Jewel's POV.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko.
Pumihit ako at saka kinuha yung phone sa ilalim ng unan na hinihigaan ko.
Tinignan ko yung screen nun.
04:00 am na!
Bumangon ako at saka tumayo at naglakad papuntang cr.
Trip ko lang gumising ng maaga ngayon kasi ang aga naming natulog kagabi.
Maliligo lang ako.
-----------
Paglabas ko ng cr ay nakadamit na ako.
Natutulog pa rin si Brent kaya lumabas muna ako ng kwarto at bumaba.
Pagbaba ko sa hagdan ay walang katao tao.
Nasan na kaya yung driver nila Jk?
Naglakad ako papunta sa couch at umupo dun saka ko binuksan yung Tv.
"Boring! Spongebob?" napasinghal na lang ako saka na nilipat sa ibang channel.
Wala ba man lang magandang palabas?
Pinatay ko yung tv saka ko sinandal yung ulo ko sa sandalan ng couch.
Ano ba yan! Inaantok ako.
Tinatamad akong umakyat kaya humiga na lang ako sa couch.
Pinikit ko yung mata ko.
Iidlip lang ako habang hindi pa sila gising.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Darren's POV.
Kanina pa ako gising pero nakahiga lang ako dito.
Iniisip ko kasi kung kelangan pa bang malaman ni Xandra na ex ko si Jewel? Hindi nanaman siguro nya dapat malaman diba? Kasi una pa lang naman ang alam nya na ay P.A ko lang si Jewel.
Saka tapos na yun! Ang importante mahal ko ngayon si Xandra?
Pero bakit parang nalilito ako?
Diba mahal ko naman si Xandra? Diba naka move on na ako?
Ugh! Anu ba yan!
Bumangon ako saka ko tinignan si Xandra na natutulog sa tabi ko.
Dahan dahan kong nilapit yung muka ko sa muka nya saka ko sya hinalikan sa noo.
Tumayo na ako saka naglakad papuntang cr para maligo.
-----------
Nang matapos akong maligo ay nilingon ko ulet si Xandra para tignan kung gising na sya pero hindi pa rin.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.
Pagkababang pagkababa ko ay naglakad na ako papuntang kusina pero bago pa ako makapasok sa kusina ay may nahagip na yung mata ko.
Nakita ko si Jewel na nakahiga sa couch.
"Bakit dito natutulog yan?" bulong ko sa sarili ko saka lumapit sa kanya.
Hindi ko alam pero na napako ang mga mata ko sa muka nya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog sya.
Wala pa ring nagbabago sa kanya.
Mas lalo pa akong lumapit sa kanya.
Dahan dahan kong inangat yung mga tuhod nya gamit yung braso ko.
Tapos inangat ko na din yung ulo nya.
Binuhat ko sya na parang pangkasal.
Takte! Ang bigat pa rin! Hindi man lang pumayat tong babaeng to.
Naglakad ako paakyat sa hagdan.
Hindi ko tinitignan ang muka nya kasi parang? Ugh wala wala!
Huminto ako sa tapat ng kwarto nila ni Brent.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng may biglang magbukas neto mula sa loob.
Dun ko nga nakita si Brent na nakatayo sa harap namin.
"Ahm! Padaan" sabi ko kaya gumilid naman sya tapos tuluyan na akong pumasok sa kwarto nila.
Dahan dahan ko syang nilapag sa kama para hindi sya magising.
"Saan galing yan?" mahinahong tanong sakin ni Brent kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit sa baba mo sya pinatulog?" tanong ko naman.
"Oy hindi ah! Baka bumaba lang sya! Pagkagising ko wala na sya sa tabi ko e!" sabi nya naman sabay tingin kay Jewel na kasalukuyang natutulog.
"Sige! Kain lang ako!" sabi ko saka ako ngumiti ng konti tapos lumabas na ako ng kwarto nila.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Jewel's POV.
Hala? Paano ako bumalik dito? Naglakad ba ako habang tulog?
Bumangon ako sabay tingin sa bintana.
Maliwanag na!! kaya tumakbo kagad ako palabas ng kwarto saka ako bumaba.
"Hi!" ayan agad ang nasabi ko ng makita ko silang lahat na kumakain.
Ngumiti lang sila sakin saka na ako naglakad papunta sa upuan ko.
"Kamusta naman ang tulog mo?" napatingin ako kay Brent ng magtanong sya.
"Okay lang!" sabi ko naman.
"Ay! Saka pano ako napunta sa kwarto?" tanong ko ulet saka ako naglagay ng pagkain sa pinggan ko.
Bago pa magsalita si Brent ay nakita kong tumingin sya kay Darren.
"Inakyat ka ni Darren!" sabi nya kaya tumingin kagad ako sa plato ko.
"Wala bang thankyou dyan?" napatingin ako kay Darren ng magsalita sya.
"Thank you!" sabi ko saka na kumain.
Parang awkward naman nun! Nakita nya akong tulog? E pano pag tulo laway pa ako nun?
Saka buti nabuhat nya ako?
Next Chapter.
BINABASA MO ANG
My HATER, My Number One SUPPORTER (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]
Fiksi PenggemarBOOK 2. Hater ni Darren Espanto. ~My HATER My Number One SUPPORTER. Pls read!