It was early in the morning. Agad ang trabaho ko ang naalala nang bumangon pero ang bumangon mula sa kama na hindi naman sa akin ay bangungot sa akin. At agad na bumalik sa utak ko ang mga nangyari kagabi.
Nagising ako sa silid na hindi pamilyar sa akin. Black and white ang combination colors sa buong paligid. Malalanghap ang panglalaking pabango sa paligid. Nanunuot iyon sa ilong ko na naging dahilan kung bakit awtomatikong rumehistro sa utak ko ang lalaking iyon. Ang marahas na iyon.
Napasinghap ako nang sa pagbaling ko sa paanan ay nandoon siya. His both hands are clasped in front of his wide open legs. Maging ang single sofa na inuupuan niya ay tila naging maliit sa kaniya. His gray eyes are like scanning me. Tila ang kadiliman ng awra niya ay hindi nagbago o baka natural na ito sa kaniya.
May itsura ito, he must be like the models I have seen in the television. He has the foreign feature in any angle. Turkish half British? Parang mga ganoon.
"The manager explained awhile ago. Now you can go,"bungad niya.
He's wearing his black loose sando. Doon mas lalong naging display ang namimintog nitong braso. Even his tattoo on the other arm. His body screams danger and unrighteousness. At nakakatakot ang nakikita ko sa kaniya. Tila hinihigop ako at nawawalan ng hininga kapag tumatama sa akin ang abuhing mga mata na iyon.
"O-Opo." Nakayuko ako at pilit na iniiwasan ang mata niya.
Hinawakan ko ang pulsuhan nang maramdaman ang pananakit doon. At namalayan kong may benda pala iyon. Bakas iyon ng gumamot sa akin. Pero sino?
Nagkukumahog na bumaba ako ng kama na ginapang ko pa dahil sa laki. Nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya at mas lalong nanginig ang sistema ko. Wala man lang akong narinig na sorry sa kaniya. Iba talaga kapag mga mayayaman, kapag nakasagasa ng dukha ay talagang wala silang pakialam.
Sobrang aga pa at ang night shift na security ay naabutan ko pa. Dinaanan ko pa sa locker ang back pack ko at nang tingnan ang de keypad na cellphone ay nakitang naka-ilang text na pala si Ate Luela doon.
Ate Luela:
Bruha ka! Kinakabahan na ako, saan ka ba lumandi kang talipandas ka?! Mag-text ka kapag na-receive mo ito. Nag-aalala na ako.Nag-text akong ayos lang ako. Na umuwi akong maaga at hindi na sila hinintay. Hindi kasi kami magkasama sa inuupahan. Hindi pa siya nakapag-reply tulog pa yata.
Four AM pa lang pala. Noong nakarating na ako ng apartment saka lang bumuhos ang luha ko. Napayukyok ako sa tabi at niyakap ang mga tuhod. Parang ayoko munang pumasok ngayon, nag-iwan pa ng malaking takot sa dibdib ko ang naransan. Naisip ko rin na baka maari akong maghanap ng ibang pagtatrabahuan. Kahit iyong hindi masiyadong malaki ang sasahurin gaya ng hotel na iyon basta't alam kong safe ako at hindi na ako makaka-encounter ng ganoong uri ng tao.
Hindi na ako nakatulog ulit pero pagpatak ng alas syete ay kinulit ako ni Ate na pumasok dahil bago pa lang daw ako. Bawal pa akong mag-absent. Kailangan kong matapos muna ang isang linggo bago ako papayagan. Kaya halos kaladkarin ko ang sarili at tila wala sa sarili noong makasakay ng trysikel.
"Nilagyan mo na 'yan ng tissue, ah. Tissue ulit?"aning kasama ko na hiningan ko ng tissue para sa banyo.
"N-Nalagyan ko na ba?" Alanganin akong tumawa sa kabila ng pagkapahiya.
"Oo, kanina. Parang wala sa sarili 'to. May sakit ka ba?"
Agad akong umiling. Ang hirap pala magtrabaho ng wala sa sarili.
"F60!" Tumunog ang radio ng kasama ko. Napalunok ako at agad kinuha ang sarili kong trolley para tumungo na sa susunod na silid.
Mabuti naman at iyong kasama ko ang tinawag. Lumuwag ang dibdib ko na malamang hindi ako. Pero baka sa susunod na tutunog ang radio ko ay paniguradong magbibigay na iyon ng malaking panic sa sistema ko.
BINABASA MO ANG
Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)
Fiksi UmumRosaliah Hireras, I girl with soft personality, who happen to rise by over flowing love of a family. Bata pa lang sila noong mawalan siya ng Ina pero nandiyan ang ama nila na nagtataguyod sa kanila. Unlike the guy. Hidan Rojo. Namulatan niya ang ka...