Darren's POV.
"Darren! Ready?" tumango na lang ako sa tanong ng mommy ni Xandra sabay ngiti.
Nandito ako sa backstage ngayon actually palabas na ako dahil ako yung unang kakanta. Para daw sa opening chuchu!
Sinilip ko yung labas ng stage, ang ganda ng venue! May red carpet pa sa gitna tapos sa gilid nun puro lamesa na at yung stage? Hindi sya actually stage kasi mababa lang sya! Parang platform lang ganun?
"Bago ang lahat gusto ko munang batiin ng happy happy birthday ang aking baby girl na si Xandra yun! Sana maenjoy mo tong party mo, always remember na mahal na mahal ka namin! So yun eto na nga umpisahan na natin! Please Welcome Darren Espanto!" rinig kong talumpati ng kapatid ni Xandra na si ate Nadine sa labas.
Huminga muna ako ng malalim saka na ako tuluyang lumabas sa stage ng nakangiti.
Napakunot yung noo ko ng marinig ko yung umpisa ng kanta, teka? Iba to ha! Hindi naman ito yung pinractice ko kanina!
Tumingin ako kay Xandra ng nagtataka, nasa baba sya ng stage e! Ngumiti lang sya sakin saka nya ako binigyan ng 'kumanta ka na!' look kaya agad kong tinapat yung mic sa bibig ko.
Buti na lang alam ko tong kanta!
"Take me to your heart show me where to start let me play the part of your first love all the stars are right every wish is ours tonight my love"
Kanta ko with emotion pa habang nakatingin sa mga nakatayo at nagkukumpulang tao sa gitna (sa dulo ng red carpet?)
Kakanta na sana ako para ituloy ang nasimulan ng may biglang kumanta na boses ng babae.
"Pity those who wait trust in love to faith findin out too late that they've lost it never leting go they will never know the ways of love"
Napalinga linga ako para hanapin kung saan nanggagaling yung narinig kong boses ng babae.
Napatingin na lang ako sa mga nagkukumpulang tao ng bigla silang nag give way alam nyo yun? Humati sila sa dalawang part at dun ko nga nakita si Jewel na nasa gitna habang may hawak na mic at nakangiti.
Bigla na lang tumibok yung puso ko ng napakabilis.
" Got to believe in magic tell me how two people find each other"
Sabay naming kanta habang dahan dahang lumalapit sakin si Jewel.
"In a world that's full of strangers you've got to believe in magic something stronger than the moon above cause it's magic when two people fall in love"
Naglakad ako pababa ng stage para salubungin sya.
Napangiti na lang ako ng bigla nyang inabot yung kamay nya sakin kaya hinawakan ko naman yun.
Tinignan nya ako sa mata saka nya ako binigyan ng 'okay na ang lahat' look with thumbs up pa! kaya mas lalong lumapad yung ngiti ko.
"I may never know why i need you so all i need to know is this feeling handle it with care we were born to share this dream my love"
Kanta ni Jewel habang naglalakad kami paakyat sa stage ng magka holding hands.
"Got to believe in magic tell me how two people find each other
in a world that's full of strangers you've got to believe in magic something stronger than the moon above cause it's magic when two people fall in love"Kanta ko saka ako tumingin sa kanya.
Nagtititigan lang kami ni Jewel saka na namin tinuloy yung kanta.
Ps. Nasa stage na kami!
"Got to believe in magic tell me how two people find each other in a world that's full of strangers you've got to believe in magic something stronger than the moon above cause it's magic when two people fall in love"
Natapos yung kanta na nakangiti ako.
"Jewel sorry!" sabi ko sa kanya.
Bigla nya na lang hinawakan yung pisngi ko saka nya dahan dahang nilapit sakin yung muka nya.
Rinig na rinig ko yung tibok ng puso ko, parang kami lang ang tao dito!, wala akong ibang makita kundi si Jewel lang hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa aking labi.
Pero agad nya din yung inalis saka nya pinagdikit yung mga noo namin.
"Wala kang kasalanan Darren!, ang mahalaga okay na ang lahat okay!" nakangiting sabi nya.
"Ahm?.... Jewel may sasabihin ako sayo" sabi ko.
"Ano yun?" malambing na sabi nya habang magkadikit pa rin yung noo namin.
"First kiss ko yun sa lips!" nahihiyang sabi ko pero nakangiti ako.
Nanlaki yung mata ko ng bigla nya nanaman akong halikan.
"At yan ang second kiss!" sabi nya sabay halik ulet.
"Third kiss!" at hinalikan nya ulet ako.
"Pangapat...... Panglima....... Panganim......Pangpito......pangwalo....... Pang-?" hahalikan nya pa sana ako ng bigla kong inatras yung muka ko palayo sa kanya.
"Tama na Wel! Galangin mo naman ako! Nasisira yung puri ko e! Ang dami kayang tao!" mahinang sabi ko pero deep inside? May butterfly sa kaloob looban ng puri ko.
"Pero bago ang lahat? Kamusta muna ang buhay mo?" tanong nya ng nakangiti.
Wow ha? Ngayon lang sya nagtanong kung kamusta na ako?
"Buhay ko? Eto kausap ko!" nakangiting sabi ko at kitang kita ko ang pamumula ng muka ni Jewel sa sinabi ko.
"Yak si Jewel kinikilig!" pangaasar ko.
"Ouch!" inda ko sabay hawak sa ulo ko, Eto! Batok ng batok -_-
"I love you Darren! Sobra! Alam mo naman siguro yun diba? Darren mahal na mahal kita at hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka! Ikaw lang yung taong minahal ko ng ganito ay mali! Dahil ikaw lang yung taong minahal ko sa buong buhay ko promise maniwala ka sak-?" hindi sya natapos sa pagsasalita ng bigla ko syang hinalikan pero agad din akong humiwalay.
"Naniniwala ako Jewel, alam ko na lahat! At mahal na mahal din kita higit pa sa pagmamahal mo sakin!, higit pa sa iniisip mo! Higit pa sa pinakahigit sa buong mundo okay? Jewel i love you!" sabi ko saka ko sya niyakap ng mahigpit at sinuklian nya yung yakap ko.
"HOY! BUMABA NA KAYO DYAN! ANO PARTY NYO TO HA? PARTY NYO TO?" agad kaming naghiwalay ni Jewel saka napatingin kagad kami ni Jewel sa narinig naming sumigaw.
Natawa na lang kami ng makita namin silang nagtatawanan. Epal talaga tong Zack na to -_-
---------
Nagsimula sa bungguan, tawagan sa phone, tawanan, kantahan hanggang sa nagbangayan, nagaway, selosan, agawan hanggang sa dumating sa punto na pinaglayo kami at hanggang dumating kami ngayon dito!
Sa masaya!, natapos ang problema sa isang iglap lang! Ganun naman talaga pag nagmamahal e! Lahat ng imposible nangyayari!, lahat ng bagay na alam mong hindi mo kayang gawin nagagawa mo dahil sa kanya!
Sya na masungit, mabait, makulit, sweet, pakelamera, bungangera, epal, selosa, matampuhin, araw araw may regla? Sya yung babae na kahit hindi perpekto pero minahal ko!, sya yung babaeng handang isakripisyo ang lahat dahil alam nyang dun ako sasaya pero mali yung alam nya -_-
Sya yung babaeng minahal ko ng sobra at sya yung kauna unahang babaeng minahal ko!, bakit?
Because she is........
My HATER, My Number One SUPPORTER ❤
------------
Hart hart hart! Done na po yung BOOK 2✅ HUHUHUHU!
Thankyou po sa pagtyatyagang magbasa netong story na to.
Lablab ko kayong lahat sobra! Kung wala kayo, wala din ako! Hahahaha joke lang lol!
Basta thankyou sa pagsupport dito sa story nato!
Toodles!
BINABASA MO ANG
My HATER, My Number One SUPPORTER (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]
FanficBOOK 2. Hater ni Darren Espanto. ~My HATER My Number One SUPPORTER. Pls read!