TREY

85 3 0
                                    

•|Trey POV|•

"Sa tingin mo, Trey magugustuhan rin ako ni,Casmos?"at sa pangatlong Pag kakataon nagtanong na naman si,Naja

"Hindi ko alam,Naja dahil hindi ko naman alam ang tipo niya." malumanay na sagot ko rito

Naja ang matalik kong kaibigan, Hindi ko alam kung anong nakita niya sa Casmos na yun at nagustuhan niya agad samantalang Ako na nandito sa tabi niya hindi niya makita..

Yeah, I'm damn in love with my best friend erotic isn't it?Hahah kaso hindi niya makita dahil para sakanya hanggang kaibigan lang niya ako..

"Pero kahit na. Sa tingin mo magugustuhan niya Ako? "pangungulit nito napa bungtong hininga na lang ako

"Siguro, Naja hindi ka naman mahirap magustuhan."sagot ko na lamang rito upang magtigil na

Napailing na lang ako ng mapansing lumawak ang pagkakangiti nito at nag ningning sa saya ang mga mata nito

Na natiling kay, Naja lang ang tingin ko na abala sa pag titig kay, Casmos na sa tingin ko ay abala sa binabasa nitong libro

"Hindi ka ba natatakot sa sarili mo, Naja?Kakilabot ka lagi mo na lang siyang tinititigan." pag imik ko napa igtag ito sa gulat at nanlalaki ang mga matang napalingon sa akin.

Napailing na lang ako mukhang hindi nito napansin ang pag dating ko dahil masyado itong abala sa pag titig sa lalaking nagugustuhan nito..

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong nito ng maka bawi sa pag kagulat

"Hmm.. masyado kang abala sa pag titig sa lalaking yun kaya hindi mo naramdaman ang pagdating ko." turan ko rito saka nag iwas ng tingin ayaw kong makita niya ang sakit n bumalatay sa mukha ko lalo na sa katotohanang Hindi nito masusuklian ang nararamdaman ko..

"Alam mo ba, Trey papasok raw din siya sa Mystical Regal Academy." bakas ang saya sa tinig na turan nito

"Saan mo naman nalaman yan?"tanong ko nalamang rito dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong sabihin sakanyang 'Eh Ano naman? pakialam ko ba sa lalaking yan?! '

" Nadinig ko lang hihi Hindi ba't duon na rin tayo papasok sa susunod?"tumango ako rito

"Gusto kong aminin ang nararamdaman ko sakanya sa oras na magkita kami roon."turan nito at sa muling pag kakataon nadurog na naman ang puso...

"Sige!Gawin mo ang gusto mo lagi lang akong nandito susupportahan ka." tatangong tangong turan ko rito.

"Salamat,Trey Ikaw na ang the Best Bestfriend in the Regal." Hindi ko napigilang mapa luha ng yakapin Ako nito

"Best friend mo ako eh." mahinang usal ko rito saka mabilis pinahid ang luha ko bago pa nito tuluyang mapansin..

"Ikaw, Trey wala ka pa bang nagugustuhan?" tanong nito na ikinatigil ko napatitig lang ako rito habang nag hihintay sa sagot ko

"Wala. wala sa isip ko ang mga ganyang bagay." sagot ko rito kahit na gusto ko sanang sabihing 'Meron!Ikaw!Ikaw ang gusto ko, Naja matagal na' pero kahit sabihin ko ang mga yun walang mag babago baka nga lumayo pa ito sa akin kaya mas mabuti na lang na hindi niya malaman ang totoo kong nararamdaman..

"Trey, sa tingin mo magiging matagumpay ang mission natin sa mundo ng mga tao?" mahihimigan ang pagkabahala sa boses nito kami kasi ang napiling ipadala sa mundo ng mga tao upang mag imbestiga sa isang kabundukan dahil may nag sabing may nakita raw roong taga black raven..

"Oo naman madali lang naman yung gagawin natin kailangan lang nating kumpermahin kung totoo ang inuulat nilang may nakitang taga Black Raven ruon." may ngiti sa labing wika ko eto Ang unang pagkakataon na napili siya sa isang mission at pinag papasalamat ko dahil ako ang makakasama nito masisigurado ang kaligtasan niya...

From Another World(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon