ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS
PROLOGUE
"Manong Juan patulong po doon sa mga kagamitan ko, medyo mabibigat po kasi yung iba" Pagmamakaawa ko sa tricycle driver.
"Sige po ma'am" Bumama ito sa tricycle niya at saka naglakad papunta sa mga malalaking maleta na naglalaman sa mga gamit at damit ko.
"Salamat po manong" Saad ko at saka kinuha ang dalawang box ng damit ko habang si manong naman ay kinuha ang isang malaking malita at saka sinakay sa tricycle niya.
"Ma'am kailan po ba kayo babalik dito?" Tanong nito sa akin kaya pansamantala akong napatigil.
"Hmm, hindi ko pa alam manong Juan eh. Siguro kung hindi ako papalarin sa manila na makahanap ng magandang trabaho, babalik po siguro agad ako dito" Saad ko at saka ngumiti nama si Manong Juan.
"Siguro maam kung hindi inatake sa puso si Pareng Pedro at hindi binawian ng buhay, dito parin kayo mamumuhay" Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Manong.
Siguro nga tama siya, kung hindi pa nawala si papa siguro dito nalang ako habang buhay—dito sa probinsiya. Ngunit dahil kinuha na ni papa God si papa Pedro, nag-iba ang takbo ng buhay ko at heto ako ngayon luluwas sa manila upang doon mag-hanap ng trabaho.
'At sana nga hindi ako mahirapan na mag hanap doon'
"Siguro po manong Juan" Ngumiti ako ng mapait "Pero siguro kapalaran ko to manong" Nagkibit balikat siya at saka binuhat ang pinakahuling maleta na dala ko.
"Tama ka diyan maam, malay mo nasa manila pala ang kapareho mo" Natawa ako dahil sa sinabi niya.
"Manong naman hys wala pa yan sa bukabularyo ko no! At hello NBSB pa kaya ako manong" Lumingon sa akin si manong matapos niyang ilapag sa loob ng tricycle niya ang Maleta na iyon.
"Alam namin iyon maam hys! Pero maam dapat sa edad mong 21 may boyfriend ka na—tulad ng anak ko oh! Nakikipag lampungan na" Nginuso niya ang anak niya sa di kalayuan habang may kasamang lalaki.
"Ewan ko sayo manong" Sabi ko kaya natawa ito.
"Baka magiging matandang dalaga ka maam" Napailing nalang ako dahil sa biro ni manong.
Tinalikuran ko ito at saka naglakad papalit sa pintuan nitong bahay namin ni papa, binuksan ko ito at saka sumilip sa loob. Subrang linis ng sahig nito na animo'y pati lamok at langaw ay pwede madulas dito, syempre nilinisan ko ang boong bahay bago ko ito iwan. Walang kalat sa paligid o alikabok man lang, yung mga agiw wala na din.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyan na isarado ang pintuan at saka ito ini-lock. Isa lang ang alam ko sa ngayon at ito ay subrang mamimiss ko ang bahay na ito, unti unti akong humakbang papalayo dito pero nakaharap parin ako dito hanggang sa makita ko na ang kabuuan ng porma nito.
'Babalikan kita home sweet home ko'
"Maam baka maiwan tayo ng jeep doon sa terminal!" Sigaw ni Manong Juan dahilan upang agad akong humarap sa kanya at saka lumapit sa tricycle niya.
"Pasensiya na po manong" Saad ko at saka sumakay na sa tricycle.
"Okay lang maam alam ko yang nararamdaman mo" Sabi nito at saka sinimulan nang paandarin ang makina nitong tricycle.
Habang umaandar ang tricycle papalayo hindi ko naman inalis ang mga mata ko sa bahay namin hanggang sa matabunan na ito ng sanga at dahon ng puno na nandidito sa probinsya namin. Ganito pala yung pakiramdam no? Yung ang lungkot lalo na kung ang iiwan mo ang isang lugar at gamit na may masasayang alaala na nakatali sayo.