KEN'S POV
Nilapitan ko si Dwayne after the debate. Sinakto kong nasa CR si Kean and Gemini yata name nung isa nyang laging kasama.
"Pre. Pwede ba kitang makausap?" I asked. Alam ko mabait sya, ramdam ko makakasundo ko sya.
"sige pre ano yun?"
"anong mga favorites ni Kean na tanghalian?"
"HAHAHA LAHAT. Like bulalo, sinigang, puchero, menudo, embotido, basta madami eh.. bakit pre?"
"here's my calling card, dun na kayo maglunch sa resto namin, it's on the house. Basta makasama si Kean at kumain ng ayos, and please don't tell na amin yun, baka kasid I sya sumama"
"HAHAHAH the best ka pre! Big time ka pala eh! Sige yayain ko!"
"hindi pre... nagkataon lang na masipag parents ko hehe"
"sige pre... akong bahala."
And that's the story kung bakit talagang pinilit nila si Kean na dun kumain... and even yung mga foods, si Dwayne nagdesisyon.. at alam ko lahat yun gusto ni Kean.
I like her...
No
I love her.
Habang nasa sasakyan kame. Ang haba ng litanya nya. Deep inside napakasaya ko, kasi kasama ko sya... sisiguraduhin kong hindi lang to ngayon.
Because what I feel for her is not a joke after all.
Iba ang twist na dumating sa buhay ko, at ganito kabilis... nahigitan nya si Yva.
"Bakit mo ko kailangang paglaruan ng ganito? Wala kabang magawa? Are you really out of your mind?? What the heck is wrong with you! Alam mo bang nananahimiko ako and here you are biglang dadating sa school and mambubulabog ng ganito??"
Inis na inis si Kean...
Pero parang ansaya saya kong makita syang kahit naiinis eh nagbablush.
Oh love...
Halatang nagulat sya habang sinusuot ang blindfold...
HAHAHAH
So akala nya talaga ihahagis ko sya outside my car.
Tahimik syang sumunod.
Natatawa nalang ako sa inaakto ko.
I never imagine na ganito ako mageeffort sa babaeng to.
"She's a beach person, and she really loves sunset. Ako ng bahala sa klase nyo, balita ko reporting lang. ako nalang mag attendance sa inyo. Just please, wag mo syang sasaktan. Kean's fragile after what happened to her past relationship."
Pahabol ni Dwayne...and I just nodded.
First day with her feels like I know her all the time.
Parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya para mahulog ng ganito katindi.
"Wag mong kakalimutang may klase tayo ng 5pm. Just please tapusin mon a agad tong kalokohan mo."
"You'll see my love" I said habang nakablindfold na sya at halatang kinakabahan.
We travelled for almost an hour, di ko napansin nakatulog na sya.
And andito na kame.
MANILA BAY.
"Love... wake up."
Tinanggal nya ang blindfold...and she's amazed and unti-unting naglakad pababa ng sasakyan.
Naabutan namin ang sunset. Mabuti naman.
She's crying???
Over a sunset?
Buti nalang malalayo ang ibang tao at di sya napansin.
Nilapitan ko sya.
Niyakap.
At di naman sya pumalag.
Niyakap din nya ako. Hinayaan ko lang sya.
She had something inside na kailangan nyang ilabas.
Iniupo ko sya sa place kung saan kame lang dalawa.
"He's sick"Nakikinig lang ako sa kanya
"I don't know how long I'll be with him. I did my best. I even had debts. I asked for everyoe's help. Pero paano kung sya na mismo ang nahihirapan?"
Hinawakan ko ang baba nya...
"sino my love?"
"my father..."
And those precious tears, ang sakit makita.
Hindi ko alam anong meron sa kanya...
I forced myself not to...
Pero di ko kinaya.
I kissed her.
3 or 4 seconds...
Halatang gulat na gulat sya...
Nung hiniwalay ko ang labi ko... isa alng naisip ko.
Handa na akong masampal.
YOU ARE READING
MY TEACHER, MY FIRST LOVE
RomanceHow can I move on when my past still haunts me? When everything seems stagnant until now? Mahal ko sya... Pero I have no news where she is right now. I ruined everything. My life, my family, my friends, and even myself. Bar became my home. Alcohol t...