Chapter 25.

889 64 90
                                    

2 years ago.

Darren's POV.

"Honey pie baby boy!" napangiti na lang ako ng marinig ko yung sigaw ni Xandra mula sa labas ng kwarto ko.

Pumasok na sya ng kwarto ko saka nya sinara yung pinto.

"Ang panget naman nung 'Honey pie baby boy' parang pambaby!" sabi ko naman.

Ngumiti naman sya.
"E anong gusto mo? Puchu puchu!" sabi nya kaya natawa naman kaming parehas.

"Ayie! Puchu puchu!" malambing na sabi nya habang dahan dahang lumalapit sakin.

Tapos yung muka nya halatang nangaasar, Yung kamay nya naman nakaturo sakin na parang kikilitiin ako.

"Ang cute mo! Pwede bang tumigil ka na hahaha! Titirisin kita e!" pagbibiro ko.

1 year na kami ni Xandra! Ang bilis ba? Wala eh! Nahulog ako sa angking ganda nya lol ang lalim haha!

"Honey pie baby boy!" sabi nya sabay lapit sakin at niyakap ako.

Niyakap ko din naman sya.

Naramdaman ko na lang na hinalikan nya yung balikat ko.

"Kumpleto na ba yung mga dadalin mo?" tanong ko saka humiwalay na sa pagkakayakap nya.

"Ilang days ba tayo dun?" tanong nya saka umupo sa kama.

"Basta! Sa 10 ng umaga uuwi din tayo!" sabi ko naman saka na naglakad palapit sa cabinet at naghanap ng susuotin.

Pupunta kasi kami bukas sa Palawan birthday na kasi ni Jk bukas haha! Excited na nga ako e! Kasi magkaka bonding ulet kami at yes! Puro tulog na lang gagawin ko dun.

"Kasama pala si Brent e!" sabi naman ni Xandra saka humiga na sa kama ko.

"Odi masaya!" sabi ko saka naglagay ng damit sa bag ko.

Si Brent John Lustre ay pinsan ni Xandra, simula ng ligawan ko si Xandra naging close na kami ni Brent hahaha! Tapos pati sila Jk naging close na din sya ang bait nya kasi =)

"Ahm Darren next month na pala yung monthsarry naten ang bilis ng araw no? Parang kelan lang naiinis ka pa sakin kasi ang kulit ko haha!" napatingin naman ako kay Xandra sa sinabi nya.

Napangiti na lang ako ng maalala kong 3 months akong nanligaw sa kanya hahaha! Akalain nyo yun? Nagpakipot pa ng 3 months? Haha. Pero mahal na mahal ko si Xandra.

"Oo nga e! Dito ka na matulog ha?" sabi ko naman kay Xandra.

"Yeah! I love you Darren"

"I love you too Xandra, sobra!" napangiti kaming parehas.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Jewel's POV.

"Ate! Sama na ako!" pagmamaktol ni Andi.

"Wag kang makulet! Bawal ka! May pasok ka pa bukas diba?" sabi ko habang naglalagay ng damit sa bag ko.

"Bakit ikaw walang pasok?" sabi nya.

"Atlis pinayagan ako! E ikaw pinayagan ka ba?" tanong ko naman saka tinarayan sya.

"LECHE!" sigaw nya saka padabog na lumabas ng kwarto ko.

"HOY! WAG MO AKONG NILE LECHE BASTOS KA HA!!" sigaw ko naman.

Nakakabadtrip! Bakit ba kasi ako nasama sa ganun?

Sabagay birthday kasi ni Jk at hindi pwedeng wala ako dun -_- bestfriend ko sya e.

Wala pa nga akong balak sumama kasi alam kong kasama si Darren -_-

Sa ngayon sikat na sikat na sya! Silang dalawa ni Xandra!!!! Sikat na sikat na yung love team nila. At sa pagkakaalam ko totong couple na talaga sila.

Okay. Stay strong!

Aamin akong hindi pa ako nakaka move on pero syempre alam kong balang araw makaka move on din ako.

*kriiiing*

*kriiiing*

*kriiiing*

Answer.

"Hoy sunduin na kita bukas ah! Kelangan 3 ng umaga makaalis na tayo!" sabi agad ni Jk pag answer ko ng phone.

"Yes boss!" sabi ko naman.

"Ahm? Wag kang mag alala! Kaming bahala sayo!" sabi nya naman.

Napasinghal na lang ako sa sinabi nya.

Alam ko namang tungkol kay Darren at Xandra yung sinasabi nila e.

"Hello! Nakamove on na ako no!" pagsisinungaling ko.

"Okay! Sabi mo e! Basta kelangan wag ka ng matulog! Sa biyahe ka na lang matulog ha? Bye!!" sabi nya.

End Call.

Okay! Sanay nanaman akong laging binababaan ng phone e! Haha.

Ano na kayang mangyayari bukas?

--------------

Nandito na ako ngayon sa labas ng bahay namin para hintayin sila.

Parating na daw sila e hahaha!

*beeep*

*beeep*

Napatingin ako sa van na huminto sa harap ko.

Bigla na lang may nagbukas ng bintana neto.

"Tara!" sabi agad ni Jk saka nya binuksan yung pinto.

Ngumiti na lang ako saka na pumasok sa van.

Bago pa ako makaupo ay may nahagip na ang mga mata ko.

Napatingin na lang ako kay Darren habang natutulog sya sa balikat ni Xandra.

Nilihis ko agad yung tingin ko.

Umupo na lang ako sa tabi ng hindi ko kilalang lalaki. Kasi dun yung may vacant e!

Masakit na nga pag nakikita ko sila sa Tv na magkasama pero mas masakit pala pag sa personal na.

Ngayon ko na lang ulit nakita si Darren.

Next Chapter.

My HATER, My Number One SUPPORTER (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon