rito,naka ngiting tumango naman ito...

Mag-isa lang ako rito sa hallway patungong classroom ng may makita ako mula sa kabilang hallway..

"Kung swineswerte ka nga naman." ma ngiting bulong ko saka umiba ng daan kung saad siguradong makaka salubong ko siya...

Gamit ang lagi kong daladalang maliit na kutsilyo ay pasimpleng isinaksak ko ito sa sikmura niya ng mag kasalubong kami..

Bakas sa mukha nito ang gulat at sakit dahilan para mapangiti ako sinigurado kong hindi Ako nito makikilala...

Pakanta kanta akong nagtungo sa Room namin dahil sa nahuli ako sa Klase nito ay nakatanggap Ako ng sermon mula sa guro namin pero kahit na ganun ay hindi pa rin mabura bura ang ngiti sa mga labi ko...

____
Eto yung part na sa POV ni Domenic mga Luans

From Another World(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon