Katahimikan ang bumalot sa paligid. Hindi ko alam kung sa weekend lang nagagawi si Mr. Rojo sa isla. O baka iyong pinalitan kong personal staff niya. Iyon siguro ang kasama niya tuwing ganitong araw. Sana lang bumalik na kami pareho sa syudad pagkatapos ng araw na ito. Mukhang parati siya sa hotel. May sarili siyang silid doon, iyong room 400 nga.
Tumikhim ako at kumatok ng tatlong beses sa pinto bago iyon binuksan. Bumungad sa akin ang napakalawak na library. Tanging ang glass ceiling na lang ang nagbibigay ng liwanag dahil kinakain ng mga libro ang lahat ng pwesto sa buong silid. May chandelier sa high ceiling nito, malalaki ang paikot na mga haligi na may mga medieval paintings.
Makintab ang malaki na mesa sa gitna. Iilang papel at pangalan na nakaukit sa babasaging bagay ang nasa ibabaw ng mesa. Maayos na nakapwesto ang mga bagay doon. Binasa ko ang pangalan na nandoon.
Hidan Byleth Alijer Rojo
Ito ba ang buong pangalan ni Mr. Rojo? Iginawi ko ang mata sa buong silid. Medyo may pagka classic gothic ang dating ng lugar. Parang national library sa dami ng libro.
Ilang saglit ay may napansin akong presensya sa likod. Nang lingunin ko ay natagpuan ng mata ko ang nakaroba na si Hidan. Bukas ang harapan ng roba sa ilalim ay ang boxers na itim na hindi ikinahiyang ibalandara. Basa ang buhok at tumutulo may bitbit na alak sa kabilang kamay napakunot ang noo ko. The way he walk, he look like a territorial beast roaming inside his territory.
Lumunok ako at iniwasan ng mata ang batu-batong tiyan. Those look hard na parang kamao mo pa ang masasaktan kapag sinuntok mo.
“Why took you so long?” His husky voice fill the room. Namamangha pa ako sa malalim niyang boses at hindi agad naka-react.
“U-Uh, p-pasensya na po, Sir!”
Bahagya pa talagang natulala. Napansin ko ang sumisilip niyang tattoo sa leeg. He have the most masculine aura that I ever seen. Isang tingin mo pa lang alam mong walang seseryosohing babae. Kahit pa yata ang babaeng dinala niya dito, hindi ako naniniwalang seneryoso niya iyon.
“A-Ayaw niyo na po bang magkape? Dadalhin ko na lang sa kusina?” Sinulyapan ko ang tasa ng kape sa mesa niya.
Nasa mesa na siya nang balingan ako. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit pero napakabigat ng awra niya.
“No need, let that stay there.”
Alanganin akong tumingin sa likuran bago bumaling sa kaniya.
“Kung ganoon maiwan ko na po kayo. Tawagan niyo na lang ako kapag—”
“Stay,”putol niya sa malalim na boses.
Tila napigilan ko ang hininga nang banggitin niya iyon. Napalunok ako bago tumango.
“S-Sige po.”
Nanatili akong nakatayo doon at pinanood ang mga kilos niya. Inilapag niya ang alak sa mesa niya at bahagyang sumandal doon.
“Tie my robe,”maawtoridad niyang utos.
Bahagyang napaawang labi ko. Di ako makapaniwalang iyon ang iuutos niya. Ngunit wala akong choice. Utos niya iyon. Nakailang lunok ako sa kaba nang lapitan ko siya. Kung maari ay ayokong tingnan ang tiyan niya ngunit hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko kung 'di ako titingin lalo pa at hindi ko mahanap sa harapan ng suot niya ang dalawang tie.
Huwag mo sabihing nasa likuran ng roba niya? Nakagat ko ang labi at problemadong pinagmasdan ang suot niya. Kaya niya namang mag-ayos ng suot niya kung bakit kasi inuutos pa?
Hindi rin pwedeng umikot kasi nakatuko ang dalawang braso sa magkabilang side niya at nakasandal siya sa mesa kaya mahirap talaga wala akong choice kundi ang kapain iyon nang hindi umaalis sa harapan niya. Hindi ko rin siya pwedeng utosan ng kahit na ano. Nasa guide ko, bawal.
BINABASA MO ANG
Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)
Fiksi UmumRosaliah Hireras, I girl with soft personality, who happen to rise by over flowing love of a family. Bata pa lang sila noong mawalan siya ng Ina pero nandiyan ang ama nila na nagtataguyod sa kanila. Unlike the guy. Hidan Rojo. Namulatan niya ang ka...