Kabanata 8

829 27 15
                                    

Dior, Christian Louboutin, Gucci. Jacuzzi, condos, foods... five star accomodations. Fancy things that I don't need. Pinangarap ko lang iyon para sa Papa ko dahil iyon ang pangarap niya pero hindi para sa akin. Kahit humiga ako sa sahig habang tinatapos ang trabaho ko na ito sa kaniya. Ayos lang.

Wala akong makuhang sagot sa mga tanong sa utak ko kung bakit ako ang pinipilit niya sa trabahong ito. A mafia queen? Alam niyang hinding-hindi ko idadawit ang pangalan ko sa ilegal niyang buhay pero marami diyan na kahit pa lumubog sa putik handa naman siyang samahan sa empyerno para lang makuha ang mga bagay na binibigay niya ngayon. This luxurious life is tempting, he can get someone better for this. Someone

Isa sa ibinigay niyang rule na, bawal kong tawagan o kausapin sina Papa. Hindi ayos sa akin. Pero naiintindihan ko. Ayoko rin na madawit sila dito at lalong ayokong magsinungaling.

Hindi niya ako sinabihan sa susunod naming pupuntahan. I have a bodyguards now wich is awkward. Lalo pa at sanay akong malaya noon. Kung ano man ang sinusuot ko ngayon ay base lang din sa mga sinabi ni Hidan. Malikot ang mga lights, masakit sa mata at nakakapanibago. The wild music boom around. Sumusunod lang ako sa mga tauhan niya. Someone's staring at me, siguro dahil may dalawang malalaking lalaki na naka-uniporme na nakasunod sa akin.

Iginiya nila ako sa counter. Napansin kong dali-dali na iniwan ng bartender ang kausap nang mapansin ang bodyguard na nakasunod sa akin.

Wala pa man akong sinasabi ay may ginawa na agad siya. Tahimik na nilibot ko ang paningin. Kaliwa't kanan ang mga nagsasayawan. Guys are there and there, hitting girls out of the corners. City life sucks, really.

Napaiwas ako ng tingin sa pares na naghahalikan sa may couch. Ano ba ang gagawin ko dito? Bakit dito niya ako pinapunta?

“Dalhin na lang sa table sa taas,”aning bodyguard na kasama ko sa bartender na agad tumango.

“Madam.” Senenyasan ako ng isang bodyguard na magpapatuloy na kami.

Sumunod ako. Umakyat kami sa carpeted na hagdan. Mas maraming mga tables doon. At sa side na may glasswall natanaw ko na ang pamilyar na bulto ng lalaking nakaupo sa couch. Doon ang tungo ng tauhan niya. Hindi nga lang siya nag-iisa. May isa pang lalaki na may pagkakatulad ng built ng kaniyang katawan ang nakaupo rin sa kabilang couch na kaharap niya.

Nang makarating kami sa mismong table nila ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. With those arrogant look and sleepy eyes. He just grin while scanning me. Like staring a finish stupid product in front of him.

“You really caught her,”stated by the man in front of him.

Tumingin ako sa kaniya. This guy seems like a replica of Hidan. Both oozing of charisma and darkness. Kakaiba ang tingin na pinupukol ng lalaking ito sa akin.

“Good evening,”I formally said.

Akmang uupo na ako sa upuan malapit sa kaniya nang tapikin ni Hidan ang hita niya. Nagtiim bagang ako nang tingnan siya. Naghahamon ang tingin na ipinukol niya sa akin. Gusto niyang diyan ako umupo? Sa hita niya? Nababaliw na siya!

Binigyan ko siya ng malamig na titig at wala nang sinabi nang umupo sa upuang gusto ko. Kaya kong gawin ang mga rules na binigay niya sa akin pero hinding-hindi ako papantay sa lebel ng pagiging pokp*k niya. Ini-expect kong magagalit siya pero sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi niya.

“My wife. Rosaliah Rojo,”ani Hidan. “Rosaliah, my cousin. Bael Lenous Alijer Rojo.”

May lamig sa mga mata ni Bael nang kamayan ako. Kinilabutan ako sa awra niya nang makipagkamay siya sa akin. Napalunok ako. Lethal aura of a Rojo.

Sinindihan ng tauhan ang yosi ni Hidan. He puff and blow the smoke in the air. Ayoko sa lalaki ang naninigarilyo.

Nagpatuloy na sila sa topic nila. Tahimik akong nagmamasid sa paligid at hindi masiyadong tinutuon ang atensyon sa pinag-usapan nila. But every minute I can feel Hidan's stares. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon