Darren's POV.
Nagising ako sa lakas ng kulog na narinig ko. Agad kong dinilat yung mata ko sabay tingin sa bintana.
Umuulan pala, tch! Inabot na kami ng gabi dito sa biyahe -_-
Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko silang lahat na gising pero hindi sila nagsasalita.
"Bakit parang ang tagal naman natin?" binasag ko ang katahimikan kaya lahat sila napatingin sakin.
"Traffic dude! Nakakabwisit nga e!" iritang sabi ni JK.
"Nasa Maynila na ba tayo?" tanong ko naman.
"Wala pa! As in sobrang layo pa!" sambit naman ni Xandra.
Sandali kaming natahimik ng biglang magsalita yung driver sa harap.
"Jekoy! Tingin ko hindi tayo makakauwi ngayon! Ang taas ng baha dun sa kanto hindi tayo makakatawid"
"Wala na po bang ibang daan?" sabay na tanong namin ni Jekoy.
"Wala! Hindi ko alam e, eto lang ang alam kong way! Pero makakaikot pa naman tayo! May malapit naman ata na hotel dyan e, pwede bang magstay muna tayo?" sabi ulit ni Driver.
"Kanina ka pa po request ng request ha?" napatingin ako sa nagsalita. Si Jewel lang pala -_-
"Sorry naman po agad!" sambit ng driver kay Jewel.
"Pero teka lang! Wala na po akong budget lilibre mo ba kami?" reklamo naman ni Jk sa driver.
"Hala Jekoy! Sige wag na lang!" sabi nung driver kaya nagsalita na ako.
"Sige! Ako ng bahala!" pagkasabi ko nyan ay nagliwanag naman bigla yung muka ni JK. Psh! Napaka talaga!
"Ang bait mo talaga dude! I love you!"
Binigyan ko lang sya ng 'nakakadiri ka' look saka na ako tumingi sa bintana.
Baliw talaga tong JK na to -_-
-----------
Nandito na kami sa lobby ngayon ng hotel.
Pinagiisipan pa kasi namin kung iba't ibang kwarto na lang ba gagamitin namin bawat isa or mag che check in na lang kami sa malaking kwarto para tipid!
Parang mas gusto kong sama sama na lang kami sa malaking kwarto kasi maubuusan naman ako ng pera kung kukuha kami ng maraming kwarto, psh! Palibasa hindi naman sila gagastos!
"Isa isang kwarto na lang tapos by partner! O diba!" suggest naman ni JK na proud na proud pa.
"Palibasa hindi ikaw gagastos e psh *sabay ngisi* wag na sama sama na lang tayo!" sabi ko naman.
Saka iniisip ko rin kasi na kung by partner kami sa isang kwarto? Edi malungkot?
Darren! pano naman magiging malungkot yun e kasama mo naman si Xandra?
Grabe! Para akong tanga kinakausap ko nanaman yung sarili ko.
Saka sure ako magiging magpartner nanaman si Jewel at Brent -_- wala pala akong pakelam!
"Hoy ano Darren! Natulala ka na dyan!" bumalik ako sa sense ko ng biglang magsalita si Xandra.
"Ah! O sige tara na! Sama sama na lang tayo!" pagsabi ko nyan ay naglakad na agad ako.
Ano ba tong iniisip ko! Para akong bata -_-
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Jewel's POV.Nandito na kami sa kwarto ngayon, infairness maganda sya at malaki kasya talaga kami dito! Hahaha.
"Maaga pa naman e! Wag muna tayong matulog!" sambit ni Jk.
"Ako? Matutulog na ako inaantok na ako e!" sabi ni Xandra saka sya pumasok sa kwarto.
Maganda talaga sya promise.
May apat na kwarto sya, may sala, may kusina as in kumpleto talaga!
Hindi sinasadyang napatingin ako kay Darren na ngayon ay naka indian sit sa sofa habang nagse cellphone.
Pero agad ko ding iniwas yung tingin ko ng bigla syang napatingin sakin.
Bakit ganun? Yung tingin nya, yung ngiti nya! Parang bumabalik sakin lahat -_-
Yung mga ginagawa namin dati, yung mga banat nya, yung mga araw na napapakilig nya ako, yung pagsasabi nya sakin na mahal nya ako!, bakit parang?...... Ugh! Nevermind. Bakit ko ba iniisip yun? Psh!
"Matutulog na ako!" napatingin ako kay Brent ng magsalita sya saka sya pumasok sa kwarto nila ni Zack.
Yes! Sabi kasi ni Darren magtabi na lang daw kami ni Twittle kaya sumang ayon na lang kami haha sya may gastos e!
"Ako din Wel! Tulog na ako ha!" nakangiting sabi sakin ni Twittle kaya tumango na lang ako.
Pumasok na din si Zack ng kwarto so ibig sabihin? Ako, si JK, si Grazz at Darren na lang ang naiwan dito!
Tabi tabi kaming nakaupo sa isang mahabang sofa pwera lang kay Darren. Nagsosolo sya habang nagse cellphone pa rin.
"Kain muna tayo Darren!" nakangiting sabi ni Jk.
"O bakit sakin mo sinasabi?" nagtatakang sabi ni Darren.
"Syempre! Ikaw may pera e!" natatawang sabi ni JK.
Baliw talaga to! Parang bata pa rin -_-
"Odi bumili ka! *dumukot sya sa wallet nya* Oh!" sabi ni Darren saka nya binato kay Jk yung credit card nya.
Nux naman! Rich kid! Naka credit card!
"Yawn!!! I love you talaga dude!" masayang sabi ni JK saka sya tumakbo palabas.
Napailing na lang si Grazz haha!
Siguro iniisip nya kung bakit sya pumatol sa isip bata! Haha. Gwapo naman! Talo pa? Hahaha.
Next Chapter.
BINABASA MO ANG
My HATER, My Number One SUPPORTER (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]
FanfictionBOOK 2. Hater ni Darren Espanto. ~My HATER My Number One SUPPORTER. Pls read!