Naalala ko pa dati, I was also betrayed with my so called friend back in highschool. She said I like the guy Marcus in senior well in fact siya ang may gusto sa lalaki. Marcus was a bit playboy and full of his self. He always find a way to approach me kahit ilang beses akong umiwas.
"Akala ko ba gusto mo ako?" He give me a devilish grin. He even corner me sa backstage ng gym.
I was just a sophomore, madaling matakot at natu-truama. Hindi na ako pumasok after that. Ang mali sa akin ay madali akong na-a-attached sa isang tao. Ang bilis-bilis kong binibigay ang buong atensyon at pagmamahal ko sa isang bagay. Hindi na ako natuto mukhang hinding-hindi ako matututo.
"Jino?!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong kabahayan.
The gunshot was now faded. Parang kanina lang ay ang lakas ng putok ng baril na narinig ko sa labas. Kung anu-anong imahinasyon ang pumuno sa utak ko habang pababa ng hagdan.
"Jino-"
Wala na doon si Jino sa sala. Wala na akong nakitang kahit sino doon. Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Sa lanai ako dumeretso at isang bulto ng lalaking naglalakad pababa sa hagdanang bato ang natanaw ko. Pamilyar na hindi ko maipagkakaila kung kanino.
Agad ko siyang sinundan. Nasa dalampasigan na kami at distansya na sa mansion nang tumigil siya sa paglalakad. Umiihip ang hanging pandagat. Makulimlim ang langit na tila nagbabadya ng ulan. Kaya nagiging marahas ang hangin sa paligid. Hinawi ko ang buhok na tinatangay ng hangin at nanatiling naguguluhan habang nakatitig sa likuran niya.
"Jino?" Napapaos ang boses ko. Kinain lang ng ingay na nagmula sa mga alon at marahas na hangin.
Ilang saglit pa bago siya lumingon sa akin. Ang Jino na nakatayo sa harapan ko ay maayos, may pasa man sa gilid ng bibig ay alam kong kaya niya lang iyong indahin. Tila nabunutan ng tinik ang dibdib ko. Ibig sabihin ay walang nangyaring masama sa kaniya. Ibig sabihin ay hindi ako nahuli. Napangiti ako.
"Akala ko..." Tulala at ilang saglit ay napaiyak ako.
Imbes na magsalita ay tahimik lang siya at matigas ang ekspresyon na nakabalatay sa mga mata. Binalewala ko ang lahat ng napansin ko. Natabunan ng tuwa sa nalamang ligtas siya.
"Mabuti at walang nangyari sa'yo-"
Natigilan ako nang mapansin ang hawak niyang sobre sa kabilang kamay. Kanino ang sobre? Kanina wala iyon sa kaniya habang binubugbog siya. Ilang saglit ay namilog ang mga mata ko.
"Binayaran ka ba para hindi magsumbong?" Humakbang ako palapit pero napansin kong humakbang din siya paatras.
Napakuyom ang kamao ko. At mukhang magpapabayad din siya. Hinang ang mga matang tinitigan ko siya. Kung iisipin ang yaman ng mga Rojo, isang malaking bagay na nga lang na mabayaran pagkatapos na gulpihin. At wala kang ibang magawa kundi ang tanggapin iyon imbes na lumaban. Dahil ang hustisya ay para lang sa mayayaman. Nakapa ko ang awa sa dibdib ko.
Hanggang dito na lang ba ang lahat? Kahit ako, alam ko sa sarili kong wala rin akong takas dito. Napatangu-tango ako sa realisasyon. Nakayuko si Jino ilang saglit pa ang nagdaan bago nagawang isatinig ang lahat.
"Hindi totoong hindi mahigpit ang isla kaya ako nakapasok dito, Rosaliah."
Nanatili ang titig ko sa kaniya. At sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako. Tila may kakaiba sa sasabihin niya. Napansin kong kumuyom ang kamao niya na kung saan hawak ang sobre dahilan kung bakit nalukot ang sobre sa kamay.
"Hindi kailanman naging maluwag ang isla para sa mga taga-labas. Mas lalo lang humigpit ang bantay dito simula noong... noong nandito ka. Kaya imposibleng may makapasok... lalo na ako."
BINABASA MO ANG
Marking Her His - Book 2 (Innocent Lips Series)
General FictionRosaliah Hireras, I girl with soft personality, who happen to rise by over flowing love of a family. Bata pa lang sila noong mawalan siya ng Ina pero nandiyan ang ama nila na nagtataguyod sa kanila. Unlike the guy. Hidan Rojo. Namulatan niya ang ka...