"Takte, sobrang hirap naman ng exam, naubos yung inipon kong braincells." reklamo ni Rex habang hinihimas ang kanyang sentido.
"Hindi ka lang kasi nag review. The exam is easy when you studied it." I exclaimed.
"Nag-review naman ako, pero nahirapan parin ako. Pati nga ugat sa paa ko gumana para lang masagutan yung mga questions." turan ni Rex na ikinatawa ko. Masyado na s'yang exaggerated sa mga sinasabi n'ya.
Nakatambay kami ngayon sa puno na nakita namin last time, naging tambayan na namin 'tong spot na ito dahil sobrang peaceful ng ambiance ng lugar. Kakatapos lamang ng aming preliminary examination at talagang frustrated si Rex sa kakalabasan ng kanyang exam. Mababakas mo ang dismaya sa kanyang mukha.
"Hey! You did a great job, don't be frustrated to yourself." I cheered him up while gigling him. "Bawi ka sa midterm natin." I added. Hindi ako sanay na ganito si Rex.
Nagbuga lamang si Rex ng hangin at ngumiti ng pilit sa akin. Lumips ang ilang minuto ay dumating na rin si Sean na malawak ang ngiti ng makita kami.
Ibinaba nito ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang isang balikat at umupo sa tabi ko. Kumunot ang kanyang kilay ng makita ang facial expression ni Rex.
"Anong meron sa mukha mo, kupal?" takhang tanong ni Sean habang kunot parin kanyang makapal na kilay.
"Ka-gwapuhan." malamyang sagot ni Rex.
Nasapo ko nalang ang aking noo dahil sa sagot ni Rex. Tumawa naman ng malakas si Sean na akala mo ay sobrang nakakatawa ang sinabi ng kanyang kaibigan.
"Mukhang alam ko na kung bakit." tumatawang turan ni Sean habang umiiling. "'Wag ka nang malungkot jan, ako nga delikado din ang mga score pero chill lang." dagdag ni Sean.
And then a bright idea came into my mind. Thanks to Sean's playful words.
"Instead of being blue, let's just chill and hang out. A treat to ourselves because we survived the prelims. What you guys think?" suhestiyon ko.
"Game ako jan! Let's celebrate." masayang pag sang-ayon ni Sean. Sabay kaming tumingin ni Sean kay Rex na hindi parin maipinta ang kanyang mukha.
Maybe I need to say the magic word. "Libre ko."
Then suddenly, Rex's mood and facial expression changed instant. He's now smiling and seems so excited.
"'Yan yung kanina ko pa gustong marinig, buti naman sinabi mo na yung magic word." nakangiting turan ni Rex at isinabit ang kanyang bag sa kaliwa n'yang balikat. "Tara na!" aya nito at nauna nang lumakad.
"Abnormal talaga 'yang kaibigan mo." bulong ko kay Sean.
"Sinabi mo pa."
Sumunod na kami kay Rex na ngayon ay masigla na. Lumabas kami ng university at sumakay sa isang tricycle. I enjoy riding tricycle than the jeepney, less hassle and the air is refreshing.
Magkasama kami ni Sean sa loob habang nasa likod naman ng driver si Rex na s'yang natuturo kung saan kami pupunta.
Huminto ang tricycle na aming sinasakyan sa hindi pamilyar na lugar sa akin. Bumaba ako at inilibot ang aking paningin sa kabuoan ng lugar.
"Dusk and Dawn Bar." basa ko sa isang lightboard sa taas ng pasilidad sa aking harapan.
Lumapit samin si Rex na nakangiti matapos magbayad sa tricycle driver.
"Bakit nandito tayo sa bar?" tanong ni Sean at humarap kay Rex.
"Akala ko ba 'we're going to chill and hang out'?" turan nito habang ginagaya ang tono ng boses ko habang sinasabi ang mga tagang iyon kanina.
YOU ARE READING
When The Sky Touches The Sea (UNDER REVISION)
RomanceSkyler Emuelin, a 4th year student that is currently taking BS in Tourism Management. He wants to be a Flight Attendant to escape the sadness and reality. Despite the fact that he has enough wealth and is actually quite famous, he's living a dull li...