Special Chapter
"Anong meron?Biglaan yata ang announcement akala ko ba aayusin muna lahat ng nasari sa Academia?"may pag tatakang tanong ko
"Wala namang sinabi eh basta tinipun tayong lahat."kabit balikat na sagot ni Schlry napa tango tango na lang ako saka muling binalik ang attention sa harapan
"Magandang Umaga sainyong lahat Studyante ng Mystical Regal Academy." bati nito binati namin ito pabalik
"Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat."wika nito saka pinalibut ang tingin
"Lalo na at sinabi kong saglit muna nating ipapatigil ang mga Klase,"
"Gusto ko lang sabihin sainyong lahat na simula ngayon ay mag kakaroon na ng apat na Class."turan nito nagsimula namang nagbulungan ang mga Studyante
"Alam niyong ang bawat Class ay may apat na bahagi at masyadong madami yun lalo na't dumadami na ang gustong mag-aral rito"
"Ang unang bahagi ng Class ay tatawaging Alpha na dati ay Class A-1 na kung nasaan ang Sovereigns"
"At Class Bravo naman ang dating Class B-1 na kung nasaan ang The Coven..."
"Ang dating Class C na kung nasaan ang The Herd ay tatawagin na ngayong Charlie at ang pang huli at bagong Class ang Delta na dapat ay Class D."paliwanag nito
"Sana ay hindi kayo maguluhan sa aking tinuran ginawa ko toh para din a inyo at simula ngayon tinatanggal na ang batas na bawal maki pag usap sa ibang Class na wala naman talaga na sadyang kayong Studyante lang ang gumawa ng batas na yun."turan nito na ikinagulat ko akala ko ay hindi nito malalaman ang tungkol rito
"At sa susunod na pasukan muling mag bubukas ang Academia para sa lahat at kasama na roon ang Therondia."
'Nag bibiro lang naman siya diba'
'Seryoso ba yan nakalimutan na ba nila ang ginawa ng Therondia Kingdom'
'Kaya nga nakalimutan ata nilang dahil sa Therondia ay ang ilang Studyante ng Academia ay wala na'
'Bakit parang ang dali nilang nakalimutan ang ginawa ng kahariang yan'
"Alam kong madami sainyo ang tutol dahil kung ako lang din ay ayaw ko ng ganito ngunit ang nakakataas na mismo ang nag utos kaya wala tayong magagawa."wika ni Mr.William na ikinatahimik ng lahat
"At Napag kasunduan na din ng lahat ng kahariang kikilalanin na bilang bahagi ng Regal ang Therondia na."pag papatuloy nito
"Kaya sana ay maintindihan niyo ang gusto kong mangyari at sana nadala na kayo sa mga pag kakamali niyo sa nakaraan."dagdag pa nito
"Hanggang sa susunod ulit mga Mahal kong Studyante ng Mystical Regal Academy."paalam nito at walang lingong likod itong umalis
Nagsi-alisan na din ang ibang Studyante siguro upang bumalik sa kanila kanilang tahanan ay ipag papatuloy ang mga gawaing na iwan
"Nasaan si,Dash?"tanong ni,Sy at ngayon ko lang napag tantong kanina ko pa pala hindi nakikita si Dash
"Siguro nasa rooftop na naman yun."sagot ni Schylr rito
"Hayaan niyo na muna siyang mapag-isa."walang ka emoemosyong wika nito
"Lagi na lang siyang naroon."malungkot na wika ko maramdaman ko naman ang pag akbay sa'kin ni Schylr
"Sa ngayon hayaan muna natin siya dahil masakit ang nangyari sakanya minsan na nga lang siyang mag mahal ay binawi pa sakanya."turan ni Brazen saka napa buntong hininga
"Huwag kang mag-alala, Antonette darating din yung araw na babalik sa dati si,Dash at kung hindi man gaya ng dati atleast nakakaya na niyang ngumiti at sumama ulit sa atin."wika ni, Schylr
"Sa ngayon ang magagawa na lang natin ay ang iparamdam na nandito tayo para sakanya."saad naman ni,Sy ngumiti ako sa mga toh
Tama sila darating din yung araw na muli naming makakasama si Dash pero hindi pa sa ngayon dahil sobra sobra pa rin itong nasasaktan
Bakit mo naman kasi kami iniwan ng maaga Kaithlyn ang dami mo pa dapat na ikwekwento pero nang iwan kana
Alam ko kung gaano mo kamahal si Dash at alam kong hindi mo siya gustong iwan pero ginawa mo pa din hindi lang para sa amin kung hindi para sa lahat
Sa lahat na kahit puro kasamaan at sakit lang ang binigay at ginawa sayo ay nagawa mo pa ding isakripisyo ang buhay mo para sakanila
May iba pa naman sigurong paraan pero mas pinili mong iwan kami...
Kahit na wala pang isang taong nagkakilala tayo at sobrang halaga at mahal ka namin...
At Pasensya na kung hindi kita nadamayan nung nga panahong palihim kang nasasaktan at hindi kita naipagtanggol nung halos pagka-isahan ka ng lahat....
"Magiging maayos din ang lahat, Antonette huwag ka ng malungkot."nag angat ako ng tingin kay Schylr dahil mas matangkade ito sa akin
"Sana nga..."umaasang sang ayon ko rito naka ngiti ginulo nito ang buhok ko saka ako inakbayan at sabay kaming lumabas ng Gym ni hindi ko manlang napansing naka alis na pala si Sydney at Brazen
Sana nga maging maayos na ang lahat simula ngayon dahil ayaw ko nang mangyari ulit ang nangyari kung nasaan may nawala sa amin....
__
BINABASA MO ANG
From Another World(🌹)
FantasyMystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao na may alam sa totoo nitong mundo Hindi lingid sa kaalaman nitong naiiba siya, may mga bagay siyang...