Kabanata 1

1K 36 5
                                    

Nakakapanibago ang malaking syudad. Hindi ko gamay ang mga ugali ng mga tao sa bagong lugar na pagtatrabahuan ko. Nandito lang naman ako dahil sa kaibigan ng mama ko na nakapagtrabaho na sa hotel na ito. Siya ang nag-back-up sa'kin para makapasok dito. Hindi sinabi ni Ate Luela dahil alam niyang tututol ang papa ko. Pumayag lang si Papa noong sabihin ni Ate Luela na sa Palawan kaming dalawa maa-assign.

Ilag ako sa mga tao. Nakapag-college na ako pero ganito rin naman ako sa school dati. Huminto na ako dahil hindi na kaya ng katawan ni Papa na magpatuloy pa sa trabaho niya sa palayan. Si Ate naman ay may sarili nang pamilya kaya't hindi na siya halos makapag-abot ng kahit kaunti kay Papa. Iyong pag-aaral ko pa rin ba ang aatupagin ko kung alam ko naman na namumulubi na kami?

"'Di ka magli-lipstick?" Ini-offer ni Ate Luela ang kulay pula niyang matte lipstick. Sobrang pula na nga rin ng nguso niya.

Tipid akong ngumiti at umiling.

"Tomboy ka?"biglang tanong ng kaibigan ni Ate. Medyo bata pa ito kumpara kay Ate pero nagkakasundo sila. Gaya na lang ng pakikipagpaligsahan nito sa pakapalan ng make-up sa mukha bago duty.

Agad akong umiling at namimilog ang mata.

"H...Hindi naman." Naiilang na natawa ako.

"Hmm, tomboy lang kasi 'di nagli-lipstick,"aniya at naglagay pa ng foundation sa mukha.

Sa probinsya naman kasi pag nag-lipstick ka tapos wala ka namang pupuntahan iisipin nilang baka maarte ka o baka nanlalandi. Pero dito, iba rin pala ang definition nila sa mga gaya ko na hindi hilig ang lipstick.

"Wag hihiya-hiya mamaya huh, Rosa. Magtanong ka kung may bagay kang hindi maintindihan. Itong si Lilibeth, sinto-sinto 'yan pero maaasahan naman. Tawagin mo kung kailangan."

Ngumuso si Lilibeth, "Grabe siya sa word na sinto-sinto."

Nahihiya na tumango ako. Room girl kasi ako naka-assign. Maraming guest sa hotel na iyon. Araw-araw halos isang daang guest ang naglalabas-masok sa mga hotel room. Minsan nga ay one hundred fifty pa. Napakalaki rin naman kasi ng hotel na ito. Biruin mong may 400 rooms sila at nasa 100 palapag ang building na ito. Isa ito sa tinuturing sa buong syudad na five star hotel. Sa isang gabi twenty thousand ang pinaka-cheap, iyong VIP nila ay naglalaro lang naman sa 80,000 a night. With jacuzzi na sa loob, with second floor at may exclusive infinity pool, exclusive mini bar with billiard table at may access sa VIP club na nasa underground nitong hotel.

Kahapon ako nag-start. Medyo natutunan ko na ang ibang gawain ko pero hindi ko naiwasang magkamali noong hindi ko alam kung papaano patayin ang tubig sa bathtub. Nakakahiyang lumabas ako kahapon na basang-basa at nandiyan pa man din ang ibang guest.

Above the knee ang uniporme namin pero naiilang pa rin ako lalo pa at sanay akong lagpas sa tuhod ang mga suot ko pambaba. Lumaki kami sa konserbatibong pamamaraan ni Mama kaya ngayong wala na siya ay tila kay rami ko nang nalabag.

"F60" tumunog ang walkie talkie ko kaya't habang naglilinis ako ng CR bowl ay napilitan akong sagutin.

Nasa sixteenth floor kasi ako ngayon dito ako naka-assign dahil bawat floor ng building ay may tag-tatlong room service staff na naka-assign.

"F-F60...uh... Po?"

"Wala nang lilinisin sa floor 60 kung last mo na 'yan pwede bang ikaw ang magpunta sa top floor?"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Ang mga VIP rooms? Hindi pa ako nakakapunta sa VIP room, ngayon pa lang. Sabi ni Ate Luela nandoon daw lahat ng mga pinakamagagandang silid at pinaka-highclass.

May naka-assign kasi doon daw dati pero dahil minsan lang may kumukuha sa mga VIP rooms at hindi naman busy doon kaya pinalipat ang naka-assign doon sa ibang floor. Ngayon tuloy ay on-call na sila. Kung sino na lang ang available.

Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon