“Ayos ka lang ba? Uminom ka muna ng tubig.” Boses ni Mama.
Madalas si Papa na napapasigaw tuwing hating-gabi. Pati kami ay nagigising at naririnig ang mga reklamo ni Papa. Dahil na naman yata sa mga panaginip niya.
“Kumalma ka. Heto, sige na.” Si Mama iyon sa kabilang silid.
Through this piece of wooden wall I can witness those things. Still, nakakapagtaka kung paano at bakit niya nararanasan ang lahat ng iyon. They look fine, happy, while getting along with us. Tinatanong ko si Mama minsan pero ayaw niyang sabihin. Ganoon lang daw talaga si Papa. Pagkatapos niyon ay agarang maisasantabi iyong pangyayaring iyon sa sulok at tuloy-tuloy na ulit ang normal na buhay na parang walang kumplikasyon.
Sa liblib na lugar ng del Norte, tahimik ang pamumuhay namin. Nakapagtapos kami ng elementarya hanggang highschool. Daanan ay pilapil ng palayan, tanawin ay mga bundok, malaking sapa na tinawag nilang agusan. Hindi ganoong maunlad na lugar ngunit sapat na ang pamumuhay doon. Nagbago lamang nang mawala ang ina namin at mag-isa niya kaming itinaguyod kahit sa pamamagitan ng pagsasaka.
Matigas ang pagtutol ni ama sa pagluwas sa syudad. Aniya'y nasanay na kami sa bundok at hindi na kailangan ang ganoong bagay. Dahil mabubuhay naman kaming nakatira lamang sa kapatagan ng del Norte. Ngunit nagmatigas din ako at pinaintindi ko sa kaniya ang lahat. Pinayagan niya ako pero nararamdaman kong labag sa kalooban niya. Maybe he doesn't really get it, that, perhaps we can survive too. At least we give it a try.
Hindi ko maintindihan kung bakit sobra siyang takot. Tila takot na matuklasan namin ang lawak ng mundo. Na malaman namin na hindi lang dapat sa kabundukan umiikot ang buhay namin. Wanting civilization doesn't mean disliking the province. Hindi ko lang maintindihan ang gusto niyang ipasunod sa amin.
Being isolated in this island suddenly bring me back to the past. Sa susunod na sabado pa ulit ang balik ni Mr. Rojo sa isla. Ilang araw pa ang bibilangin at hindi ko alam kung sa pagkakataong iyon ay isasama niya na rin ulit ako sa syudad.
Nakatayo ako sa dalampasigan na akala mo may hinihintay. Pero wala naman. Pagkatapos ng mga gawain ay deretso ako dito, gustuhin ko mang mag-stay sa opisina ni Mr. Rojo at magbasa ay hindi ko kayang gawin. Ayoko lang na baka makasanayan ko at mahuli niya ako doon kalaunan. Baka pag-isipan pa ako ng masama.
Ilang saglit ay natigilan ako nang matanaw ang bangka na pamilyar sa akin. Napaawang ang bibig ko sa reyalisasyon na tinutoo niya nga ang sinabi niya. The boat with a painted daisy on the side, who would have forget about that? He wave happily habang nasa malayo pa. I laugh in disbelief.
“Nakapasok ulit ako dito!”mayabang niyang sabi pagkaapak sa buhangin.
Agad siyang nagbalik sa bangka at may kinuha. Apat na malalaking isda iyon na may tali sa mga bibig at ipinag-isa.
“Matapos kong nagbagsak sa fishland dumeretso agad ako dito. Para ano, para sana dito.” Bahagya siyang nagkamot sa batok. “Masarap pang-gata iyan o 'di kaya'y adobo.”
Mangha na mangha ako at hindi talaga siya nagpahinga muna bago siya dumaan dito? Tsaka, binigyan niya pa ako ng isda. Sinadya pa talaga dito sa isla. Natatawa ako sa pamumula ng mukha niya. Bakit ba ganiyan siya? Noong unang kita rin namin ganiyan din siya kapula.
“Mabigat 'to. Ako na ang magdala.” Iniwas niya agad ang isda nang akmang kukunin ko na.
“Lulutuin ko 'yan. Dito na tayo kumain,”anyaya ko. Mas lalo lang yatang pumula ang pisngi niya.
“Pero,”medyo alanganin ang mga tingin at tila gusto pang iwasan ang tingin ko. “I-Ikaw ang bahala.”
Inakala ko nga na baka iyon na ang huli. Hindi ko inakalang parati niya na iyong gagawin. Pagkagaling sa fishlanding ay deretso agad siya sa isla para dalhin ang isda na nahuli niya at ako naman ang magluluto. Nakakatuwa na rin na kahit papaano ay may nakakausap ako at nakakasalo sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)
Ficción GeneralRosaliah Hireras, I girl with soft personality, who happen to rise by over flowing love of a family. Bata pa lang sila noong mawalan siya ng Ina pero nandiyan ang ama nila na nagtataguyod sa kanila. Unlike the guy. Hidan Rojo. Namulatan niya ang ka...