Prologue

1.4K 36 10
                                    

The sky was gray. Wind blows violently, as the leaves are blown away. The maroon thick curtains was shut down to make the room more gloomy. Sa madilim na sulok ng silid na iyon ay nandoon ang batang nakayukyok at yakap ang mga tuhod. Tahimik na umiiyak at kanina pa gustong mapag-isa ngunit nandiyan ang isa pang bata na mas nakakatanda sa kaniya. That boy crying was me and the older one was Bael, my cousin. And that chapter of my life was the darkest one.

"I want to die too, Kuya,"I said while sobbing.

"Don't be stupid, Hid."

"Mom was gone." At tumulo na naman ang mga luha ko.

Tapos na ang libing ng ina ko. Suot ko pa ang itim na damit mula sa libing. She'll be gone forever at hindi ko na siya makikita pa.

"Your father is still there. He's fighting for his life now,"he continues.

Binigyan ko siya ng nagbabagang tingin. Galit ako sa taong iyon. Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi siya pumasok sa ganoong gawain ay hindi madadamay ang ina ko. Ang mga illegal na gawain ang dahilan ng paglago ng negosyo niya ngayon. Dahil sa kasakiman niya ay nadamay sa karma niya ang ina ko.

"I hate him,"I said coldly.

Napakarami niyang illegal na negosyo sa bansang ito. Sumailalim sa isang fixed marriage ang magulang ko and it involve their businesses. Isang negosyante ang magulang ni Mommy. Nalulugi na ito and my greedy father offered enough money para makabangon ang negosyo ng pamilya ng ina ko but in exchange my mom should marry him.

Siya ang nagdala kay Mommy sa sitwasyon na ito enough to put the blame on him.

Dinalaw ko siya pagkatapos ng dalawang linggo. I have no choice. Sinama ako ni Kuya Bael. Comatose pa rin siya at mga aparatos na lamang ang sumusuporta sa katawan niya upang maka-survive. That devil is now fighting for his life. Hindi niya deserve ang pangalawang pagkakataon. Masiyado siyang masama para buhayin pa. Nagpupuyos ang damdamin ko habang pinagmamasdan ang nakapikit niyang mga mata. How I wish that from this moment he open his eyes and look at me. Gusto kong tingnan siya gamit ang mga mata kong may bakas ng galit sa kaniya. Hinding hindi ko iyon itatago kahit pa saktan niya ako dahil doon.

Mabilis na nagdaan ang mga taon ngunit hindi nawala sa puso ko ang maghiganti laban sa mga taong risponsable sa nangyaring ambush sa pamilya ko. I keep on hunting them up until now.

Nabalitaan kong lima sila. Nakulong ang mga ito na hindi halos matanggap ng sistema ko. Sumuko sila kung kaya't bumaba ang sintensya at mabibigyan pa ng parol balang-araw. Makakalaya sila at malayang mabubuhay ulit na tila walang nangyari-na parang hindi nila pinatay ang ina ko.

"Susano Abarto, matagal nang patay. Inatake sa puso. At si Kanor ay ganoon din may kidney failure at walang pang gastos kaya't namatay. Isa na lang ang naiwan ngayon pagkatapos po ng torture sa dalawa,"imporma ng tauhan ko.

Namatay sa torture ang dalawa. Ilang buwang torture ang ginawad ko sa kanila. Ang totoo ay mababang parusa lang iyon para sa akin. Dapat siguro pinaabot ko ng ilang taon ang parusa nila.

"Give me the name." Nakapangalumbaba ako.

"Edelberto Hireras, Sir." Binigay niya agad ang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa taong iyon.

Binuklat ko ang mga papel doon. Unang bumungad ay ang mukha ng nasabing lalaki. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya at napatiimbagang. Hula ko ay nasa fifties na siya. Binuklat ko ulit at sumunod ang babaeng nasa twenties.

"Anak niya po iyan. Si Agnes Hireras, patay na rin dahil sa panganganak.”

Address, age, gender, at ibang basic information ang mga nakalagay sa folder. Kaya niya pinapaliwanag ang mga impormasyon na hindi nakasaad doon.

Bumuklat ulit ako. At sumunod naman ang isang babae pa. Napatigil ako doon at saglit na tumitig sa litrato ng babaeng nasa file. She has a friendly smile and a sparkling eyes. O kahit pa hindi ngumiti ang babae ay nakakagaan pa rin ng loob ang simpleng tingin niya. Too bad, mukhang may sinasabi na ang demonyo sa utak ko ngayon habang nakatitig ako sa picture ng babaeng ito.

"Anak niya rin po iyan ang bunso niya. Si Rosaliah Hireras. Dalaga, eighteen pa lang at nahinto na sa pag-aaral kaya nagtatrabahong janitor sa isang hotel."

Napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"Wich hotel?"

"Toro Del Rojo,"sagot niya.

An evil smile escaped from my lips. Who knows? Ang matagal ko nang target ay nagtatrabaho rin pala sa mismong teretoryo ko?

Binalik ko sa main page at tinitigan ang lalaking isa sa responsable sa ambush. Edelberto, maghintay ka. Ipapakita ko sa iyo ang ganti na nararapat sa iyo. Hindi sapat ang pagkakakulong niyo para mapagbayaran ang mga nangyari noon. Hindi ko matatanggap ang lahat.

...

Marking Her His

Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon