Chapter 10

762 70 10
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil magkakaroon kami ng long quiz sa isang major subject. Nang tumayo ako sa aking kama ay bigla akong nakaramdam ng hilo at panghihina na naging dahilan ng pagkawala ko ng balanse.

Pinagsa-walang bahala ko na lamang ito at ginawa ang aking mga kailangang gawin sa umaga. Matapos maligo at magbihis ng  uniform ay bumaba na ako patungo sa kusina upang kumain ng breakfast.

"Sky, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Nanay Cora nang mapansin n'ya ang aking pamumutla.

"I'm fine, Nanay. I'm just having a migraine right now." I answer and continue eating. I'm having a hard time swallowing my foods  because of my sore throat.

Lumapit ito sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. Sinapo ng kanyang kulubot na kamay ang aking leeg na tila sinusukat ang aking temperatura.

"Ang init mo, Sky." turan n'ya na puno ng pag-aalala. "Huwag ka na munang pumasok."

This is what I love about Nanay Cora, the way she take care of me. She's indeed  my second mother, mas nararamdaman ko pa ang pagiging nanay n'ya sakin kesa sa totoo kong mga magulang.

"I have a long quiz on my major subject, and I can't miss it. Nanay, don't worry, I'm fine." turan ko kahit kabalikran nito ang  aking nararamdaman ngayon.

Wala na s'yang nagawa dahil sa pagmamatigas ko. Binigyan na lamang n'ya ako ng gamot at binilinan na inumin iyon.

Nang matapos akong kumain ay nagpahatid na ako sa aking driver. Ramdam ko parin ang panghihina at pagkahilo ngunit pinilit kong huwag iyon indahin.

Kahit nahihirapan ay pinilit kong lumakad patungo sa building ng aming department. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante na aking nakakasalubong.

Sobrang hilo ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Nakarating ako sa tapat ng aming classroom at pinihit ang door knob nito.

Pumasok ako doon at agad akong nakita si Rex na nakikipag usap sa aming mga kaklase. Ngumiti ito ng malawak at kumaway sa akin.

"Good morning, Sky!" masiglang bati nito ng tuluyan akong makalapit sa kanya.

"Good morning, Rex." walang siglang bati ko pabalik.

"Sky, are you okay? You look very pale."

"Ayos lang ako, siguro kulang lang ako sa tulog—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang lumabo ang aking paningin at  tuluyan bumagsak sa sahig dahil sa panghihina.

Nasapo naman agad ako ni Rex kung kaya't hindi naging malakas ang impact ng aking pagbagsak.

"Sky! Anong nangyayari sayo?" sigaw ni Rex habang hawak ako. "Tangina, ang taas ng lagnat mo."

Inalalayan ako nitong tumayo at dinala sa clinic ng university.  Nang makarating doon ay agad n'ya akong inihiga sa clinic bed. Maya-maya ay sumunod din sa amin ang school nurse at kinuha ang mga importanteng detalye sa aking ID.

Mababakas ang pag-aalala n'ya dahil sa nangyari. Mabilis itong nag-type sa kanyang phone at hindi mapakali.

Bigla kong naalala ang aming magiging long quiz. "Rex, let's go back to our classroom. Hindi pwedeng ma-miss ko yung quiz na 'yon." nanghihinang turan ko.

Akmang babangon na ako nang bigla n'ya akong pinigilan. "Sky, don't force yourself. Kakausapin ko nalang yung prof natin para bigyan ka ng special quiz."

Hindi nalang ako nakipagtalo pa sakanya, muli akong humiga at pinahinga ang aking sarili.

"Bumalik ka na sa classroom, Rex." I said on a weak tone of my voice.

When The Sky Touches The Sea (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now