Kabanata 3

506 21 3
                                    

Papa, alam mo? Magiging personal na staff na ako ng isang mayamang tao dito sa syudad. Siya po ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuan ko. Malaki ang sahod, Papa! Baka sa susunod na linggo ay makakapagpadala na ako para sa check-up at gamot mo.

Sayang Papa wala kayo dito. Nakita niyo man lang sana lahat ng nakita ko. 'Di bale, mag-iipon ako at gagawin ko ang lahat para maipasyal ko kayo dito. Pakisabi kay Ate alagaan kang mabuti at pakisabi na miss na miss ko na rin siya.

Nagmamahal,
Rosaliah...

Kailangan kong magsulat para ipadala sa post office dahil hindi marunong gumamit ng cellphone si Papa. At masiyado iyong mahiyain, ayaw makihiram ng cellphone sa kapit-bahay. Si Ate naman ay wala ring cellphone. Buhay taga-bundok, napakahirap. Mainam na ang ganito at dinadala naman ng kagawad sa bahay ni Papa ang mga padala kong sulat. Sa susunod sana makapagpadala na ako ng package para sa kanila.

Mas maaga pa ako sa dapat na schedule ko. Nasa helipad na ako mga bandang six a.m. Sinabi kasi ng dating personal staff ng amo ko na mga bandang seven o kaya'y eight pupunta sa helipad sa rooftop ang amo namin.

Kinakabahan na ako sa totoo lang. Panay ang kagat ko sa kuko ko habang tensyunadong nakatayo lang doon. Ni hindi ko napansin na nagdaan na ang isang oras sa paghihintay doon.

Ilang saglit ay isang malakas na hangin ang sumalubong sa'kin. Natataranta na hinabol ko ang nilipad na papel. Nandoon pa man din lahat ng information na kailangan ko. Nakasulat doon ang everyday routine ko bilang personal staff. Lahat ng tips at information ng amo ko ay nakasaad din doon kaya't kakailanganin ko talaga.

Napatingala ako matapos mahuli sa kamay ang importanteng papel. Nandito na pala ang helicopter. Namamangha at natutulala ako habang pinagmamasdan ito sa malapitan. Dati-rati tinuturo-turo ko lang ito sa langit tuwing nadaan. Tapos ngayon sobrang lapit sa'kin. Hindi ko napigilang mapangiti kahit pa naramdaman ko ang pangangalay ng binti.

Huminto ito at bumaba ang piluto niyon. Isang matabang lalaki na nasa fifties. Nakangiti itong sumalubong sa'kin.

"Bagong staff?"aniya.

"Uh, opo!"

"Rasenio,"pormal na pakilala niya sabay lahad ng kamay. Masayang tinanggap ko naman iyon.

"Rosaliah po."

Tumango siya. "Si Sir na ang magmamani-obra ng helicopter kayo lang siguro ngayon ang magkasamang babalik sa isla."

"Po?" Naguguluhan ako.

"Weekend ngayon, magpapahinga si Sir kada-weekend kaya kayo-kayo lang dalawa muna ang babalik sa isla ngayon. Day-off ko rin sa weekend."

Ano, kami lang dalawa?

"W-Wala ho ba akong makakasama na ibang uh, gaya ko po... personal staff niya rin?"

Tumawa si Kuya. "Naku! Ikaw lang ang magiging personal staff no'n, hija. Hindi kumukuha ng marami iyon. Hindi ba nasabi sa'yo?"

Umiling ako at mas lalong naging tensyunado pa ngayon. Kung babae ang amo ko ay baka ayos lang hindi naman ako magkakaganito pero lalaki kasi kaya ito ako at nakakaramdam ako ng pagkailang ngayon pa lang.

"Nandiyan na si Sir."

No'ng marinig ko iyon ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Muntik pa akong mapatalon sa gulat. Nakailang lunok ako bago tumikhim at saka napagdesisyunan na balingan ang paparating.

Ngunit natigilan din at bahagyang umawang ang bibig nang mamukhaan ang lalaki. Nakasuot siya ng itim na long sleeve na nakatupi hanggang siko at bukas ng bahagya ang bandang dibdib. Black jeans din ang suot pambaba at may sunglasses. Mas lalong nadepina ang ilong niya dahil sa suot na glasses maging ang perpektong hulma ng panga. Napalunok ako sa mga nakita. Bumaba ang mata ko at napansin ang malapad na dibdib at laki ng pangangatawan niya.

Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon