Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. I opened my eyes and I saw unfamilliar ceiling, napabalikwas ako ng bangon ng mapantanto na wala ako sa aking kwarto.
"Fuck!" I cursed when I suddenly felt headache and dizziness. Agad kong hinawakan ang aking ulo at bahagya itong hinimas. Nang maka-recover ay tumayo ako at inilibot ang aking mata sa buong kwarto.
Lumapit ako sa isang salamin at tiningnan ang aking sarili. Then I realized I'm wearing different shirt and pants. Muli akong napamura dahil doon.
I looked at my wrist watch and it's already 8:15 am. Mabuti nalang at sabado ngayon at walang pasok dahil kung hindi ay tiyak malalagot ako sa parents ko.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi ngunit hindi ko ito matandaan. Tanging sariwa lang sa aking memorya ay ang paghila sakin ni Rex sa dance floor at ang pag-sayaw namin kasabay ng malakas na musika.
Maya-maya ay may pumasok na isang lalaki sa loob ng kwarto dala ang isang serving tray. He's wearing a simple pants and gray fitted shirt that holds his biceps. Basa ang buhok nito na mahahalata mong bagong ligo. Napalunok ako ng ilang beses habang nakatitig sakanya.
"Sky, gising ka na pala." turan n'ya habang nakangiti. "Good morning. Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Good morning din, Sean." bati ko pabalik at ngumiti ng tipid. "I feel a little bit headache and dizziness." I confessed.
Binaba n'ya ang kanyang hawak na serving tray at inilapag ang mga laman nito sa katabing lamesa.
"Higop ka muna ng sabaw habang mainit pa para mawala 'yang hung over mo."
Lumapit ako doon habang sapo ang aking ulo. Maingat kong hinigop ang chicken soup na inihanda ni Sean habang s'ya naman ay umupo sa kama.
"Thank you for this, Sean." pagpapasalamat ko at ngumiti ng malawak. Ngumiti naman s'ya pabalik at pinanuod akong kumain.
I feel uneasiness and awkwardness on his stares, isabay mo pa ang mga ngiti n'ya at pag iling tuwing may natatapon na sabaw galing sa kutsara. Tumikhim ako upang kuhanin ang kanyang atensiyon. Agad naman s'yang nag-iwas ng tingin ng mapagtanto ang kanyang ginagawa.
Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain hanggang sa maubos iyon.
"Umayos ba yung pakiramdam mo?" malumanay na tanong ni Sean.
"Um, yeah. I feel better now." I answered. "Sean, bakit pala nandito ako? What just happened last night?" nahihiyang tanong ko at hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"Maraming nangyari kagabi, but let's focus on the fact that you became a cute-cuddly baby when you're drunk." sagot niya at mahinang tumawa.
Agad nag-init ang aking pisngi dahil sa kahihiyan. For the first time, hiniling ko na sana bumuka ang lupa at lamunin ako nito dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Mas lumakas ang pag-tawa n'ya ng makita ang pamumula ng aking tenga. "Cute!" bulong n'ya ngunit narinig ko parin iyon ng malinaw.
Hindi ko nalang iyon pinansin at iniba ang usapan. "I guess, I need to go home now? Baka kasi hinahanap na ako doon." turan ko at kinagat ang aking labi.
"Shit. Oo nga pala, baka isipin nila nakipag-tanan ka sa akin." biro n'ya na nagpatawa sa akin.
"Baliw." I said while laughing.
Inayos ko ang aking sarili at kinuha ang aking mga gamit. Sinamahan ako ni Sean na bumaba, dumiretso kami sa kawarto ni Rex upang makapag-paalam sakanya.
Nagpasundo narin ako sa aking driver at sinabing papunta na ito.
I knock on Rex's door and he opened it on my third attempt of knocking. Halatang bagong gising ito dahil sa gulo ng kanyang buhok at humihikab pa sa nang buksan n'ya ang pinto.
YOU ARE READING
When The Sky Touches The Sea (UNDER REVISION)
RomanceSkyler Emuelin, a 4th year student that is currently taking BS in Tourism Management. He wants to be a Flight Attendant to escape the sadness and reality. Despite the fact that he has enough wealth and is actually quite famous, he's living a dull li...