Chapter 42.

991 68 9
                                    

Jewel's POV.

"Jewel! Knock knock?" sabi ni Brent kaya napatingin ako sa kanya.

Nandito kami ngayon sa van, kakaalis pa lang namin kaya hyper pa lahat ng tao dito.

"Who's there?"

"Gary V?"

"Gary V who?" nakangiting sabi ko, at napansin ko din silang lahat na nakatingin kay Brent.

"Sa Gary V bida ang saya!" kanta nya with emotion pa.

Sumimangot lang ako para ipakitang hindi ako natawa.

"HOY LAYAS! ANG CORNY MO LAYAS!" sigaw ni Jk habang tinataboy si Brent, baliw talaga.

"Eh! Eto pa isa! Jewel knock knock?" sabi ulit ni Brent.

"Who's there" tanong ko naman.

"Tokneneng?"

"Tokneneng who?" sabay sabay naming sabi.

"Tokneneng to me turururut tururururu turururururut tokneneng to me!" (talk dirty to me) kanta nya habang kumekembot pa.

"Hahahaha panget mo dude!" natatawang sabi ni Jk saka nya binato si Brent ng unan.

Ewan ko kung bakit ako natawa, dahil ba sa knock knock ni Brent o dahil sa pangaasar ni Jk?

"Atlis natawa kayo, eto pa isa! Knock knock!" sabi ulit ni Brent.

Daming baon ha?

"Sinong nandyan / who's there?" sabay sabay na sabi namin, yung iba tagalog, yung iba naman english isa na ako dun.

"Napakakati?"

"Napakakati who?" tanong naming lahat.

Magsasalita na sana si Brent ng biglang sumingit si Zack.

"Ay kilala ko yan! Yan yung tindera sa tapat ng bahay namin e! Yung nagtitinda ng uling!" napatawa naman kaming lahat sa banat ni Zack, mga siraulo.

"Hoy! Ako muna!" pagiinarte naman ni Brent kaya hinintay namin yung mga sumunod nyang sasabihin.

"Napakakati!!!!!! Kuya edie! Ang sinapit ng aking buhay! Napakakati! Kuya edie! Sabihin mo kung ano ang gagawin!" kanta ni Brent.

Natawa kaming lahat sa itsura nya hahaha.

trying hard pa sa pagkanta hahahaha.

"Hirap na hirap pre ha?" sabi ni Darren saka nya hinimas yung likod ni Brent na parang pinapakalma. Nasa back seat kasi sya. (darren)

Hahahahaha mga baliw talaga tong mga to.

"Sa bagong ABS CBN tv plus, panonood moy mag iiba kalinawan na di mo pa nararanasan DANDANDAN DALANDAN!!!!" Kanta ulit ni Brent kaya lalo kaming nagtawanan.

"Remix dude? Angas!" natatawang sabi ni Jk.

Pero ako tawa lang ng tawa. Nakahawak lang ako sa tiyan ko habang tumatawa, bwisit hindi ko mapigilan!

"Wag dibdibin! May likod ka pa!" napahinto ako sa pagtawa at napatingin sa likod ko ng may maramdaman akong humimas sa likod ko kaya tinignan ko yung nagsalita.

Si DARREN.

Nakangiti lang sya at halata sa muka nya na parang nabigla din sya nung humarap ako kaya agad din syang lumayo at binitawan yung likod ko pero nakangiti pa din sya.

Tumingin na ako sa harap. At dumiretso ng tingin.

Bakit ang awkward? E wala namang nangyari psh!

Jewel CALMA! CALMA! CALMA! Jewel CALMA! OKAY CALMA!

"Tulog na guys! Antok na ako grrr!" sabi ni Jk sabay hilik habang nakapikit.

Tulog na daw -_-

-----------

"Jewel! Gisingin mo na sila! Nasa Maynila na tayo!" napatingin ako sa driver ng magsalita sya.

Pano ba naman kasi? Ako lang gising dito, lahat sila tulog!, hindi kaya ako nakatulog!, dinamayan ko yung driver nakakaawa kasi e. -_-

"Ehem ehem! HOY LAHAT NG TULOG! GUMISING KAYO MALALAGLAG TAYO SA BANGIN!!!!!" buong lakas na sigaw ko.

"Asan? / Huh? / Hala!" iba iba mga naging reaksyon nila saka sila luminga linga.

Mga uto uto talaga!

"Bwisit ka talaga!" napahawak na lang ako sa ulo ko ng may bumatok sakin.

Sakit ah!

"ANO NANAMAN BANG PROBLEMA MO! AYAW KO SA LAHAT INIISTORBO AKO EH!" sigaw ni Jk.

Ngumiti ako ng pilit saka ako nag peace sign. Pacute lang ganun?

"Nasa Maynila na tayo!" masayang sabi ni Twittle habang nakatingin sa bintana.

"Okay sige! Hatid po muna natin si Twittle tapos si Zack!" sabi ni Jk sa driver.

Nakita ko namang tumango si manong driver.

'SA BAGONG ABS CBN TV PLUS PANONOOD MOY MAGIIBA KALINAWAN NA DI MO PA NARARANASAN DAN DAN DAN DALANDAN!'

Napakanta kayo noh? Haha.

"Bakit sobrang init mo?" napatingin ako kila Jk ng magsalita sya.

Nakita ko syang papalit palit yung hipo sa noo at leeg ni Grazz.

"May lagnat ka?" gulat na tanong ni Jk at halata sa muka nya ang pagaalala.

Napangiti na lang ako hindi dahil sa may lagnat si Grazz kundi dahil kitang kita ko ang pagkataranta ni Jk.

Mahal na mahal!

"Naku Grazz may lagnat ka, okay ka lang? Yari ako kay tita." nagaalalang sabi ni Jk.

"Makapag react ka parang mamamatay ako ha!, sige magpaka OA ka! Painitin mo yung ulo ko! Sasapakin na kita!" galit na sabi ni Grazz saka nya pinakita yung kamao nya kay Jk.

Hay! Perfect couple! Kahit lagi silang nagaaway.

Hahahaha kaingit -_- lol.

--------

Nandito pa rin kami sa van ngayon.

Naihatid na namin si Zack at Twittle, actually ako na yung next.

Natutulog lang si Grazz, masakit daw kasi ulo nya.

"Ahm Jewel!" napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sakin.

Si Xandra lang pala!, binigyan ko lang sya ng 'bakit' look.

"Punta ka sa bahay sa Saturday ha? Birthday ko kasi" nakangiting sabi nya.

"Hahahaha! Happy Birthday, sige pupunta ako pero-?"

"Jewel! Nandito na tayo sa bahay nyo!" agad akong napatingin sa bintana.

Tch!

"Ahm sige! Bye na!" sabi ko saka binuksan ni Jk yung pinto, sya kasi yung nasa tabi ng pinto e.

Kumaway ako habang bumababa sa van.

Lahat sila ay kumaway din pwera lang kay Darren -_- tumingin lang sya sa bintana.

E bakit ko ba kasi pinapansin pa yun? Wala nga akong pake diba?!

Next Chapter.

My HATER, My Number One SUPPORTER (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon