Chapter 11

752 77 11
                                    

Lumipas ang isang buong linggo at naging maayos naman ang sitwasyon sa pagitan namin ni Sean. Sometimes it feels awkward, but with the help of Rex the atmosphere is getting much lighter.

After adimitting to myself that I have a hard feelings towards Sean, I acted normal for him not to notice it.

As much as posible I don't want to tell him because it might ruined our friendship. I'll just keep it to myself until it vanish.

Hindi ko kayang isugal ang pagkakaibigan namin para lamang sa pansariling kagustuhan ko, para lamang sa nararamdaman kong ito.

I'm happy to be friends with him and I won't ask for more. I'm enjoying his accompany, and that's enough for me.

"Sky, you're spacing out again." nabalik lamang ako sa reyalidad ng tapikin ako ng isa sa aming guro.

Nandito ako ngayon sa aming office dahil may mga kailangan akong tapusin, at dahil free time ko naman kaya dito na ako nagpapalipas ng oras. I'm settling and finalizing everything for the school's upcoming event.

Gusto pa sanang sumama ni Rex dito ngunit hindi ako pumayag dahil guguluhin n'ya lamang ako at dadaldalin hanggang wala akong matapos na task.

"Oh, sorry. I'm just thinking if this event will going to be successful." I lied.

"Don't think too much, Sky. I know it will going to be successful, ikaw ang nagplano e. Naniniwala ako sayo." he cheered me up.

"Thank you, sir." tumango lamang s'ya at ngumiti.

Nakaramdam naman ako ng ginhawa kahit papaano. Ngumiti ako bago pinagpatuloy ang aking ginagawa.

I've been working hard on this event these past few days because I want it to be successful, I want it to be memorable.

Gaganapin na ito sa susunod na linggo at ang lahat ay excited. I don't want to ruin their expectation in this event.

Ilang minuto lamang ay tumunog na ang bell hudyat na lunch na. Agad kong nilinis ang aking desk at tinabi ang aking laptop dahil maya-maya lamang ay nanjan na ang mga sundo ko.

Hindi pa nga ako natatapos magligpit ay biglang bumukas ang pinto ng office at iniluwa si Rex na hinihingal.

Malawak itong ngumiti ng nakakaloko ng makita ako. Agad s'yang lumapit sakin at tumawa ng bahagya.

Sumunod namang dumating si Sean na hinihingal at pawisan. Matalim itong tumingin kay Rex na ngayon ay nakatawa na.

"Paano ba 'yan nanalo ako? Libre mo lunch ko." tumatawang turan ni Rex habang pinapanuod na maghabol ng hangin itong isa.

"Madaya ka! Tinulak mo ako sa mga babaeng nadaanan natin noong nauuna na ako sayo, kupal ka talaga." reklamo ni Sean at tumayo ng tuwid.

"Hindi 'yon pandaraya, strategy ko 'yon. Malinis kaya ang konsesya ko." hirit ni Rex.

Pinapanuod ko lamang silang dalawa na mag-away. Para talaga silang aso at pusa, buti hindi sila napipikon sa isa't isa.

"Hindi 'yon counted! Gaganti muna ako sa 'yo." akmang lalapit si Sean sakanya upang patukan ng bigla akong iharang ni Rex.

"Sky nga oh! Sasaktan n'ya ako."

"Guys, that's enough. Tara na lumabas at nagugutom na ako. Huwag na kayong magtalo, treat ko na." matapos kong sabihin 'yon ay agad umaliwalas ang mukha nilang dalawa.

"You said the magic word again! Kaya mahal na mahal ka namin e." turan ni Rex habang may malawak na ngiti.

Lumakad na kami papunta sa cafeteria. Hindi parin natatapos magbangayan itong dalawa. May bago nanaman silang pinag-aawayan.

When The Sky Touches The Sea (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now