Chapter 24.

960 71 99
                                    

Umiyak po kayo please

Darren's POV.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jewel at halata sa muka nya na hindi nya inaasahang makikita nya ko ngayon dito.

"Bakit hindi ka nagre reply sa mga text at tawag ko?, bakit wala ka sa bahay nyo?, Bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta ka dito?" sunod sunod na tanong ko.

Nagulat na lang ako ng bigla syang ngumiti na parang nangaasar.

Alam nyo ba kung anong pinakamasakit na 'goodbye' para sakin?

Ayun yung hindi pa nga naririnig ng tenga ko pero nararamdaman na ng puso ko.

"Anong nakakatawa Jewel? Nagtatanong ako?" seryosong tanong ko.

"Ahm guys! Alis muna ako!" sabi ni Grazz saka tumakbo palabas sa pinto.

Nakatingin lang ako kay Jewel, hindi ko alam pero bakit ang sakit?, e wala pa ngang nangyayari e! Pero parang? Ugh!

"Break na tayo!" bigla na lang nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya.

"Break? Okay tara kain tayo!" sabi ko at pinilit kong ngumiti kahit naiiyak ako sa mga sinasabi nya.

Alam ko naman kung ano yung ibig sabihin ng sinabe nya eh hindi naman ako tanga!

"Alam mo Darren? Ang tali-talino mo e! Halos lahat nasayo na! Perpekto ka na nga e! Pero pagdating sa love? Ang tanga mo! Sa tingin mo talaga mamahalin kita? Hindi kita mahal! Hindi kita minahal at hindi na kita mamahalin kahit kelan! Kaya lang naman kita sinagot para sumikat ako e! Uto uto ka! Ginawa ko lang yun para makilala ako ng ibang tao! Hindi ba Darren una pa lang alam mo namang hindi kita gusto? Hindi ba alam mo naman na ayaw ko sayo? Tapos sa tingin mo talaga mamahalin kita? Asa ka pa!" sabi nya sabay ngiti na parang wala talaga syang pakelam, ngiti na parang totoo lahat ng sinasabi nya.

Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko.

Hindi! Alam ko mahal nya ako e!, nararamdaman ko yun!, nakikita ko yun! Pero bakit sinasabi nya to?

Huminga ako ng malalim para tumigil ang pagiyak ko.

"Ano yun Joke? Hindi nakakatawa" sabi ko habang umiiling.

"Joke? *tinuro nya yung muka nya* Muka ba akong nagjojoke ha? Bobo ka ba talaga? Darren! Nakakainis ka na! Nagsasawa na akong intindihin ka! Nagsasawa na akong maawa sayo!!!! Darren nakakaawa ka kasi umaasa ka! Kasi naniniwala ka sa mga kasinungalingan ko Darren Nakakasawa ka ng kasama!!!! Oh ano? Narinig mo na ba ang mga gusto mong marinig? Mahal mo pa ba ako?"

Hindi ko na napigilan. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilan ang paghagulgol ko.

Ayan yung sinasabi nya?, pero bakit iba ang nakikita ko sa mga mata nya?

"WOW!!! Ang g-galing mo! Haha n-napaniwala m-mo ako na mahal mo a-ako!" sabi ko saka pumalakpak habang umiiyak pa rin.

Huminga ako ng malalim para tumigil sa pag agos ang mga luha ko.

"Sa tingin mo? Matapos kong marinig ang mga sinabi mo mamahalin pa kita? Sige aamin akong mahal kita! Minahal kita! Pero ngayon puro galit na ang nararamdaman ko sayo! Sinungaling ka!!!!! Ang sama ng ugali mo Wel! Hindi ko inakala na maririnig ko sayo yan!!! Ang kapal ng muka mo!" sigaw ko.

Pinilit kong wag maiyak.

Pinilit kong ngumiti na lang.

KAHIT ANG SAKIT SAKIT NA! KAHIT HINDI KO NA KAYA! PAKIRAMDAM KO GUSTO KONG BUMAGSAK! NANGHIHINA YUNG MGA TUHOD KO! WASAK NA WASAK NA AKO!

"Nasabi mo na lahat ng gusto mong sabihin, narinig ko na lahat ng gusto kong marinig hahaha uuwi na ako! Bye!" sabi ko saka tumalikod na.

AYOKONG IPAKITA SA KANYA NA NASASAKTAN AKO! Ayokong makita nyang mahina ako.

"Ge! Ingat ka!" narinig kong sabi nya.

Bigla na lang tumulo ang luha ko, bakit ganun? Wala ba talaga syang pakelam sakin?

Naglakad na ako papunta sa pinto, pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko kagad si Grazz.

"Grazz! Try mong maglinis dito ha! Ang laki kasi ng DUMI e!" sabi ko saka na ako tuluyang lumabas ng kwarto, pinagdiinan ko pa talaga ang salitang 'dumi'.

Bakit? Dumi naman talaga sya e.

Umiyak na lang ako ng umiyak habang naglalakad papunta sa elevator.

Bakit ganun? Kahit tanggap ko naman lahat ng sinabi nya hindi ko pa rin maiwasan ang wag masaktan?

Hindi ko lang matanggap na ang tagal nya akong pinaglaruan.

Huminga ako ng malalim saka pinunasan ang luha ko at pumasok na ako ng elevator.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Jewel's POV.

"Bakit mo sinabe yon?" tanong agad ni Grazz pagpasok nya ng kwarto.

Umiling lang ako saka na umupo sa couch.

"Hindi mo ba naisip na nasaktan mo si Darren sa mga sinabe mo?" napahagulgol na lang ako sa sinabi nya.

Bigla na lang syang lumapit sakin at hinagod nya yung likod ko.

"Para sya na mismo ang kusang lumayo sakin!" ipit ang boses ko sa pagsasalita dahil umiiyak ako.

Ang sakit ng dibdib ko.

"Ano yun? Bahala ka na nga! Kung anong desisyon mo gagalangin ko" sabi nya naman.

"Salamat!" sabi ko.

Napatakip na lang ang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang paghagulgol ko.

Ginawa ko lang naman yun para sya na mismo ang kusang lumayo sakin e! Para kamuhian nya ako, para magalit sya sakin at sya na mismo ang gumawa ng paraan para lumayo at kalimutan ako.

Alam kong mahal nya ako! Pag sinabi ko sa kanya yung totoong dahilan kung bakit kelangan ko syang iwan alam kong ipaglalaban nya ako.

Pag ginawa nya yun masisira ang pangarap nya! Babagsak ang career nya.

Alam ko namang makakahanap din sya ng taong mamahalin sya katulad ng pagmamahal nya e.

Alam ko namang hindi ako deserve para sa kanya e.

Patuloy lang ako sa pagiyak habang iniisip na kahit kelan hindi ko na makakasama si Darren.

Next Chapter.

Trying hard ako magpaiyak huhuhuhu! Ang corny ko talaga.

My HATER, My Number One SUPPORTER (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon