Chapter::10
•|Wave POV|•
Nawiweirduhang nakamasid kami kay, Caleb
"Halos kahapon lang hindi na maipinta ang mukha sa sobrang lukot pero tignan mo naman ang laki laki ng pagkakangiti Hindi kaya ay nababaliw na siya?"
"Ayaw kong magkaroon ng kaibigang nasisiraan ng bait."
"Baka in love."sabay sabay kaming mapalingon kay,Aiden ng sumabat ito
" In love? kanino naman?"takang tanong ni,Blaze rito nag kibit balikat lang si, Aiden na ang ibig sabihin ay Hindi niya rin alam
"Wala naman akong nakikitang babaeng Kinakausap niya."nag iisip na turan ni, Blaster
"Baka naman nasasapian na siya."naka ngiwing wika ko saka napa kamot sa batok
"Wag na kayong mag hulaan mabuti tanungin niyo o di kaya hintayin niyong siya mismo ang mag sabi sa akin." turan ni, Aiden saka muling inabala sa ang sarili sa pag babasa
Napa iling iling na lang ako
"Tatanungin ba natin siya?" tanong ni, Blaster
"Hintayin na lang natin sigurong siya mismo ang mag sabi."kibit balikat na sagot ni, Blaze rito
"Tama Hindi naman si, Caleb yung tipo ng taong masikreto. Pero kung hindi siya handaang sabihin sa atin Hayaan na lang natin hanggang sa maging handa siya."turan ko
"Parang sobrang bigat naman ng sikreto ni, Caleb sa pinag sasabi mo,Wave."natatawang wika ni, Aiden
" Hello!!"ngiting ngiting bati ni, Caleb ng makalapit na ito sa amin
"Good mood tayo ah! Anong meron? "pasimpleng tanong ni, Blaster rito napa iling iling na lang ako apaka chissmoso talaga
"Wala naman. Masama bang maging masaya?"
"Hindi naman nakakapanibago lang."kibit balikat na sagot ni, Blaster rito
Tinawanan lang siya ni,Caleb bago nag paalam dahil makikipag kwentuhan pa daw siya sa iba naming klasmate....
"Hello po, Kuya Wave!" naka ngiting bati sakin ni,Azariana ang nakakabatang kapatid ni, Seika ngunit wala masyadong nakaka alam nun. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw nilang ipag sabing mag kapatid sila
"Hi, Azariana Anong ginagawa mo dito?"tanong ko rito, nakakapag taka lang kasing nandito ito lalo na at malayo ito sa Building nila..
"Ah! Pupuntahan ko lang po sana si,Ate Kaithlyn kaso kanina pa po Ako paikot ikot rito hindi ko pa po siya nakikita." nahihiyang tugon nito
"Kaithlyn?The Transferre?"nag tatakang tanong ko,tumango naman ito
"Opo. Hindi po kasi ako naka pag thank you sa pag tulong niya sakin bigla na lang po kasi siyang umalis."
"Eh? Tulong saan?Ang layo ng building niyo rito ah?" naguguluhang tanong ko rito
"Hindi ko nga po din alam kung pano siya nakarating sa building namin, Kuya eh ang sabi lang trip niya lang daw po mag mala Dora the explorer po." naka ngusong wika nito
"Dora? Kung hanap mo siya sa Royal House ka mag punta baka nandun o di kaya sa likod sa mga puno puno napansin ko kasing mahilig yun tumambay sa taas ng puno eh."turan ko rito saka ginulo ang buhok niya
"Thank you po, Kuya sige po hahanapin ko na po siya paki Hi na lang po ako kay,Ate."tipid ngiting wika nito bago patakbong nag tungo siguro sa mga lugar na sinabi ko...
Tahimik lang Ako nag lakad patungo sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko wala kasi kami ngayong guro, dahil may pag pupulong raw sila.
"Hindi ko alam na mahilig ka palang mag lipstick,Blaze." natatawang wika ko kay, Blaze ng maka salubong ko ito,lukot lukot ang damit at may pulang mantya pa..
"Yow!Anong ginagawa mo dito?"tanong nito at hindi na pinansin ang sinabi ko kanina
"Nag lalakad lakad pampalipas Oras lang." kibit balikat na sagot ko rito saka siya tinapik tapik sa balikat at mapang asar na ngumiti na ikina iling lang niya..
"Sa Anong Class at House na naman ang nadali mo ha?!" nang aasar na tanong ko rito,pabirong sinuntok naman ako nito sa Braso
"Dami mong tanong sakin na lang yun hahaha."
"Ewan ko sayo,Blaze ang mapapayo ko na lang sayo ay mag ingat ingat ka at baka mahuli ka, Hindi mo naman siguro magugustuhan maparusahan diba?"
"Sino bang may pake?Wala akong pakialam dyan sa parusa na yan ang dami kayang lumalabag pero may napaparusahan ba?Saka takot lang nila sa akin."naka ngising wika nito na ikina tawa ko
"Kaya Hindi ka gusto ng gusto mo eh hahaha." pang aasar ko rito
"Manahimik ka na lang,Wave dami mong sinasabi." masungit na turan nito saka Ako tinalikuran at iniwan. Hindi ko mapigilang matawa habang pinag mamasdan ang papalayong bulto nito..
"Hayt! Hirap talagang mag kagusto sa taong gusto ay ang kaibigan mo at best friend lang ang tingin sayo." usal ko habang naka tingin sa bulto nito saka napailing bago napag desisyonang mag punta sa Cafeteria...
Pagkapasok na pag kapasok ko sa loob ng Cafeteria ay sumalubong sakin ang maiingay na studyante nang Academia, kaliwa't kanan ang nag kwekwentuhan sa kanya kanyang groupo at walang pakialam sa paligid...
"Oh?!" Hindi ko mapigilang usal ng mapansin ang groupo nang Quietus Girls na may pinag tutulungan studyante. Hindi ko agad nakilala kung sino ang studyanteng pinag tutulungan nila dahil natatakpan nila ito at idagdag pang nakasalampak ito sa sahig habang naka yuko at natatapak ng buhok nito ang mukha niya...
Napailing iling na lang ako at Hindi napinansin at nag diretso na lang ako sa counter kung saan kumukuha ng pag kain..
'Ang lakas talaga ng loob nila'
'Tanga naman kasi Hindi pa lumaban bait bait lang ang peg'
'Kawawa nga eh Hindi manlang siya tulungan ng kapwa niya Class A '
'Halata naman ayaw din sakanya I mga Class A eh niminsan hindi ko nakitang may tumulong sakanya '
'Takot lang nila sa Quietus Girls baka sila ang pag balingan'
'True ka dyan Girl kahit medyo na aawa na ako dyan kay, Kaithlyn deserve naman niya yan'
'Hindi siya bagay sa Sovereigns masyado siyang mahina'
Natigil ako sa narinig kong usap usapan nila. Ano daw? Sovereigns? Class A? Kaithlyn? Agad akong napalingon sa pinag kukumpulan kanina ng marealise kung sino ang taong tinutukoy nila ngunit huli na dahil wala na sila roon tanging mga nag kalat na pag kain at mga pulang mantya? Dugo ba ang mga yun? pero kanino?
Hanggang sa maka uwi sa Coven House ay Hindi pa din mawala wala sa isip ko ang nakita kanina at mga katanungang nag lalaro...
Ano bang nangyayari?Ano bang totoong nangyari? Kaninong dugo ang nakita ko roon?Saka bakit Hindi tanggap ng Class A si, Kaithlyn?
Anong ginawa ni, Kaithlyn at siya ang napag deskitahan ng Quietus Girls?Dahil ba sa nangyari sa gym?O may iba pang dahilan?At ang pinaka hindi ko maintindihan Bakit Hindi siya lumaban?O mag sumbong para maparusahan sila?
BINABASA MO ANG
From Another World(🌹)
FantasíaMystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao na may alam sa totoo nitong mundo Hindi lingid sa kaalaman nitong naiiba siya, may mga bagay siyang...