Chapter::23

446 18 0
                                    

Chapter::23

•| Death POV |•

Ito ang pang apat na araw namin sa pag lalakbay, Wala na ulit kaming naka salubong na kalaban maliban nung unang araw nang aming pag lalakbay..

Ngunit Hindi pa rin kami nakaka siguro dahil maaring nag aabang lang ang panganib sa aming paligid..

Mabuti na lang walang nasawi sa unang sagupaang nangyari Ngunit Hindi dapat kami mapanatag dahil ang mga sumugod sa amin ay sadyang mahihinang nilalang lamang

"Grabe ilang araw na tayong nag lalakad pero mukhang hindi pa rin tayo nakakalayo." pag rereklamo ni Trey

"Ang ingay mo, Trey." masungit na wika ni V rito na lihim kong ikinangiti kahit Kailan talaga mainitin ang ulo nito

"Mylabs bakit Kaba ganyan sa akin? Hindi mo ba nararamdaman Ang hotness ko?" mapang akit na wika ni Trey rito bakas sa mukha ni V ang pandidiri saka lumayo kay Trey

"Hahahah burned, Trey! Burned!" mapang asar na saad nang kakambal nito sakanya

"Epal mo naman, Troy wala kang ka support support." pag mamaktol ni Trey rito, malokong ngumisi lang rito si Troy

"Pagod kana ba?"napa lingon ako kila V at Dom na ngayon ay sabay na sabay sa pag lalakad

"Hindi."tipid na turan ni,V rito

"Gutom?" natatawang tanong ni Dom rito

"hm.."tanging tugun ni,V rito saglit akong napatigil sa pag lalakad upang mag halungkat nang pagkain sa bag ko na pwedeng ibigay sa kanya

"Here."napa tigil ako sa pag hahalungkat at muling napatingin sa gawi nila V at Dom

Napa buntong hininga na lang ako saka itinigil ang pag kalkal sa bag ko, Mukhang Hindi ko na kailangan pang maghanap nang Pwedeng ibigay sakanya dahil naunahan na Ako ni, Dom

"Masakit?" agad akong napalingon kay Trent nang akbayan Ako nito

"Ang?" naka kunot noong tanong ko rito dahil Hindi mo makuha ang tanong nito

"Tsk!tsk!Alam naman naming may nararamdaman ka para Kay,V sadyang si V lang ang hindi maka ramdam dahil masyadong manhid haha."natatawang saad nito na ikinailing ko

"Alam naman ni,V ang tungkol sa nararamdaman ko." turan ko rito, naramdaman ko ang pag katigil nito sa sinabi ko

"Talaga?Pero bakit?" naguguluhang tanong nito

"Alam niya ang nararamdaman ko sakanya,nag usap na rin kami tungkol rito at Hanggang kapatid lang talaga Ang kaya niyang ibigay sa akin."malungkot ang ngiting wika ko rito habang pinag mamasdan si V at Dom na masayang sabay na naglalakad at halatang nag aasaran

"At okay lang sayo Ang ganun?" takang tanong nito

"Syempre Hindi pero Anong magagawa ko?May mahal siyang iba,mahal na mahal nila ang isa't isa saka kaibigan ko si Dom at ayaw kong gumawa nang ikakasari nang pag kakaibigan namin at ayaw kong magalit sa akin si V."turan ko rito

"Pag ibig nga naman."iiling iling na wika nito

"Maiintindihan mo din Ako sa oras na nag mahal kana."wika ko rito

"Sino bang may sabing Hindi pa Ako nag mahal?"malokong saad nito

"Nag mahal na Rin Ako pero kahit na ganun hinding Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman mo dahil mahal rin naman Ako nang taong mahal ko."mapang asar na wika nito na ikinais ko

"Hayop ka, Trent!"nag pipigil na saad ko rito,

"Hahahahaha."mas naka ramdam pa Ako nang inis rito nang mapang asar ako nitong tinawanan

Pinapatay ko na ito sa aking isipan habang naka tingin sa likod nito habang may ngiti sa labing pumagit na sa pagitan nila Troy at Trey

Halata sa mga mukha nilang nag aasar sila, kaya ang ilan sa mga kasama pa namin ay napapalingon sakanila..

Hindi lang naman sigurong Ako lang ang nilalang sa mundo na ginustong manatiling kaibigan ang taong mahal nila, hindi ba?

Normal naman na siguro iyon?Mas maganda yung kaibigan mo parin yung taong gusto mo kaysa sa Wala diba?

Mula pa pagkabata ay mag kaibigan na kami nila,V,Dom, Troy, Trey at Trent kaya malapit kami sa isat isa

Pero lingid sa kaalaman nila mula pa noon ay may lihim na akong pag tingin kay,V pero Hindi ko na pinag pilitan pa ang nararamdaman ko sakanya dahil hindi pa man niya sinasabi alam kong may ibang tao nang nag lalaman sakanyang puso

At alam kong pareho lang sila nang nararamdaman kaya nag paubaya na lamang Ako kaysa sa parehong malapit na kaibigan ko ang mawala sa akin..

Ang mahalaga ay pareho silang masaya, Masaya na Ako sa kaalaman na masaya ang taong iniibig ko kahit pa sa piling pa nang kaibigan ko..

Ang kasiyahan nila ang ikinadudurog ko pero anong magagawa ko? Hindi naman na didiktahan ang puso Kasi kung nangyari man yun sana minahal ko lang rin yung taong mahal na rin ako para Hindi na ganito kasakit..

"Ang lalim nang iniisip natin ah?" agad akong napalingon sa taong sumabay sa akin

"Trish.."Wala sa sariling usal ko nang makilala kung sino ito, matamis ang ngiting ngumiti ito sa akin

"Death." may matamis ang ngiting bigkas nito sa pangalan ko

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko rito

"Huh? Anong ginagawa ko?Naglalakad kasabay ka?"patanong na sagot nito

"Bakit Hindi si,Shane ang kasabay mo?"muling tanong ko rito

" Inagaw na siya sa akin ni Caleb."naka ngusong reklamo nito

" Inagaw?"nalilitong tanong ko rito

" Oo,inagaw Kasi naman eh ako dapat kasama ni Shane pero bigla na siyang hinila ni,Caleb alangan naman gawin kong Three wheel yung sarili ko sakanila."

"Pwede ka naman maki sabay sa iba,bakit sa akin?"

"Alam mo,Death deretsuhin mo na lang kaya Ako, sabihin mo sakin kung ayaw mong maka sabay Ako Hindi yung nag papasikot sikot ka pa."inis na wika nito

" Hindi sa ganun!"depensa ko sa sarili "Nag tataka lang Ako."mahinang wika ko rito

" Wala naman katakataka roon kasamahan kaya kita." naka ngusong wika nito

"Pero ni minsan hindi mo ako kinausap o nilapitan nang nasa academia pa tayo."dahilan ko

"Duh!Lagi kaya akong wala sa Academia, lagi akong nasa mission at kung nasa academia man ako wala akong ibang ginawa kung Hindi mapag Isa para ipahinga ang katawan ko."paliwanag nito

"Mahihirap ba yung mission na ibinigay sayo?"

" Mahirap, Wala namang madali eh." walang ka buhay buhay na wika nito

"Bakit Hindi ka tumanggi?"

"Tumanggi?Ilang beses ko na bang ginustong Tumanggi sa tingin mo,Death?"

"Minsan ko nang hiniling na sana masawi Ako habang ginagawa ang mission kaso lagi kong naaalala ko ang mga kaibigan at pamilya kong nag hihintay sa pag babalik ko ay ginagawa ko lahat para mag tagumpay."may lungkot na wika nito

"Hindi lang naman kayo ang studyante nang Regal ah?"takang saad ko " Pwede rin naman sa amin ipagawa Ang ilan."

" Masyadong mapanganib at ayaw nilang ilagay sa kapahamakan Ang mga taong mas may silbi sa Academia."mapait ang ngiting saad nito

Naramdaman ako nang lungkot para rito lalo na at kitang kita sa mga mata nito ang sakit at pagod na pilit na nilalabanan para sa mga mahal nito sa buhay

"Kaya nga natutuwa akong napa sali sa kaparusanhan/Mission nating ito eh."muling bumalik ang matamis na ngiti nito sa mga labi niya, napa ngiti na Rin ako dahil Hindi ko mapagilan ang sariling mahawa sa ngiti niya..

___
Alam kong disappointed kayo habang padag na pa dagdag ang chapter pasensya na😭

From Another World(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon