Chapter 8.

1.1K 75 7
                                    

Jewel's POV.

Nakaupo lang kami dito sa sofa habang nanunuod ng kung ano anong palabas! Kanina pa hikab ng hikab tong lalaki sa tabi ko! Kanina nya pa rin sinasabi na matulog na daw kami.

Sabi nya dito daw sya matutulog nagpaalam na daw sya sa mommy nya.

Well wala namang bago dun dahil nakatulog na din sya dito dati.

Pero? Hindi kami magkatabi! Sya yung natulog sa kama at ako sa lapag. Wala naman syang pake dun! Gentleman e!!!!

Sure ako masisilayan ko nanaman yung ilalim ng kama mamaya! Sa lapag nanaman ako nyan!

Yan si Darren! Mahal na mahal ako nyan!

"Kwaaaaah (hikab yan) Wel tulog na tayo!" sabi nya saka pinatong yung ulo nya sa balikat ko.

"Patay mo na yung Tv! Tangalin mo sa saksakan ah pati yung dvd na din saka yung electricfan" sabi ko saka tumayo na at naglakad paakyat.

"Patayin na din kita! Lahat na lang inutos ah!" sarkastikong sabi nya saka tumayo.

Susunod din pala sya nagsasalita pa!

"Arte naman! Pag pinatay mo ako baka umiyak ka" sabi ko habang umaakyat sa hagdan.

"HOY! Dun ako sa kama ha! Maglatag ka na ng sapin mo sa lapag!" pangongontrata nya habang tinatanagal sa saksakan yung mga sinabi ko.

Tinarayan ko lang sya saka tuluyang pumasok ng kwarto KO! pero kama NYA! Yung nandito!

Pagpasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko agad yung manipis na foam saka ko yun nilatag sa lapag! Grabe mukang masarap tulog ko neto hooow!!

Habang inaayos ko yung hihigaan ko ay bigla na lang bumukas yung pinto kaya napatingin naman ako dun.

"Yawn!" masiglang sabi ni Darren pagkabukas nya ng pinto saka tumakbo palapit sa kama at dumapa.

"Ugh! Ang sarap ang lamig dito" walang ganang sabi nya habang nakapikit.

Hindi ko na lang sya pinansin at humiga na sa lapag saka ko pinikit yung mata ko.

"Goodnight Wel!" napadilat ako ng marinig kong magsalita si Darren, sinilip ko sya sa ibabaw ng kama.

Nakapikit pa din sya kaya pumikit na din ako ulit.

"Goodnight Ren" sabi ko saka ngumiti.

Ang gentleman kong boyfriend ang sweet sweet!

Leche -_-

---------------

Unti unti ko dinilat yung mga mata ko saka dahan dahang bumangon.

Tch! Bwisit sakit ng katawan ko.

"Gising ka na pala! Maligo ka na! Aalis tayo" sabi nya saka ngumiti sakin.

"Kanina ka pa gising? Hindi mo man lang ako binuhat papunta dyan sa kama!" sabi ko saka tumayo na at inayos yung mga unan pati yung foam.

"Bakit kita bubuhatin e ang bigat mo?" sabi nya.

Nakaupo lang sya sa kama at halata sa buhok nya na bagong ligo lang sya.

Tinarayan ko lang sya saka nagpatuloy na sa ginagawa ko! Ang gentleman talaga! Halatang halata na mahal ako neto e kaiyak hahaha!

"Ayusin mo yang kama!" sabi ko ng maayos ko na lahat ng dapat kong ayusin.

"Bakit ko pa aayusin kung magugulo lang din?" taas noong sabi nya.

"Odi wag kang kakain! Tutal itatae mo lang din!" sigaw ko.

"Kumain na ako e kanina pa! Hindi naman ako tumae!" sabi nya saka ngumisi.

Natawa na lang ako sa sinabi nya! Bwisit kahit badtrip ako napapatawa nya ako.

"7 am na! Maligo ka na! Sama ka sakin!" sabi ni Darren saka umalis sa kama.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta! Ligo na" sabi nya saka ngumiti at lumabas ng kwarto.

Nakakaasar talaga to!

Next Chapter.

My HATER, My Number One SUPPORTER (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon