Chapter::25
•| Vien POV |•
"Domenic." tawag ko rito saka siya kinalabit kunot noong nag tatakang napatingin ito sa akin
"Bakit?" takang tanong nito saka muling tinuon ang tingin sa aming dinaraanan
"Na isip ko lang pano kung isa sa atin ang Hindi maka balik sa Academia." panimula ko
"Hindi ko hahayaang mangyari yun." seryosong saad nito
"Kung saka sakali lang naman." turan ko rito
"Ano ba talaga ang gusto mong iparating?"
"Pano kung ahm.." naramdaman ko ang pag iinit nang mag kabilaang pisngi ko dahil sa hiya
"Pano kung?" ata nitong tanong
"Pano kung lagyan na natin nang pangalan ang namamagitan sa ating dalawa." pahina nang pahinang wika ko dahil sa hiyang nararamdaman
"Huh?"naguguluhang tanong nito na ikinainis ko
"bwisit ka!" inis na wika ko rito saka siya pinalo sa braso bago nag papadyak na mas naunang naglakad sakanya
Bahala siya sa buhay niya ako na nga lang nag aayang naging kasintahan niya tapos I huh?Huh?lang Ako? Hindi ba niya naisip na sa sobrang kupad niya ako na ang maglalagay
Bwisit na lalaking yan,Ang talitalino pero ang slow naman pag dating sa ganito?Ganun ba talaga Yun?Kung sinong matalino sila yung mahihina pag dating sa pag ibig?
"Vien!"tawag nito sa akin napatigil ako sa pag lalakad at inis na lumingon sa kanya
"Ano?!" inis na tanong ko rito nang tuluyan na siyang nakalapit sa pwesto ko
"Ang pikunin mo talaga inaasar lang naman kita." nag lalambing na wika nito mas ikinaasar ko
"Ewan ko sayo Domenic bwisit ka!" inis na singhal ko rito saka muli siyang tinalikuran
Napa hinghap Ako sa gulat dahil sa biglaang pag pulupot nang braso nito sa beywang ko, damn this lasticman!
Bakit kasi binigyan siya nang kakayahan ma stretch ang katawan nito
Masama ang loob na mabibigat ang bawat naging hakbang ko Hindi pinansin ang nakapalupot nitong braso sa beywang ko
Dinig ko ang mahinang tawa nito,inis na tumigil Ako sa pag lalakad saka masama ang tinging ang pinukol sakanya
"Isa, Domenic tagalin mo tong braso mong naka palupot sa beywang ko, dinaig mo ang ahas sa pag kakalingkis!"inis na turan ko rito
Nakaramdam ako nang kaba ng maging seryso ang mapang asar nitong tingin kanina. Nasinghap ko ang sariling hininga nang tuluyan na itong makalapit sa akin bago kinalas ang brasong nakapuluput sa beywang ko
"Naiintindihan ko kung Hindi ka pa handang pumasok sa isang relasyon ang mahalaga lang naman sa akin ay alam kong pareho tayo nang nararamdaman, ayaw kong madaliin ka,Vien kaya naiintindihan ko kung ayaw mo pa ri-"
"Gusto ko nga diba!" inis na putol ko sa ilan pang sasabihin nito
"Sigurado ka ba?"nag aalangang wika nito,napa buntong hininga na lang ako saka siya hinawakan sa mag kabilaang pisngi at seryosong tumitig sa mga mata nito
"Sigurado na ako saka naka usap ko na si,D at ayos lang sakanya isa rin siya sa naging malaking dahilan kung bakit ayaw kong pangalanan kung anong meron tayo Dahil ayaw kong mas masaktan ko pa siya." seryosong turan ko rito saka huling humugot nang hangin
"Nung napag tanto kong sa kagustuhang wag siyang masaktan lalo ay ikaw ang nasasaktan ko, pasensya kung nakalimutan kong isaalang-alang ang nararamdaman at opinyon mo."nahihiyang turan ko rito
"Kaibigan ko rin naman si,D kaya naiintindihan ko."naka ngiting wika nito habang maalamuyos nitong hinahaplos ang pisngi ko saka tinuyo ang isang butil nang luhang Hindi ko napansin na kumawala sa aking mata dahil sa labis na konsensya at pag sisisi
"Hindi na talaga ako magtataka kung bat ikaw ang naging Leader namin masyado kang maintindihin at malawak ang iyong pag unawa." naka ngiting wika ko rito, mahina tumawa lang ito sa aking isinawika
"Kabaligtaran mo noh?Kaya balanse lang tayong dalawa." naka ngising wika nito Nasa mata nito ang pang aasar
"Kaanis ka!" inis na reklamo ko rito saka siya Mahinang pinalo sa braso
"Aray ko naman bat na nanakit ka." naka ngiwing turan nito saka hinimas ang brasong pinalo bakas sa mukga nito ang sakit nakaramdam ako nang konting konsensya, konti lang
"Ang hina na nga lang nun eh." nang gigil na wika ko rito pilit kinokontrol ang sariling wag siyang saktan ulit dahil sa sobrang inis ko sakanya
Strength isa sa kakayahan ko,ayon kila Troy ay kamay daw ako na bakal dahil kahit gaano ko dahil inahan ang pag palo ko sakanila ay masakit na daw..
Konting pitik ko lang nang mahina sa noo nila ay namumula na pano pa kaya kung mas nilakasan ko diba?Lalo na kung kay Trey
Isa rin sa kinakainisan ko sa sarili ko ay mabilis akong mainis o mapikon, madaling mag init ang ulo nahihirapan akong kontrolin ang lakas Lalo na kung nagugutom ako..
Naalala ko nung ininis ako nila, Trey at nag kataong gutom ako dahil sa pag mamadali ay nakalimutan kong kumain sa sobrang pikon ko ay kamuntikan ko na silang balian nang katawan.
Wala sa sariling napangiti ako nang maalalang tanging si Domenic lang ang nakalapit sa akin nang Hindi nasasaktan siya ang nandun para pakalmahin ako...
Dahil dun na detention kami sa totoo lang ako lang dapat eh pero nag pulit silang pati raw sila ay dapat na ma detention rin dahil kung Hindi daw naman nila ako pinikon Hindi ako mag kakaganun...
Buong araw kaming kinulong roon kung mag isa lang siguro ako roon ay baka masiraan na ako nang pag iisip dahil kilala ang detention room biglang mental damage...
Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo roon walang binta o kahit ano mabibinga ka sa sobrang tahimik Hanggang sa mabaliw ka dahil wala kang ibang pwedeng Gawin roon kung mag mukmok sa Isang gilid at mag hintay na palabasin ka at mas mahirap kung mag isa ka lang.
Ewan ko nga kung anong minahal sa akin ni, Domenic eh mainitin ang ulo pero sa bagay maganda at matalino naman Ako malakas rin kaya match kami..
"Anong inisip mo?"bumalik ako sa reyalidad nang madinig ko ang tanong nito
"hm..Wala naman iniisip ko lang kung anong nakita mo sa akin." kibit balikat na tugon ko rito
"Kung anong nakikita mo ay ayun rin ang nakikita ko."wika nito habang may mapaglarong ngiti na ikinakunot nang noo ko may double meaning ba yun?Pero mukhang wala na naman kaya hinayaan ko na lang
"Naisip ko bigla pano kung Hindi naman pala kita mahal?"naka ngising wika ko rito nanlaki ang mga matang hindi makapaniwalang napatitig ito sa akin may dumaan ring pangamba at takot sa mata nito na ikinatuwa ko
"Nag bibiro ka lang naman hindi ba?"Hindi mapalagay na tanong nito
"Hmm.."tanging tugun ko na lang saka dali daling tumakbo palayo sakanya at iniwan siyang tulala...
Napailing iling na lang ako dahil mukhang apektadong apektado ito sa tanong ko hayz kahit kailan talaga Hindi ako nito binigo sa reaction niya cute...
___
Kiligin na lang Tayo sa love life nang iba ( ・ั﹏・ั)
BINABASA MO ANG
From Another World(🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao na may alam sa totoo nitong mundo Hindi lingid sa kaalaman nitong naiiba siya, may mga bagay siyang...