Chapter 3

922 94 22
                                    


Matapos ang araw na iyon ay hindi ko na ulit s'ya nakita. Nag simula na rin maging normal ang aming klase sa bawat subjects. We are now a busy college students.

It's been a week when the school year started. It all went well, maliban sa araw-araw na pang gugulo ni Rex sa akin na talagang kinasisira ng buong araw ko.

“Hey, Sky! Good morning!” masiglang bati nito ng maabutan ako sa corridor ng school. Hiniklas n'ya ang nakalagay na earpods sa aking tenga kung kaya't sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Ang aga mo naman manira ng araw, Rex!"

"Easy, Sky. Ang aga-aga bad trip ka nanaman. Siguro malamig yung nainom mong kape kanina." tumatawang turan n'ya.

Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad upang hindi ko s'ya makasabay ngunit mabilis n'ya rin ang naabutan. Agad ako nitong inakbayan, akmang tatanggalin ko ito ng mas hinigpitan n'ya ang kapit na parang masasakal na ako.

Damn this boy. He's so unbelieveable.

"Wala bang 'good morning, handsome Rex' jan, Sky?" mapang-asar na bulong n'ya. He really love teasing me.

“Good morning, Mr. Rexy.”  I uttered with an irritated tone in my voice.

"Nasan yung word na 'handsome'? Tsaka anong Rexy ka jan, ginawa mo naman akong babae." reklamo nito.

"It's cute." I whispered but he heard it that's why a smile flashes on his face. Bilis naman magbago ng mood nito.

"You're much cuter sabi ng kakilala ko." bawi n'ya at ginulo and buhok ko.

"Wew." iyan nalang ang lumabas sa aking bibig dahil sa hiya.

“Alam mo ikaw, sa isang linggo nating magkasama laging maiksi 'yang lumalabas na salita sa bibig mo. Buti di napapanis yang laway mo.” puna nito sakin. I just rolled my eyes.

I used to be like this. Wala naman kasi saking kumakausap ng matagal dati. Small talks lang ang ginagawa ko.

“Alam mo, ang ingay mo. Buti di ka nauubusan ng laway, 'no?” puna ko rin sakanya.

Sinamaan ako nito ng tingin na akala mo ay papatayin ako. Why? Totoo naman na maingay s'ya. Is there something wrong in stating the fact?

“By the way, 'di ko na nakikita yung kaibigan mo na galing sa Maritime Department. 'Di kayo nagha-hang out?” tanong ko sakanya para mabago ang aming usapan.

“Magkasama kami no'n sa dorm kaya di na namin kailangan lagi magkita dito sa school.” he answered.

“Oh I see.” 'yon nalang ang tanging nasabi ko.

“Bakit, miss mo na s'ya?” malokong tanong nito sakin habang tumatawa.

“Fuck. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Rex.” sabi ko at nauna nang maglakad.

Narinig ko halakhak n'ya dahil sa naging reaksiyon ko, at agad akong hinabol ako sa paglalakad.

Hindi sa na-miss s'ya, I'm just curious about their friendship and also about him.

Diba kasi dapat pag magkaibigan kailangang mag spend kayo ng maraming time for each other? Ganon ang alam ko, para mas lalong tumagal at tumibay ang samahan.

Damn. Ano bang alam ko sa pagkakaibigan, I don't even have one. I just laugh on my own thoughts.

Pumasok na ako sa aming classroom at ilang saglit lamang ay dumating na rin ang aming professor. Nagsimula na s'yang mag discuss at ganon din ang ginagawa nitong katabi ko.

"Hindi ka ba nauubusan ng kwento, Rexy?" pabulong na tanong ko sakanya ngunit hindi lamang ako nito pinansin.

Lumipas ang mga oras at natapos ang klase namin sa buong maghapon na iyon. At halos wala akong natutunan sa mga itinuro ng aming professor dahil sa madaldal kong katabi.

When The Sky Touches The Sea (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now