“T-Tinatanggal niyo na po ba ako?” Naguguluhan na tiningnan ko siya. Akala ko babaguhin lang ang guide ko. Pero ayon sa binasa ko dito sa papel na binigay niya ay pinapabitiw niya ako sa naunang kontrata na binigay ng kompanya niya sa akin. Gusto niyang pirmahan ko ito.
Inisip ko agad ang mga mali na nagawa ko. May mga nagawa nga yata akong hindi niya nagustuhan kaya't pinapabitiw niya ako ngayon. Medyo malaki-laki ang sahod dito, nasasayangan ako sa totoo lang. Noong una mas gugustuhin ko pang bumitiw na lang dahil natakot ako kay Hidan. Pero kalaunan ayos na rin naman. Kaya ko naman pala kahit pa ganito ang dating niya sa akin. Pero kung kailan kaya ko na saka naman ako aalisin.
“I haven't said anything yet, Miss Hireras.”
He lean on the table and stare at me intently.
“Think more carefully about this next offer I will give you."
Napaayos ako ng upo. Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko sa sinabi niya ngayon? Umangat ang sulok ng labi niya nang mapansin na medyo gulat ako. Tila nanalo siya sa isang bagay na 'di ko alam kung ano.
“I do a background check on you before this thing came up,”simula niya at tumayo saka dahan-dahan na nagtungo sa likuran ng upuan ko. I was a little nervous about his actions.
“Hindi sinabi ng Papa mo pero I find out na kukunin na ng banko ang lupa niyo.”
Namilog ang mata ko at napabaling sa kaniya. Hindi ko alam iyon. Hindi binanggit ni Papa. Alam ba ito ni Mama? E si Ate, alam niya rin ba? Ayaw kong pagdudahan ang sinabi niya dahil alam ko ang kaya niyang gawin lalo pa sa ganitong estado ng buhay niya. Pero bakit nga ba siya nag-background check sa akin?
Napansin ko ang multo ng ngisi sa labi niya nang mapansin ang pagkagulat ko.
“He didn't mention it to you?”
“H...Hindi ko alam. Pero bakit mo nga po pala ako pina-check? Kasama po ba ito sa requirements bilang personal maid?”
“Personal maid? You're no longer a personal maid once you sign that resignation paper.”
Kumunot ang noo ko. So tatanggalin niya na nga ako? Napabaling ako sa papel. Umalis siya sa likuran ko at naglakad tungo sa upuan na katapat ko. Doon siya umupo at tila hari na nakatingin sa akin. Nakaparte ang mahabang hita habang pinaglalaruan ang labi at mariing nakatitig sa akin. Well, he's a living prince and yes I'm a lowly servant. This is not just an imaginary scene but reality... in modern way.
Bumuntong-hininga ako at agarang pinirmahan ang papel sa harapan. Kung ayaw ng tao sa akin hindi ko pinipilitan ang sarili ko. Hindi ko lang ma-gets kung bakit kailangan niya pa akong ipa-background check gayong tatanggalin niya naman pala ako. Gusmastos pa talaga. At na-mention niyang may offer siya. Siguro ay iyong bayad dahil 'di niya pinatapos sa akin ang kontrata ko. Iniisip niya siguro na ipipilit ko pa rin ang sarili ko dito kaya pinaimbestigahan niya at inalam kung gaano kami naghirap.
Alam ko maraming tinatago ang ama ko sa amin. Alam ko kung gaano katayog ang pride niya na ayaw niyang makita namin kung gaano siya nahihirapan mairaos lang kami. Kaya nga gusto kong kumita sa sarili ko upang balang-araw mapipilit ko na siyang asikasuhin ang sarili niya.
“Kailan po pwedeng bumalik ng syudad, Sir?”
Kinuha niya ang papel at hindi man lang nagsalita nang palitan iyon ng panibagong papel. Pinasadahan ko lang iyon ng tingin ngunit hindi ko aakalaing mapapabalik ang tingin ko sa papel. Namilog ang mata ko nang tingnan siya. Halos hindi makapaniwala.
“A-Anong—”
Bumalik siya sa pagkakasandal sa malaking upuan at nanatili ang tingin sa akin.
“Yes, Miss Hireras. You read that right it's a marriage contract.”
BINABASA MO ANG
Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)
Fiction généraleRosaliah Hireras, I girl with soft personality, who happen to rise by over flowing love of a family. Bata pa lang sila noong mawalan siya ng Ina pero nandiyan ang ama nila na nagtataguyod sa kanila. Unlike the guy. Hidan Rojo. Namulatan niya ang ka...